Chapter 3 - About RnJ

2067 Words
“Humanay!” Dali-daling nagsitakbuhan ang mga Air Force Officers and Cadets kabilang siya nang tumawag ng isang meeting ang kanilang kapitan sa loob ng kanilang base. Ayon sa kaniyang ama, may relief operation sila sa Visayas at kailangang maghatid sila ng tulong sa mga nasalanta roon na tinamaan ng malakas na bagyo noong nakaraang linggo. Nakapaghatid na ang ilan sa kanilang mga kasamahan at kailangan pa ng ilang mga pangunahing pangangailan dahilan  ng kakulangan. Nag-abot na rin ng tulong ang ibang mga bansa at kumilos na rin ang mga indibidwal na sektor upang mapunan ang mga ito. Sumigaw ang platoon leader. “Tikas pahinga!” Maya-maya pa ay nasa gitna na si Captain Louis upang magbigay ng importanteng anunsiyo sa kanila. Nasa pang-apat siya sa unang linya ng kanilang platoon at katabi niya ang kasamahan niyang si Lt. Grace. “Officers and Cadets! We have an urgent relief operation tomorrow morning. Pagtutulungan ng lahat ngayon ang pagkakarga ng mga food packs at ibang mga kailangan mula sa iba’t ibang sektor ng ating gobyerno.” Palakad-lakad ito sa kanilang harapan. “Kailangang maihatid ang mga food packs sa bawat nasalantang mga kabahayan at kung may aberyang nangyari, ipagbigay alam agad sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?” “Yes, Sir!” korong wika ng lahat. “Good. Okay, dismissed! Maliban sa’yo, Lt. Aritana.” Kumilos na ang lahat na umalis sa hanay habang siya ay nanatili lamang sa puwesto niya habang naka-tikas pahinga. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay magkasarilinan sila ni Louis dahil iniiwasan niya ito lalo na noong malaman niyang may balak ang kanilang mga magulang. “Lieutenant…” She looks straightforward and pays attention to what Louis will tell her. Sumasagi na naman sa isipan niya kung sakaling matuloy ang kanilang kasal at maging asawa ito. No! I’ll do everything to ruin that arrange marriage. Ipaglalaban ko ang tama at hindi magpapadaig sa anumang kasunduan. “Hindi kita papayagan na sumama sa relief operation bukas at kailangan ka rito sa base,” sambit nito. Nagtaka siya. “Sir? Bakit hindi niyo ako papayagan?” “As I said, kailangan ka rito sa base.” “Sir, kulang tayo sa tao dahil naka-leave ang tatlong Air Force Pilot natin. Kung hindi ako sasama, kukulangin ang mga tauhan natin.” “That’s an order, Lieutenant. Sumunod ka na lang.” “Is this the general’s idea or your idea?” tanong niya. Hindi na niya napigilan ang sariling makipagtagisan ng tingin dito dahil hindi na naman siya makakasama sa operation. Ilang beses na rin silang nagkaroon ng ganoong activities at laging nasa base lang siya. “Both. Ako ang sasama sa operation instead na ikaw. Siguro naman magiging panatag ka na roon?” “But⸻” “No ifs and buts, Lieutenant. That’s an order!” “Sir?” Nagbigay pugay-kamay siya rito. Wala siyang nagawa kaya susunod na lamang siya sa kautusan.  “Carry on, Lieutenant. Dismissed.” Hindi na niya ito sinulyapan pa at tumalikod na siya. Na-imbyerna na ako! Nakakapagtaka naman na halos lahat ng mga operations ay hindi ako isinasama maliban na lang kung ito ay walang mga kargamentong dadalhin. Weird! Hindi siya mapakali kaya nagtungo siya sa opisina ng kaniyang ama.   Tatlong katok ang ginawa niya bago niya pinihit ang doorknob at niluwangan ang pagkabukas ng pinto. Naroon ang ama niya na abala sa laptop nito saka siya tuluyang pumasok. “Alexis, may kailangan ka?” “Sir?” Sumaludo siya rito. “Carry on.” Umupo agad siya katapat nito. “Dad, bakit hindi niyo ako pinayagang tumungo ng Visayas para sa relief operations?” “Mas kailangan ka rito.” Nanatili lang itong nakatingin sa monitor. “Anong gagawin ko rito? Kulang tayo sa tauhan at kailangan nila ng piloto. Isa pa, napapansin ko na hindi ako nakakasama sa mga activities lalo na kapag involve ang pagpapalipad ng mga aircraft natin na may mga kargamento. Isn’t weird, right? Halos ang