I was walking on the school ground when someone shouted my name. "Aqua!"
I didn't turned back kasi alam 'kong bi-bwesitin niya lang ako. Tangina naman oh, unang bungad sa umaga.
"Aqua Ishinaya!" He shouted once again. Napatigil ako sa paglakad dahil sa narinig. What the f**k did he just call me? No way...
"How did you know?" I asked nang tumigil siya sa tabi ko.
"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Natatawang anya. I'm just shocked, no one ever called me by my full name. I hate it at alam ng lahat yun.
"Don't call me that again kung gusto mong tulungan pa kita." I said seriously at naglakad.
"Why? It's cute at bagay sayo." He said following me.
"Wag ka ngang dikit nang—." I was caught off guard when he forcedly faced me into him. Itutulak ko sana siya nang biglang hinawakan niya ang dalawang pulso ko.
"Nandiyan si Ma'am Nevara, baka paalis na naman yang pants mo." He whispered. Tsk... Why does he care. "Nakatingin si Crystal, act like you're flustered." Makautos ha, butasan ko kaya tagiliran mo?
I pushed him slightly and cleared my throat.
"M-move away! Ang aga mo naman mambwesit." Kunyaring nauutal na sabi ko at naglakad na palayo. Todo ngisi naman ang mga echoserang palaka na nakatambay sa hallway.
Nang makalapit na sa classroom, I stopped acting stupid and greeted the girls.
"Puyat ka na naman?" Tanong ni Krisha. I rested my head sa nakatukod kong kamay sa desk while watching them doing their stuff.
"Gagi, yung eyebags mo oh!" Turo ni Xia sa eyebags ko daw. Kinuha niya ang maliit na mirror at ipinaharap sakin. Gago, ang laki nga.
"Naumagahan ka na naman kakalaro niyang CODM mo noh?" Pagtataray ni Krisha. Ayokong malampasahan ako ng rank ni Kale, no way! I stayed quiet and smiled.
"Lagyan natin ng concealer yan, Aqua." Maureen offered at inukay ang make-up pouch niya. Parang kahapon lang lalabas na yung eyeballs niya kakaiyak. Ngayon naman di na mapigil kakangiti dahil pumunta kahapon yung president ng club niya at inannounce na pasado siya.
"Ayos lang." Sagot ko.
"Anong ayos lang? Mukha kang zombie!" Angal ni Krisha at lumapit sa akin dala ang concealer niya.
"God! Stop, ayoko sabi eh." Pag-aayaw ko while pushing away her hand. Eh ano naman kung malaki eyebags ko? Hindi naman ako mamamatay dahil diyan.
My nose wrinkled as I felt the texture of the concealer in my face. I don't like it.
"Stay still." Krisha demanded. At the side of my eye, I saw Triton entered the room. Feeling cool amputa, nakataas ang isang kilay nito na parang may saltik at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pants. I want to roll my eyes but I can't. Baka mapektusan ako ng kaharap ko ngayon.
"Aqua." Tawag ng impakto na nasa likod ko.
"What?" I answered habang nakatalikod sa kanya while Krisha's still putting a concealer on my face.
"I have something for you." He answered. Nagkatinginan kami ni Krisha bago humarap kay Triton.
He's standing habang may kinalikot sa bulsa niya na parang may hinahanap. His face suddenly brighten up at nilabas ang kamay niyang nakahugis puso ang daliri. Potangina, men.
Napangiwi ako dahil sa kakornihan niya. Grabe, kinikabutan ako dun. Hanggang ngayon nakaganun pa din siya. Parang tangang nakangiti at naka finger heart.
"Aalis ka o tatadyakin kita palayo?" Poker faced na sabi ko. Nagtawanan ang mga classmates kong chismosa na kanina pa nanonood.
"Chill, di ka naman mabiro." He said at may kinuha sa bag niya. Isa na lang talaga masasapak ko na siya.
"Here, to light up your mood." He said at nilapag ang isang bottle of strawberry milk sa desk ko.
"Yieeee!" Hiyaw ng mga echoserang palaka. Balak ko pa sanang ibato pabalik yung strawberry milk kaso dumating na si Sir Ponce kaya naupo na kaming lahat.
***
"Grabe, kina-career talaga ni Triton yung plano niyo." Aniya Xia. It's lunch time at kumakain kami ngayong apat sa cafeteria.
"Kita ko kanina, naglagay si Crystal ng earphones. Hahaha! Deserve." Pagsali ni Krisha sa usapan.
"Pansin ko parang may galit ka kay Crystal ah?" I asked Krisha. Agad naman itong nagdeny.
"Kaloka! Eh crush niyan si Gio." Sabi ni Xia. Agad namang tinakpan ni Krisha ang bibig nito gamit ang kamay niya.
"Ang ingay mo, gaga!" At ayun nagrambolan na naman ang dalawa.
"Eat well, ito pa oh." Alok ko kay Maureen ng cookies na nasa mesa. She really loves to eat, wala na siyang pake sa paligid niya kapag kumakain siya. She smiled and accepted the cookies I offered.
Hindi tumigil kakabangayan ang dalawa hanggang time na for afternoon classes.
"Mauna na kayo, restroom lang ako." Paalam ko at nauna nang lumabas ng cafeteria.
"Yow!" Triton greeted at sumabay saking naglakad. Punyeta, para siyang kabute na bigla na lang susulpot.
I ignored him at naglakad na lang.
"Nag-review ka ba? May long quiz tayo mamaya sa science." He said while coping up with me.
"Wow, coming from you. As if nagre-review ka." Pangbabara ko.
"Hoy! Kahit pogi ako at pasaway. I'm trying my best sa studies, eh ikaw?"
"Common sense na lang yan, nakikinig naman ako sa klase." I answered. Kung bobo ka bobo ka lang talaga.
"Anong nakikinig 'e halos tulog ka nga sa lahat ng discussions."
"Nakahiga lang ako, nakakapagod kayang umupo. Pake mo ba kung hindi ako naka-review? Baka nga mas mataas pa score ko sayo mamaya."
"Yabang ah, pustahan na lang. Tignan natin kung gagana yang stock knowledge at common sense na pinagyayabang mo." Hala siya, g na g.
"Oh sige ba, ang matalo hindi magmomotor ng dalawang araw." Deal ko.
"Sus, easy." Confident na sagot niya, ayun tuloy nabatukan ko. Ang yabang eh.
"Gago, 'bat ka nambabatok bigla?!" Asik niya habang sapo-sapo ang batok.
"Wala, feeling ko lang ang sarap mong batukan." Sagot ko at iniwan siyang nakatayo.
"Mamaya ha!" Sigaw niya.
I washed my hands and checked myself out in the mirror. Bumalik din agad sa classroom kasi nag-text si Maureen na dumating na daw si Ma'am Miranda, our science teacher.
"Get one and pass." The teacher said while distributing the test papers in front. Remembering the bet, napatingin ako sa mokong na nakatingin din pala sakin. I narrowed my eyes at patagong pinakyuhan siya.
"You have thirty minutes to answer and the time starts now." She said and pushed the button of her timer.
Masyado akong nag-enjoy sa paglaro ng CODM kaya nakalimutan kong may long quiz pala ngayon at hindi naka-review. Bwesit kasi si Kale eh, ang yabang masiyado.
May konting questions naman akong sinagotan na tiyak kong tama. Pero mostly dinaan ko na lang sa magic. Hahaha! Bwiset.
"All right, finish or not finish, pass the papers on," Ma'am Miranda said as she turned off her timer.