Part 2

1006 Words
“DO I LOOK good?” matabang na tanong ni Portia sa yaya niyang nakaantabay sa kanya. “Yes, Ma’am Porsche. Ang ganda-ganda ninyo po,” sagot ni Eileen. Kasing-edad lang niya ito ngunit apat na taon na itong kasama niya. Dati ay assistant lang ito ng talaga niyang yaya subalit pinagretiro na ng mga magulang niya si Clara nang matiyak na kakayanin na ni Eileen ang magiging trabaho nito sa kanya. Hindi na rin biro ang ipinaglingkod ni Clara sa kanya buhat nang pagkabata pa niya. Hindi rin naman iba si Eileen kay Clara dahil mag-tiya ang dalawa. “Walang bola iyan, ha?” paulit-ulit na sinipat niya ang sarili sa salamin na kasing-laki ng dingding. Portia picked a little red dress. Diretso lang ang tabas niyon subalit dahil sa perpektong hubog ng katawan niya ay nabigyan ng buhay iyon. May kaunting kislap din ang tela niyon, tamang-tama lang bilang party dress. She also picked the perfect accessories and obviously, applied the perfect make-up. Iyon ang maipagmamalaki niya sa buhay niya. Ang perpektong ayusan ang sarili niya. “Yes, Ma’am, ang ganda-ganda ninyo po talaga. Hindi mo mahahalatang--” “Stop it, Eileen,” mataray na sabi niya. “Alam ko na ang sasabihin mo. Don’t state the obvious. Sinabi mo na ba kay Dolfo na ihanda ang sasakyan ko?” “Yes, Ma’am. Naka-ready na po.” “Good.” Inabot niya ang bote ng Miss Dior at winisikan ang mga pulse points niya. Minsan pa ay pinagmasdan niya ang sariling repleksyon. And yes, seeing on the outside, no one would know she was nursing a broken heart. Bumababa siya na tila isang prinsesa sa grandiyosong hagdan ay halatang tulala naman ang mga kawaksing nakamasid sa kanya. Wala siyang pinansin isa man sa mga ito. Alam naman niyang hindi makapaniwala ang mga ito na sa wakas ay lumabas na siya ng lungga niya. “Good evening, Ma’am Porsche.” Si Consuelo na mayordoma nila ang tanging nagbuka ng bibig nang ganap siyang makababa ng hagdan. “Magandang gabi sa iyo. At ganoon din sa inyong lahat,” baling niya sa iba pang kawaksi. Ang iba ay tila naiilang na salubungin ang tingin niya. Karamihan sa mga iyon ay nakatikim ng pagmamaldita niya. Ngumiti siya at pumalakpak ng dalawang beses. “Come on, guys, this is me. Hindi ako multo. Para namang takot na takot kayo sa akin.” Tila nakahinga nang maluwag ang mga ito. “May lakad ka?” tila nananantiyang tanong ni Consuelo. “Alam na ba ni Don Manuel na lalabas ka?” tukoy nito sa papa niya. Nasa General Santos City ang mga magulang niya para sa personal na pag-aasikaso ng expansion ng canning factory nila doon. Nang mangyari ang trahedya sa buhay-pag-ibig niya ay kaagad lumipad pabalik sa Manila ang kanyang ina habang maya’t maya naman ang pagtawag sa kanya ng papa niya. Subalit mas matimbang sa kanya ang pagmumukmok niya. Malambing na itinaboy niya ang mama niya at sinabing mas gusto niyang mag-isa. Isa pa, alam din niyang mas kailangan ito ng papa niya. Parang hindi mabubuhay ang mga magulang niya kapag wala sa tabi ang isa. At dahil din sa matimyas na pagsasama ng mga magulang niya kaya paniwalang-paniwala siya sa “forever”. But it seemed, sa mga magulang lang niya applicable ang forever. Sa nangyari sa kanya, naniniwala na siya sa kasabihang there is always exemption to the rule. At napakasaklap naman isiping exempted talaga siyang makatikim ng forever? “I’m sure pag nabalitaan nila ni Mama na lumabas na ako ng lungga ay magdidiwang sila. Finally, hello outside world!” Kumaway siya na parang isang beauty queen. “I’ll call them anyway. But I’m sure, una pang mababalitaan ni Papa mula sa iyo na lalabas ako. To be specific, diyan lang naman ako sa Grand Davis Hotel pupunta. Special guest daw ako ni Jack sa restaurant niya.” Nang lampasan niya ang mga ito ay tanging si Eileen ang sumunod sa kanya. Palagi naman itong nakabuntot sa kanya. Lalayo lang kapag iniutos niya. A black, shiny Porsche sports car with uniformed Dolfo was waiting for her. Hindi pa nasiyahan sa nakikita ay hinagod pa ng dulo ng daliri niya ang kotseng kapangalan niya upang matiyak na wala nga iyong alikabok. Nasisiyahan naman siyang makita na ubod ng linis nga ang loob at loob niyon. “Dolfo, let me have the key.” Malamyos ngunit puno ng awtoridad ang tinig niya. Parang namamalikmata lang na nakatitig sa kanya ni Dolfo. Hindi ito kumilos sa kinatatayuan. She tapped the roof of the car. “I said, let me have the key.” Kilala siya ng mga ito na madaling maubos ang pasensya. “Pero, Ma’am, mahigpit po ang bilin ng papa ninyo na hindi muna kayo puwedeng magmaneho.” Nakatikwas ang mga kilay na tinitigan niya ito. “Dolfo, I won’t drive if I can’t.” Inilahad niya dito ang malambot na palad. “Again, let-me-have-the-key,” she said with emphasis. “Ma’am, masisisante po ako. Pamilyado po akong tao at mahirap po ang buhay ngayon.” Nanginginig ang kamay na iniabot din nito sa kanya ang susi. “Pag sinisante ka ni Papa, ipapa-re-hire kita kay Mama.” Sigurado siyang imposible itong masisante. Isa si Dolfo sa matapat at mapagkakatiwalaang tauhan nila. “Get the other car kung gusto mong sundan ako.” Mabilis na pumuwesto siya sa driver seat. “Ma’am Porsche, saan po ako uupo?” tila tarantang tanong sa kanya ni Eileen. Kinuha niya dito ang purse niya. “Hindi mo naman kailangang sumama. But if you insist, doon ka kay Dolfo sumakay.” Halos takbuhin ni Eileen ang garahe at pinara si Dolfo na inilalabas ang Camry na karaniwang ang mama niya ang gumagamit kapag naroon ito. “Good luck kung mahabol ninyo ako,” nakangising sabi niya saka pinaharurot ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD