HINILA ni Portia ang isang accent chair at naupo doon. Gusto niyang pagtakhan ang kilos nito na tila nag-aalangan. Portia was always confident. Sobrang confident nga ito na pati brief niya ay nakuha nitong hubarin sa kanya. Nakita nito ang lahat-lahat sa kanya at parang hindi niya kayang balewalain na lamang ang bagay na iyon. Bahagya niyang ipinilig ang ulo. Bakit ba doon na naman natuon ang direksyon ng isip niya? “What is it?” untag niya dito nang mainip siyang magbuka ito ng mga labi. Gumaya siya sa paghila ng silya at naupo din sa tapat nito. “This is some kind of a proposal,” anito sa nananantiyang tinig. “Go ahead. I’m all ears,” he said to her encouragingly. “Promise me, we’ll still be friends, kahit hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko?” nag-aalangan pa ring sabi ni Portia.

