Part 3

1033 Words
NASIYAHAN si Jack na makitang nakikialam ang kambal sa kitchen ng Belle’s Pepper. Alam niyang masama ang loob ng mga ito habang nagdidiwang naman siya dahil nakita niyang epektibo pa rin siyang kuya sa mga ito. Ni hindi niya kilala ang mga lalaking ka-date sana ng mga ito. Mabuti pang sanayin niya ang mga ito na makita ang pamamalakad sa kanilang negosyo. Belle’s Pepper is a novelty restaurant. Sa dami ng negosyo ng kanilang pamilya, dito siya pinaka-hands on. At dahil din sa pagmamahal niya sa dalawang kapatid, he did a word play on their nicknames at siya niyang ipinangalan sa restaurant na iyon. “Is everything set, Andrew?” “Yes, Sir Jack,” confident na sagot ng manager niya sa Belle’s Pepper. Bukod sa main area ay dalawa pa ang malalaking function hall ng restaurant na iyon sa ground floor ng Grand Davis Hotel, na pag-aari naman ng pamilya ng kaibigan niyang si Stephen Davis. January pa lamang ay pinaghahandaan na nila ang natatanging araw na iyon. Bilang novelty restaurant, palagi nilang iniiba ang dekorasyon at ambiance ng lugar, ayon sa okasyon. At walang okasyon na hindi dinudumog ang Belle’s Pepper pero hindi siya kampante sa ganoon lang. Gusto niyang mabigyan ng special treatment ang bawat customer nila. One of the two big function rooms, The Hall of Belle, had all the props, music and style to make the ambiance the most romantic way possible. Sadyang magkakalayo ang distansya ng bawat mesa upang magkaroon din ng privacy ang bawat couple na magse-celebrate doon. Fully-booked na ang The Hall of Belle at sa totoo lang mayroon pa ring nasa waiting list nila. He was also excited for that evening. Hindi lang yata limang couples ang nakatakdang maging engaged sa gabing iyon. Mayroon nang private arrangement sa kusina ang mga magpo-propose para sa personalized menu. Ang pastry chef niya na si Rinoa ay nasilip niya kanina na busy sa paggawa ng mga personalized cakes para marahil sa mga may marriage proposals. He smiled to himself. He was also full of anticipation. And he was also excited for the upcoming event at the Pepper’s Corner, ang isa pang function room. He was the brainchild of that event, na ang tema ay eksaktong kabaligtaran ng magaganap sa kabilang hall. Maaaring umani ng negatibo sa iba ang ideyang iyon pero para sa kanya, ang mas nagtulak sa kanya na ituloy iyon ay si Portia. Napatiim siya ng bagang nang maalala kung ano ang itsura ng dalaga nang puntahan niya. By golly, she was indeed in a big mess. Alam niya, sawing-sawi ito sa pag-ibig pero hindi niya akalaing ganoon ang dadatnan niya. Ano na ang nangyari sa pagiging metikulosa nito pagdating sa kalinisan? Mabilis niyang isinantabi ang eksena kaninang umaga. Gusto niyang mag-focus sa event. Valentine Party For Singles was such a hit. Ilang araw bago mag-Valentine’s Day ay nai-feature na ang gimik nilang iyon sa media. Madami din ang interesado pero kagaya ng diners sa The Hall of Belle, kailangan munang magpareserba ng nagnanais pumunta doon. Entrance tickets for the said event was already sold-out after it was announced to the media. Informal din ang tema ng Valentine Party For Singles. Obviously, para iyon sa mga diners na walang ka-date at bigo sa pag-ibig. Bukod sa mini-stage kung saan may kinuha siyang grupo ng singers na nakahandang kantahin ang mga request ng diners, may nakahanda ding long buffet table na naglalaman ng mga cookies na hugis mukha ng babae at lalaki. May mga icing doon na naka-prepara na sa malilit na decorating bags. Puwede nilang pagbuntunan ng sama ng loob ang mga mukha ng cookies at gawin ang gusto nitong drawing sa mga mukha ng cookies. Unlimited din ang drinks. For pre-cautionary measures, mayroong ambulance na nakaabang para sa sinumang masosobrahan sa pag-inom na kakailanganin nilang ihatid sa ospital. And more than that, meron din silang inilaan na area para sa mga nais na “magwala.” Ipinahanda niya ang isang bahagi ng hall kung saan puwedeng literal na maglabas ng frustrations ang mga sawi. He got the idea from “tacsiyapo” area in a restaurant somewhere in Tarlac. Sa harap ng isang wall na may collage ng eksena ng panloloko pagtataksil o kabiguan ng isang relasyon ay nakahilera naman ang mga bagay na puwedeng basagin o ibalibag ng mga ito. It was a very secured place, too. Kabilin-bilinan niya na walang ibang dapat na tamaan kundi ang nananahimik na pader. Hindi dapat magkasakitan ang mga diners lalo at hindi rin naman magkakakilala ang mga iyon. He even paid a psychologist to silently monitor his guests’ behavior. Napag-usapan na nila kung hanggang saan lang ang limitasyon ng event. Letting out the steam, hanggang ganoon lang. At lahat ng ito ay binubuo niya habang si Portia ang laman ng isip niya. Ang totoo kung puwede lang din na larawan ni Kit ang ilagay niya sa blank wall ay gagawin na niya. At siya na rin ang unang babato sa pagmumukhang iyon. “How could you propose marriage to Porsche and then backing out when everything is already set?” pabulong na sabi niya sa sarili. “Hayup ka, Kit! Inilagay mo sa malaking kahihiyan ang kaibigan ko.” “Sir, may sinasabi kayo?” untag sa kanya ni Andrew. “Ah, wala naman.” Tinapik niya ang balikat nito. “You did a good job. Nakikinita ko nang matagumpay ang gabing ito sa ating lahat.” “Salamat, Sir.” “Kumusta nga din pala iyong pinaka-espesyal na set up na ibinilin ko sa iyo?” Ngumiti ito. “Aregladong-areglado na, Sir. Lahat ng iniutos ninyo, nakahanda na lahat.” Mas maluwang ang naging ngiti niya. “Magaling. Magkaka-bonus ka sa akin kahit malayo pa ang Pasko.” “I’m just doing my job, Sir. I am happy you appreciate my effort.” Tinanguan niya ito. “Excuse me,” aniya nang tumunog ang cell phone niya. “Yes, Nana Consuelo?” tugon niya sa caller. At ganoon na lang ang iniliwanag ng mukha niya. “Really, Porsche is coming here? Great!” Lalong napuno ng excitement ang dibdib niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD