Chapter 4 - Recommendation Letter

2219 Words
Maaga pa lang ay nagtungo na siya sa opisina ng kaniyang ninong at ipinaalam niyang confidential ang pag-uusapan nila at hindi niya ito ipinaalam sa kaniyang ama. Dire-diretso lang siya dahil sa kilala naman siya roon hanggang sa pumasok na siya sa opisina nito. “Alexis!” sambit ng kaniyang ninong na tuwag-tuwa nang makita siya. "Ninong Fred!" Sinalubong siya nito. “Mabuti naman at pumasyal ka rito.” “Mano po.” Kinuha niya ang kamay nito upang magmano imbes na sumaludo. Nakasanayan na rin naman niya iyon at pangalawang ama na niya ang turing dito. “Kaawaan ka ng diyos. Maupo ka at pag-uusapan natin iyang mahalagang sasabihin mo na hindi na dapat malaman ng ama mo.” Lumihis ito at umupo. Siya naman ay umupo rin katapat nito. Humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita. “Ninong Fred, I want to make this conversation confidential between the two of us. Alam kong hindi na rin kayo iba sa akin at ikaw lang isa sa mga tinatakbuhan ko sa tuwing may problema ako kay daddy.” “Tama nga ang hinala ko. Go ahead, Alexis.” “I heard my father’s conversation with General Lucio about the arrange marriage. Nais nilang ikasal ako kay Capt. Louis Mondejar,” paliwanag niya. Nabigla ito. "What?"   “Yes, Ninong Fred. Isa itong kalapastangan para sa akin dahil kilala mo ang daddy ko lalo na sa mga desisyon niyang padalos-dalos at pagiging diktador sa buhay ko. Wala silang karapatang diktahan ako at ni hindi ko nga mahal si Louis!” “Damn! Ano ba ang pumasok sa utak ng ama mo at kung makapagdesisyon ay ganoon na lang? Hindi mo ba siya kinausap para itigil ang kalokohan na ito?” Umiling siya. “Hindi at lalo lang kaming mag-aaway. Ninong, kailangan ko ang tulong mo. May napag-alaman akong isang dating agency na maaaring maging sagot sa problema ko.” "What kind of dating agency is this?" “Noong una, escort lang ang ino-offer nila pero pinilit ko iyong agent na bigyan niya ako ng husband for hire kahit pa magwaldas ako ng malaking halaga.” “Husband for hire ba kamo?” tanong nito saka ito bahagyang natigilan. “Yes. Bakit? May alam ba kayo tungkol dito? Dahil mapilit ako, may sinabi siyang humingi muna ako ng recommendation mula sa inyo. Ninong, may alam ba kayo sa dating agency na ito? Bakit kailangang madawit ang pangalan niyo rito?” sunod-sunod niyang tanong. Umalis ito sa pagkakasandal sa swivel chair at bahagyang lumapit sa kaniya. “What’s the name of the agent?” “Veronica. Agent Veronica,” tugon niya. “RnJ Agent.” “Ho? A-Anong sabi mo, Ninong?” tanong niya. Narinig naman niya iyon ngunit nais lamang niyang makasiguro. “Have you heard about the RnJ Services?” seryoso nitong tanong. “Nope. So, may koneksiyon ba kayo sa ahensiyang ito? Just tell it to me, Ninong Fred. Kagabi pa ako naguguluhan sa kakaisip.” Napabuntong-hininga naman ito at nagsimula na rin itong magsalaysay kung ano ang koneksiyon nito sa nabanggit nito kani-kanina lang. Napag-alaman niyang isa ito sa mga protektor ng isang dating services at former hunk ng RnJ. RnJ Services is an underground business of Ricardo Milosa with the help of his friend, Johnny. The nature of business is to provide a husband for hire service for those financially capable women in need.  RnJ Services hides behind Ricardo's front businesses such as Hermes Hotel, Blue Marlin Restaurant, Hercules Sparadise, Strings of Faith Dating Agency, Viajero Travel, and Tours Café Viaje del Cielo, and La Diva Art Gallery. All front businesses have branches here and abroad. Each branch has a hidden office for RnJ Services. There are also rules and regulations of being a husband. Nothing about RnJ shall be exposed to the client and the public as long as he lives. The husband shall not have s****l contact with the client; the husband shall not disclose his real identity to the client; he shall only use the identity provided by RnJ; the husband shall duly comply with what's specified in the contract. And there are also limitations. Kissing is allowed for display purposes only. The husband will only do the tasks specified in the contract Nothing more, Nothing less. These tasks depend on the needs of the clients specified in the contract. Public display of affection is just fine as long as it will not go farther than that. The dignity of husband