MAXINE'S POV Nang pareho na kaming nasa higaan ni Gideon umupo ako sa tabi niya, habang ito naka sandal sa headboard ng kama. "Noong bata ka ba ano pa ang mga pinag daanan mo? Hindi mo ba hinanap ang magulang mo?" tanong ko dito. Muli naman akong nag salita. "Well, mayaman kana may pera kana at marami ka na rin connection?" Bumuntong hininga ito at nag salita, "Actually sinubukan ko pero lagi lang sinasabi ng bahay ampunan hindi nila kilala sino ang nag iwan sa'kin.." sagot nito. "Marami, nandyan na muntik na ako madamay sa mga batang rugby, marami kasing batang ganun sa kahabaan ng Maynila." kwento nito. Tumango naman ako dahil alam ko ang tungkol doon," Nag trabaho ako nag bubuhat ako ng mga paninda ng mamimili, binabayaran nila ako bente. May tirahan kasi ako yung ilalim ng tulay

