HALOS sabunutan ni Jack ang buhok niya nang bumangon siya. Tila sumisigid sa kaliit-liitang bahagi ng utak niya ang kirot sa buong ulo niya. Hindi na niya tuloy matukoy ngayon kung alin ang mas masakit, ang hang-over o ang heartbreak? Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nakalubog pa rin ang mga daliri sa buhok niya. Dumilat lang siya nang makarating sa ilong niya ang aroma ng bagong lagang kape. “Gising ka na pala,” kaswal na sabi sa kanya ni Manang Lucia. “Halos tanghalian na. Ilang beses kang sinilip ng kambal. Pero nagbilin si Belle na huwag kang gigisingin.” “Nasaan sila?” tanong niya. “Nagpaalam si Belle na pupunta sa restuarant. Siya na daw muna ang titingin doon habang nagpapahinga ka.” “Si Pepper?” “Umalis din. Iyong Harley mo ang dala.” “That brat,” he muttered. “Het

