CHAZZY Matamis akong ngumiti nang paggising ko ay nasa tabi ko na si Thomas at payapang natutulog. Nakapatong pa ang isang kamay niya sa baywang ko. Magaan kong hinagkan ang labi niya at mataman siyang tinitigan. Ang aliwalas ng mukha niya. Nakakatulog pa rin siya ng matiwasay kahit may ginawa siya. I wonder kung anong mga pagpapahirap ang ginawa niya kay Kier. Sabagay, sanay na rin siguro siya. Bigla kong naalala si Travis, kaya kinapa ko siya sa likuran ko. Wala siya sa tabi ko. Anong oras na ba? Namilog ang mata ko at napasinghap nang napagtanto kong tirik na tirik na pala ang araw. May pasok si Travis. May pasok pa kaming dalawa. Napasarap ang tulog ko at maging tunog ng alarm clock ay hindi ko narinig. Marahan akong kumilos para hindi ko magising si Thomas. Hahayaan ko na lang

