CHAZZY Parang ngayon na lang ulit ako nakapag-relax ng ganito simula ng nagkaroon ako ng sarili kong negosyo. Kaya in-enjoy ko ang natitirang oras namin sa falls bago kami bumalik sa resthouse. Pagdating sa resthouse, naabutan namin si Thea sa duyan. Nakatuon ang atensyon sa laptop nito, kaya hindi namalayan ang pagdating namin kung hindi ko pa ito tinawag. “Nandito na pala kayo. May niluto akong tanghalian natin,” nakangiting sabi niya. “Maliligo muna kami, Ate Thea,” sabi ni Reece saka pumasok sa resthouse. Nagpaiwan ako sa labas para kumustahin ang kaibigan ko. Umupo ako sa tabi nito. “May natapos ka?” tukoy ko sa ginagawa niya. Ngumiti siya. “Yes. Gusto mo bang basahin?” Inabot niya sa akin ang laptop niya. Pero duda na agad ako sa ngiti niya. Nakangiti siya pero nakikita ko