umaalis ay ang grupo nina Capt. Louis Mondejar na hindi ako kasama gayong nasa hanay niya ako.” Noon lamang ito tumingin sa kaniya. “Nagdududa ka ba?” “Hindi naman sa ganoon pero kasi…” “There’s nothing to worry about, Alexis. Ako mismo ang nakakakita ng mga kargametong ito at may approval na nagmula sa akin. Ipanatag mo ang iyong kalooban.” “Okay.” Tumayo na siya at sumaludo rito. “I’m going to leave, Sir.” “Granted.” Muli siyang lumabas ng opisina nito na dismayado sa sagot ng kaniyang ama. Hindi pa rin ako mapakali. Parang may mali. Pero hindi ko muna dapat isipin iyon at iisipin ko muna ang nalalapit na family dinner. Kailangan ko pang kausapin ang ninong. Nagtungo muna siya sa kaniyang opisina at doon tinapos ang kaniyang mga gawain.   Alas-otso ng gabi nang makarating siya sa bahay nila ngunit nagtaka siya kung bakit may pamilyar na sasakyang nakaparada sa labas ng kanilang bahay. Sasakyan ni General Mondejar iyan, ah! Wait! Ngayon na ba nila gagawin? Imbes na pumarada ay dumiretso siya sa unahan na hindi mapapansin ng mga ito. Lumiko siya sa may kanan at huminto sa madilim na bahagi ng bahay na walang katao-tao. Pagka-park niya ay agad siyang bumaba, pasimpleng sumilip at nagmamatyag sa madilim na bahaging iyon. Tanaw naman niya ang kanilang bahay at hinihintay lang niyang umalis ang mga ito. “What are you doing there, Miss?” Naalarma siya nang may narinig siyang boses ng lalaki. Sinulyapan niya ito ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito dahil madilim ang bahaging pinagkublihan niya. “Siguro may pinagtataguan ka.” “Sssshh.” “Anak ka ni General Aritana, hindi ba? Bakit ka nagtatago?” “Bakit ang dami mong tanong? Mind your own business!” “How do I mind my own business if you’re blocking my way?” “What?” “Mali pa ang parking mo. Sigurado ka bang professional driver ka? Nasa batas ka pa man din nagtatrabaho,” inis nitong wika sa kaniya. Noon lamang niya napuna ang motorsiklo na halos naipit na ng kotse niya sa pinaparkingan nito sa gilid. Hindi nito napansin dahil sa madilim nga ang bahaging iyon. “Mabuti at hindi mo binangga ang motor ko.” Napakamot siya sa ulo at hindi rin niya pwedeng alisin ang kotse niya dahil may nakaparada rin sa unahan. “Sorry. Nagmamadali ka ba? Pwedeng mamaya ka na lang umalis?” Matagal bago ito nakasagot at dahil hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito, nagtiyaga na lang siya sa bulto nito, sa suot nitong puting t-shirt at sombrero. Tantiya niya ay hindi naman masamang tao ang lalaki dahil kung isa man itong kriminal ay kanina pa siya dapat nito ginawan ng masama. “Babayaran mo ang oras ko.” “Sige,” tugon niya. Wala siyang nagawa dahil kailangan niyang maghintay ng ilang oras. Mukhang pera pala ang damuhong ito.    Sumandal ito sa pader. “Bakit ka ba nagtatago? Delikado ang bahaging ito dahil madilim at hindi man lang kayo nagreklamo sa admin.” “Pinagtataguan ko ang may-ari ng sasakyan diyan sa tapat ng bahay namin.” Hindi niya alam kung bakit ba siya nakikipag-usap sa estranghero. “Siguro may utang ka.” “Wala akong utang.” “Siguro ay may kasalanan ka sa batas.” “Wala rin akong kasalanan sa batas.” Muli siyang sumilip sa kanilang bahay sa unahan. Nakita niyang nasa labas na ang mga ito at papaalis na. “Paalis na sila.” “Isumbong na kaya kita.” “Sige at wala kang isang libo.” “Five thousand ang kailangan ko.” Sinulyapan niya ito at tiningnan nang masama. “Wala akong five thousand.” “Imposible. Isusumbong kita o magbibigay ka ng five thousand?” “Nasa loob ng kotse ang wallet ko.” Naglakad siya patungo sa kaniyang kotse at may kinuha. Maya-maya lang ay hinarap niya ang lalaki. “Oh, heto!” Hinagis niya ang tig-iisang libo sa damuhan sa sobrang inis. “Hanapin mo na lang!” Sabay pumasok na siya sa loob ng kotse. Mukhang pera! Bwisit! “Salamat, Miss!” Narinig na lamang niya ang huli nitong sinabi saka niya minaniobra ang kotse niya pabalik sa kanilang bahay. Naisahan pa ako ng lokong iyon! Nagkapera pa nang walang kahirap-hirap. Sakto lang din at wala na roon ang sasakyan ni General Mondejar saka siya tuluyang pumasok sa kanilang bahay.   