and client shall be protected. The client contract has do's and don'ts to RnJ services. The client shall not expose any information about RnJ Services to the public even after the contract ends. The client shall not make s****l contact with the husband; the client shall not dig the husband's private or real life; the client shall not be a threat to the husband's life or shall not drag the husband into a life-risking situation. And, if ever there are consequences in violating the contract, there are always sanctions. In the event that the client fails to comply with what's within the agreement, the client shall pay penalty fees. In the worst scenario, the client may be sued by RnJ and will be marked as Scarlet W in the RnJ database, making her an excommunicated person in all front businesses of RnJ. If the husband for hire is proven guilty of a breach, he may receive any of the following sanctions depending on the severity of violations. A designated task as part of the punishment, penalty charges, cancellation of husband license, and being excommunicated in RnJ and any front businesses of RnJ. This is followed by the revelation of his real identity to the client in the RnJ database. Lawsuit. Pull out of Ricardo's (RnJ's) investment to the husband's business if applicable.  A council known as the Council of Gigalo will be a direct recipient of complaints and legal concerns and also the one responsible for monitoring the husbands to make sure that they all follow what's in the contract. They also impose tasks and penalties on those husbands and clients that commit a breach of contract. Ngayon, napag-alaman na rin ni Alexis kung anong klaseng kompanya mayroon ang dating agency na ito at napagtanto kung bakit may affiliation ang ninong niya rito dahil sa naging bahagi din ito noon sa naturang ahensiya. Sinabi rin nitong walang alam ang ama niya sa kalakaran sa loob dahil ilegal ito ngunit nagawa itong protektahan ng kaniyang ninong dahil sa malaki rin ang naitulong ng ahensiya dito noon at kasali na ang investment. “Protektor kayo ng negosyong ito, Ninong Fred?” kunot-noong tanong niya matapos makinig dito. “Pero malinis ang hangarin ng dating services at sinisigurado nitong hindi sila lumalabag sa human rights ng mga kababaihang nais mag-hire ng pansamantalang magkaroon ng asawa. It’s not all about business, Alexis.” “Kahit na dahil nasa serbisyo tayo.” “Malaki rin ang naitulong ng dating services na ito sa mga kalalakihang nais magkaroon ng trabaho at mga foundation na natutulungan nila para sa mga kapos-palad nating mga kababayan.” Napailing siya. “Bakit nga pala kayo naging former hunk sa RnJ?” "It's a long story. Now, are you interested in getting your own hire husband?" “Of course!” mabilis niyang tugon. Desidido pa rin siya. “Pero hindi ako pumapayag!” Napatitig siya sa kaniyang ninong. “W-Why?” “Ayokong ma-involve ka rito dahil malaki ang magiging epekto nito oras na malaman ito ng iyong ama. kakausapin ko siya na huwag ituloy ang⸻” “Ninong, hindi niyo rin naman siya napigilan nang pilit niya akong ipasok sa PMA noon! Kung ano ang gusto niya ay iyon ang nasusunod. Isa pa, may edad na ang daddy at ayokong pagmulan niyo na naman ito ng hindi pagkakaintindihan. Still remember? Nagkasamaan pa kayo ng loob noon nang dahil sa akin. I am desperate, Ninong! Ipagpapalit ko ang karangalan na natamo ko ngayon sa posisyon ko upang hindi lang malaman ng daddy ang tungkol dito. I will be careful while doing this and feels like I am in a mission.” Gusto na niyang maiyak ngunit pinipigilan lang niya at nagtapang-tapangan. Napabuntong-hininga na naman ito. "Okay. Just promise me that you will not disclose any information about this company and my will to protect it. RnJ has the right to put you in a red flag status since you are a military official. I will give you a recommendation but promise me that this is a confidential matter. Nagkakaintindihan ba tayo, Alexis?” Tumango-tango lang siya. “Yes, Ninong.” “Hintayin mo ang recommendation letter ko at tatawag na rin ako mamaya kay Ricardo,” wika nito. Naghintay lamang siya ng ilang sandali saka siya nagpasalamat sa kaniyang ninong. Alam niyang hindi madali ang papasukin niya ngunit deteminado na siyang maging rebelde sa ama. Muli na rin niyang tinawagan si Veronica at this time, nag-set na ito ng meeting upang mapag-usapan ang ibang detalye. Kailangan din niyang humarap sa may-ari ng kompanya at iilang mahahalagang tauhan nito dahil na rin sa estado niya.    