CHAZZY Kinabukasan, maaga kaming gumayak patungo sa bahay. Pagbukas pa lang ng gate ay nakaabang na si Auntie Sabel at ang ilang tauhan ni Thomas. Paglabas ko ng sasakyan ay kaagad akong niyakap ni auntie. Excited na dinala niya ako sa loob ng bahay ni Thomas. Nagpaiwan si Thomas sa labas para kausapin ang mga tauhan niya. Kahit nakarating na ako dito, hindi ko pa rin maiwasan na mamangha habang nililibot ang tingin sa loob ng bahay. Sinamahan ako ni Auntie Sabel sa kwarto. Ito ang kwarto kung saan ako unang dinala. Silid pala talaga ito ni Thomas. “Maiwan na muna kita, hija. Maghahanda lang ako ng almusal ninyo ni Thomas.” “Sige po, auntie. Salamat.” Naiwan akong mag-isa sa silid. Tinungo ko ang balkonahe. Napangiti ako dahil tanaw mula rito ang malaking swimming pool. Parang a

