MAXINE'S POV Sa isang araw nila Cécil at Sakura dito sa bahay hindi naman namin nabasa ng sabay ang Journal dahil na rin puro kami kwentuhan. Kaya ito ako ngayon binabasa ito mag isa. Napansin ko na ilang pahina na lang ang natitira ay tapos na ako. Hindi siya makapal na Journal pero marami naka sulat. Nilipat ko ang pahina at nakita ko doon muli ang litrato ng babae. "Amelia Patricio.." banggit ko dito, yun pala ang buo niyang pangalan. Hindi ko alam pero napa ngiti ako at muling binasa ang nasa ibaba ng litrato. "Amelia. Nasaan kana ba? kailan mo balak puntahan ang anak natin? She needs you.." Basa ko dito, napa kamot naman ako sa pisngi ko hanggang magawi ang mata ko sa ibabang litrato ng sanggol na kamukha ni Mama. "First birthday of Baby Annabelle Wilhelmina.." Bigkas ko di

