“WOW, ANG gaganda naman ng mga bulaklak na iyan, Sir Jack,” kilig na kilig na sabi ng yaya ni Portia at halatang nakaabang sa pagdating niya. “Sa palagay mo, Eileen, magugustuhan ito ni Porsche?” Pinagmasdan pa uli nito ang bonggang flower arrangement. “Sigurado ako, sir, magugustuhan niya iyan. Halos ganyan din ang binibigay sa kanya dati ni Sir Kit. At tuwang-tuwa siya.” Bahagyang umasim ang mukha niya. “Eileen, huwag mo na uling babanggitin ang pangalan ni Kit. Please.” Natutop nito ang bibig. Mukhang napahiya. “Sorry po, sir.” Nginitian naman niya ito at bahagyang tinapik sa balikat. “Hindi ako galit. Kaya ko lang iyan sinabi ay para mas matulungan natin si Porsche na maka-move on. Do you get me?” “Ay, opo, sir. Gets ko po.” “Where’s Porsche?” “Nasa wing po niya.” Inilabas ni