Samantala, habang papasok si Kier sa bahay niya ay hindi maalis-alis sa mga labi niya ang ngiti. Hindi siya makapaniwalang magtatagpo sila ng dalaga sa ganoong sitwasyon at nagkapera pa siya. Mabuti na lang at madilim ang bahaging iyon at sigurado siyang hindi siya nito nakilala. Hindi rin niya inaasahan na bigla itong susulpot doon. “What’s that smile for, huh?” Napasulyap siya sa pinsan niyang si Third. “Nothing.” “Nothing? Mukha kang naka-jackpot! By the way, do you need anything else? May out of town ako next two days at isang linggo akong mawawala.” “Hmm. Wala na. Kabisado ko na ang pasikot-sikot sa Maynila at mga bilihan.” “Good. At least, hindi na ako ang uutusan mo ngayon. I’m going out tonight. Ayaw mong sumama?” “I’m on a mission, and you knew that.” “Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend sa ginagawa mo ay masyado kang workaholic. Kumusta ang pag-iimbestiga mo?” Nagpalinga-linga siya at baka naroon lang sa paligid si Aling Reming. “Lower your voice. Baka marinig ka ni Aling Reming. Nagkita kami ni Alexis.” “Huh? Nagkita kayo? Saan? Paano? Bakit? Nakilala ka?” sunod-sunod nitong tanong. “Isa-isa lang at mahina ang kalaban. Nagmamatyag ako kanina sa madilim na bahagi ilang bahay ang pagitan. Hindi ko akalain na bigla siyang paparada at halos nagitgit pa ang motor ko dahil hindi niya napansin. May sasakyan sa tapat ng bahay nila at iyon ang dahilan kung bakit siya nagtatago roon.” “Nakilala ka niya?” muli nitong tanong. “She won’t recognize me and it’s dark right there. Kung bakit kasi hindi pa nilagyan ng poste sa bahaging iyon at delikado sa mga taga-rito.” “Benebenta na ang bahay sa parteng iyon malapit sa amin. Pumutok kasi ang fuse sa bahaging iyon kaya walang ilaw pero pinuntahan na iyan kanina ng mga nag-aayos ng kawad ng kuryente. So, kumusta naman ang pagtatagpo niyo?” “Balak ng ama niyang ipakasal siya sa anak ng kumpadre nito na nasa serbisyo rin.” Hindi naman siya naglilihim sa pinsan niya. “What? Arrange marriage? Uso pa ba iyon?” “Kaya iyon nagtatago kanina dahil naroon sa bahay nila ang ama ng mapapangasawa niya at hindi siya pumapayag sa kasunduang iyon.” “Then it is your chance!” “Chance for what?” “Gusto mong mapalapit sa mga Aritana, right? Then, alukin mo siya ng kasal.” “Nang ganoon kadali? Dude, try to think about everything. Ayokong ipahamak ang sarili ko at biglang alukin siya nang ganoon kadali. I will do that if I could find another way how to make things in proper process.” “Well, malalagay din sa alanganin ang buhay mo kapag ginawa mo ang suhestiyon ko. Anong plano mo?” “Papasukin ko ang kumplikadong buhay nila makakuha lang ako ng sapat na ebidensiya.” “Be careful, bro. Mga malalaking tao ang makakabangga mo oras na makapasok ka sa loob ng pamamahay nila.”  “I’m not afraid. Mas sila ang dapat matakot sa kamandag ko.” Natawa ito. “Baka ibang kamandag naman ang ipapamalas mo.” “Umalis ka na nga at puro ka na naman kalokohan.” Nilagpasan niya ito saka siya naglakad paakyat. “Ayaw mo ba talagang sumama? Bar hopping naman tayo!” “I’m tired!” “Alright. Alis na ako! Just call me if you change your mind.” Hindi na niya ito tinugon at dire-diretso na lang siya sa kaniyang kwarto. Pagod na rin siya at nais na niyang magpahinga sa buong araw niyang nag-under surveillance sa mga suspek. Naalala niya ang five thousand sa bulsa saka niya ito dinukot. Pinagtiyagaan niya itong pulutin sa damuhan kanina at pinagmasdan. I will give it back to her in the right time. Maya-maya pa ay binuksan niya ang drawer sa gilid ng kaniyang kama at inilagay ito roon. Ginawa muna niya ang night routines niya bago siya tuluyang nagpahinga.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD