Part 1

1175 Words
“s**t! s**t!” Padarag na sumakay si Jack sa Land Cruiser niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya kung kaya naman lalo siyang naiirita. Ilang sandali na nakasakay na siya doon subalit hindi pa rin siya kumikilos. Minsan niyang ipinikit ang mga mata at hindi na niya inulit. Why, he could picture Portia in his imagination. Beautiful, desirable, naked. His manhood stirred. Napatiim siya ng bagang. Hindi siya makapaniwala. Bakit nangyayari sa kanya iyon? Yes, that. That familiar ache he was feeling whenever he was aroused. Sanay siyang maramdaman iyon pero hindi para kay Porsche. Never for Portia. Imposible! Naramdaman niyang tila nagsuguran patungo sa sentro ng p*********i niya ang lahat ng dugo niya. It made him harder. The ache became stronger. Tila nanalaytay sa buong katawan niya ang kakaibang pakiramdam na iyon. At para bang habang tinatanggihan ng isip niya ang ideyang iyon ay nagwawala naman ang isa pang bahagi ng katawan niya. “I must be damned!” galit na wika niya saka binuhay na ang makina ng sasakyan. Ilang sandali pa at palabas na siya ng malawak na bakuran ng mansyon ng mga Ilustre. Ibinuhos niya sa pagmamaneho ang kalituhan at frustration na nararamdaman niya. Halos liparin niya ang pagitan ng mga mansyon nila. “Jack Hammer, you’re here?” gulat na sabi sa kanya ng kapatid na si Belle. Eksaktong papasakay ito sa dilaw na Camaro nito nang bumaba siya ng SUV niya. “Wala ako sa mood makipagbiruan, Bumble Belle,” sagot niya sa kapatid. “Oh, really?” nanunukso itong lumapit sa kanya. “You call me Bumble Belle. Nagpapa-suplado effect ka lang. I won’t ask for some gas money, kung umiiwas ka lang. May sarili akong pera, just to remind you.” Hindi na niya pinatulan ang kapatid. Mahigit isang buwan na siyang tumatayong magulang sa kambal na kapatid niya. Matapos ang Bagong Taon ay tumulak patungo sa Europa ang mga magulang nila para sa business at pleasure na biyahe ng mga ito. At kagabi lang ay nabanggit ng papa niya na baka mag-extend ang mga ito ng bakasyon doon. At hindi naman niya iyon tinutulan, sa halip ay in-encourage pa niya ang mga ito para sa pang-ilan nang honeymoon ng mga ito. Their parents deserved that. Isinabit niya ang susi ng sasakyan niya at natanaw niya sa gilid ng mga mata niya na maagap na pinalisan ng alikabok ng family driver nila ang SUV. Pumasok na siya sa kanilang mansyon at hindi na pinansin ang kapatid na nakasunod sa kanya. “Pepper Spray, come on down! Sasabay ka sa akin o magba-bike ka?” malakas na tawag nito sa kakambal. That made him stopped on his tracks. Kunot ang noong hinarap niya si Belle. “Anong magba-bike? At saan ba kayo pupunta?” Ngisi ang isinagot sa kanya ng mas nakakatanda sa kambal. “May iba akong lakad. I think, may pupuntahan din siyang iba. I won’t mind to drop her, kung saan man iyon. But I saw her dressing up kanina. Black tights and leather so I guess...” sadya nitong ibinitin ang sinabi at ikinibit ang mga balikat. “Maybe she’s going out with your Harley,” tukoy nito sa big bike niya. May sariling mga sasakyan ang mga ito pero malaya din nitong gamitin ang sa kanya. Sa kambal, si Pepper ang mas laging interesado sa bike niya. Malakas din ang loob nitong hindi ipagpaalam sa kanya ang paggamit niyon. Madalas din kaysa hindi, natutuklasan na lang niya na wala na iyon sa garahe. “Hello, Jack Hammer,” malambing na bati sa kanya ni Pepper. Patudyo pa nitong sinundot ang balikat niya. Namaywang siya at seryosong tiningnan ang mga ito. Walang duda, sa suot ni Pepper ay malamang na bike nga niya ang gagamitin nito. “Kayong dalawa, nawawalan na kayo ng paggalang sa akin.” Nagtinginan sina Belle at Pepper. Sumunod na segundo ay sabay din na lumapit ang mga ito sa kanya. “Group hug,” sabay ding sabi nito. Wala siyang nagawa kundi ang mapatingala sa kisame. Ganoon maglambing sa kanya ang mga kapatid niya kahit na mga dalaga na rin ang mga ito. Pinalaki sila na parang mga magkakalaro lang kaya nga kumportable din silang magtawagan ng pet names sa kabila ng edad nila. Subalit sa mga seryosong bagay, alam din ng mga ito kapag tunay na galit na siya bilang kuya. At malamang, sa pagkakataong iyon ay hindi naman siya talaga galit kaya kayang-kaya pa rin siyang lambingin ng mga ito. They still called him Jack Hammer which their father picked because of his keen interest on the hammer toy when he was a child. “May I borrow your bike?” parang maamong pusa na sabi ni Pepper habang nakayakap pa rin sa kanya. “No,” walang emosyon na sagot niya saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang dalawa. “Alam ninyo ba kung ano ang petsa ngayon?” Pilya ang gumuhit na ngiti sa dalawa. “It’s Happy Hearts’ Day!” duet na sagot ng mga ito at parang nagniningning pa ang mga mata. “And do both of you realize the meaning of that?” “Yes. Date!” sabi ni Pepper. “Sige na, pagamit na ng bike. May road trip kami ni James. We’ll go to Antipolo” “May date din kami ni Rannie,” pilyang sabi ni Belle. “We’ll go racing.” Hinagod nito ang maikling palda. Parehong may tendency na makipagkarera ang dalawa, sa magkaibang uri ng sasakyan nga lang. Napapansin niyang mas wild at adventurous pa ang mga ito kaysa sa kanya. He drove fast but was never interested in racing. “May mga date kayo? At lalabas kayo na kayo ang may dala ng mga sasakyan ninyo? Anong klaseng mga lalaki iyang natitipuhan ninyo? Makakalbo ako sa inyo!” Nagtawanan ang dalawa. “Iba na ang uso ngayon. They don’t have to fetch us.” Si Pepper. “Makikilala mo din sila. Some other time.” Sumeryosong muli ang anyo niya. “Umayos kayong dalawa, ha. Ako ang tumatayong magulang ninyo ngayon bukod pa sa kuya ninyo naman akong talaga. Kahit mga beinte-uno anyos na kayo, masisinturon kayo sa akin.” “Isusumbong ka namin sa Bantay-Bata,” nakalabing sabi ni Belle. “Hindi na kayo pananagutan ng Bantay-Bata. Now, go upstairs! Magsipagpalit kayo ng matinong damit. Pumunta kayong pareho sa Belle’s Pepper,” mahigpit na utos niya. “Ano ang gagawin namin doon?” Maasim agad ang mukha ni Pepper. “How about working for a change?” matabang na sabi niya sa dalawa. “Sayang naman na ipinangalan ko sa inyo iyon tapos, wala man lang kayong interes doon. There’s a lot of happening there tonight. Involve yourselves.” Nilagpasan niya ang mga ito at tinungo na ang sarili niyang silid. He got a busy day ahead of him. Sa araw ding iyon ay magsisimula ang malaking pagbabago sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD