Chapter 12

1196 Words
After the audition, pumunta kami ng cafeteria para kumain. I checked on the three other girls pero hindi pa sila tapos. Gutom na gutom na ko kaya nakisabay na lang ako sa Diez kumain. "Hindi ko kayo laging nakikita ah? Anong pinagkakaabalahan niyo?" I asked habang kumakain kami. Hindi naman sa gusto ko silang makita araw-araw. Nagtataka lang ako kung bakit hindi nila ako binibwesit. "Wala lang, ang lungkot lang kasi hindi na tayo kompleto." Saad ni Ten na punong puno ng pagkain ang baba. Malungkot na yan? Napalingon naman ako kay Lucas nang magtanong din ang mokong. "Final na ba? Hindi na pwede ibalik?" Sumama ang tingin ko, "Don't ever mention his f*****g name. Nawawalan ako ng gana." Natahimik silang lahat at parang may tinitignan sa likuran ko kaya napatingin din ako. Unexpectedly, Ino is standing in front of me with a box of ice cream in his hands. Tangina, ang lakas ng amats niyang magpakita sakin pagkatapos niya akong sigaw-sigawan? Without saying anything, I looked away at binagsak ang burger na kinakain ko sa table. I walked out and never looked back. Hindi ganun kadali yun, binastos niya ako eh. "Oh, 'bat ang sama na naman ng mukha mo?" Tanong ni Krisha nang masalubong ko sila papuntang cafeteria. "Antok lang." I said bago malagpasan sila. Papasok pa lang ako ng pinto nang bumungad sakin ang mukha ng ipis. "Wala ka ata sa mood?" Tanong niya habang nakangisi at sinenyas na nakatingin si Crystal samin. Mukha siyang tanga sa ginagawa niya. "Oo wala ako sa mood kaya tumabi ka diyan bago kita masapak." I said and bumped his shoulders. Dumiretso ako ng seat ko at sumobsob sa desk. Nababanas ako sa pagmumukha nila. "Makisabay ka na lang, kunyari may binubulong ako at kinukulit kita. At please lang 'wag ka manakit." Bulong ng mokong sa gilid ko. Bwesit. "Ang baho ng hininga mo." