ISANG malalim na paghinga ang ginawa ni Portia saka umatras pa bago ibinato nang malakas ang pinggan. Parang nagulat pa siya sa lakas ng naging ingay niyon. Napabuga siya ng hangin. Mukha ngang naubos ang lakas niya sa puwersang iyon pero ramdam niya ang iginaan ng kalooban niya. Sa isip niya ay nagpasalamat siya kay Jack. Ngayon ay totoong tinatanggap na niyang maganda nga ang ideya nito sa party na iyon. Aaminin niyang mabuti sa kanya ang epekto ng mga ginagawa niya buhat nang dumating siya doon. Alam niyang hindi basta-basta na lang na mawawala ang sakit ng pagkabigo niya sa pag-ibig. Pero sigurado siyang mas magiging magaan na ang pakiramdam niya ngayon. Napatingin siya sa stage nang marinig ang pamilyar na intro ng isang kanta. She was a sucker of classic and standard ballad song.

