GUSTONG mapahalakhak nang malakas ni Jack dahil sa nakikitang itsura ni Portia. Nanlalaki ang mga mata nito habang tila naman balat ng bagong ihaw na lechon ang mga pisngi sa labis na pamumula. Despite his heartbreak, gumagaan ang pakiramdam niya na makita lang na ganoon ang itsura ng kaibigan niya. “Sobra ka naman,” sabi nito. “Ako pa ang sobra? Sinamantala mo ang kawalang-malay ko, Maria Portia. Wala akong kaalam-alam sa mga ginawa mo sa akin.” “Wala akong ginawa sa iyo. Excuse me!” Lalo pang nadagdagan ang kulay sa magandang mukha nito. Maganda si Portia kahit wala itong make-up. Nabiyayaan ito ng malinaw at makinis na kutis. Ang hubog ng mukha at maganda din na binagayan ng mga pares ng mata at ilong na minana nito mula sa ina na matining ang dugong-Kastila, habang ang bibig at ba

