GIGIL NA gigil pa rin si Portia at paharurot na inilabas sa bakuran ng mansyon ang Porsche niya. Tumagal pa ng ilang minuto bago halos kalmutin na niya sa inis si Dolfo bago nito iniabot sa kanya ang susi. She made a mental note na baguhin ang patakaran sa mga sasakyan nila. Bakit ba iyon ang may hawak ng mga susi? Bakit hindi siya samantalang kotse naman niya iyon. What was worst ay iyong hindi rin siya agad pinagbuksan ng gate ng kanilang guwardiya. It took her more than ten frigging minutes! Tinawagan pa nito ang mayordoma nila at ang mayordoma naman nila ay tinawagan pa ang mama niya. At ang mama niya na hindi niya maintindihan kung bakit nagpasa-pasa pa bago niya mismong makausap ay pinakatanong-tanong pa siya kung saan siya pupunta. “My, God, Mama, I don’t understand this! Nasasak