Naghapunan sina Alexis kasama ang ama niya sa hapag-kainan pasado alas-otso ng gabi. Maaga itong umuwi dahil wala naman itong masyadong naging aktibidad sa base. Tulad pa rin ng dati, tahimik lang silang kumakain sa tuwing magkasama at minsan naman ay nagkukuwento ito tungkol sa trabaho nila. "Wala ka kanina, Alexis. Bakit hindi mo sinabi sa akin na naka-leave ka?" seryosong tanong ng ama niya. "At naka-leave rin po ako bukas," tugon niya. Napatigil ito sa pagkain at nakatitig sa kaniya. "What?" "Dad, you heard me." Sinulyapan niya ito. "Hanggang bukas lang naman at sa susunod na araw ay babalik na ako." Mataman itong nakatitig sa kaniya. "Still, you need to tell it to me kahit nag-file ka na. Where did you go?" "Namasyal lang." Pagsisinungaling niya sabay umayos siya ng pagkakaupo. "Dad, bente-otso na ako. Hanggang ngayon ba naman ay kailangan kong ipaalam sa inyo ang bawat kilos ko? I'm old enough." Bahagyang tumaas ang boses nito. "I'm trying to protecting you, Alexis! Alam mo na nasa serbisyo tayo. Alam mo rin ang kalakaran ng mga katulad natin. Parehas tayong opisyal at ako na may mataas na posisyon ay nararapat lang na pangalagaan ko ang reputasyon ko at ang—" "Dad—I know! Pero isipin niyo naman na babae ang anak niyo. Hanggang ngayon ba naman ay pagtatalunan pa natin iyan? Heto na ako at isa na akong nagseserbisyo sa bayan." Pinipigilan niyang mainis nang magsimula na naman ito sa giyera sa pagitan nila ng ama niya. Nangako na siya sa sariling ipaglalaban na niya ang kaniyang karapatan. Pumagitna na sa usapan si Nana Caring sa kanila. "Tama na iyan, Alexis! Nasa harap kayo ng hapag-pagkainan. Hanggang dito ba naman ay magtatalo kayong dalawa?" Tumayo na ang ama niya. "Nawalan na ako ng gana!" Padabog nitong inilapag ang table napkin saka nilisan ang dining area. Naiwan na lamang siya at ang Nana Caring niya sa mesa. Hindi na siya muling kumibo pa upang hindi na lumala ang tensiyon sa pagitan ng kaniyang ama. Hindi rin nakapagpigil si Nana Caring kaya nagsalita rin ito. Umupo ito sa bakanteng upuan katabi niya. "Ano ka ba, Alexis? Sana hindi mo na lang pinatulan ang ama mo. Tingnan mo at nagtatalo na naman kayo. Intindihin mo na lang kasi at matanda na siya." May halong pag-aalala ang boses nito. "Nana Caring, kapag habang-buhay na ganito kami ng tatay ko, paano ako magkakaroon ng sarili kong pamilya kung siya lang din naman ang masusunod? See? He's trying to control me again. Hindi naman ako prinsesa ng isang bansa para lang bantayan ng bente-kwatro oras. Unfair naman sa akin iyon!" inis niyang wika saka niya inilapag ang mga kubyertos. "Nag-aalala lang siya dahil babae ka. Isa pa, nasa serbisyo kayo kaya ka niya gustong maging safe." "Huwag niyo na ipagtanggol ang daddy. Tingnan niyo nga ako, mukha ba akong babae sa ayos kong ito? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko." Iniurong niya ang upuan at tumayo. Dinampot niya ang baso ng tubig at uminom. “Kung buhay pa sana ang mommy mo, hindi sana ganito ang sasapitin mo.” Tila may habag ang boses ni Nana Caring sa kaniya. Muli niyang inilapag ang baso sa mesa. “If my mother’s still alive, mangungunsumi lang siya. Aakyat na ako, Nana Caring.” “Hay, jusko! Sige at magpahinga ka na.” Mabibigat ang mga hakbang niyang umakyat sa kaniyang kwarto habang iniisip na naman niya ang tungkol sa narinig. Paano kung dumating na ang oras na e-announce na nila ang magiging kasal namin ni Louis? Sumasakit na ang sentido niya sa kakaisip. Lalayas na lang siguro ako o kaya mamuhay sa probinsiya. Pero hindi⸻hindi ako dapat magpatalo sa problema kong ito. Hahanapin pa rin ako ng daddy kahit saang lupalop ng mundo. Inayos niya ang kaniyang higaan at sumandal sa headboard ng kama. Kung susuway man ako sa kagustuhan niya, e-todo ko na kaya. I can also migrate to America and start a new life there. Pero hindi kaya ng kunsensiya kong iiwan ko ang daddy dito. I was still thinking of him rather than thinking of my feelings. Nakailang beses na siyang bumuntong-hininga at nakatulugan na lamang ang mga isiping iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD