“KUYAAA!!!” Napabalikwas ng bangon si Jack sa matinis na tinig na iyon ni Belle na sinabayan pa ng sunod-sunod na pagkatok. He was sleeping in the nude. Mabilis na nagsuot siya ng boxer shorts bago ito pinagbuksan ng pinto. “May sunog ba?” inaantok pang sabi niya nang makita ito. “Kuya Jack...” Sinugod siya nito ng yakap at saka umiyak. Mabilis na lumalim ang gatla sa noo niya. Sunod-sunod ang tanong na pumasok sa isip niya subalit binigyan niya ng oras si Belle. Nang kumalma ito ay banayad niyang itinulak. “What’s the problem?” “You.” Pinunasan nito ang luha sa mga mata. “Sorry kung overreacting ako. I just can’t help it.” “Belle, alam mong ayaw kong nabibigla ng gising. Ayusin mo iyang sinasabi mo,” seryosong sabi niya dito. “Si Via, Kuya.” Parang dinaklot ang puso niya. “What ab

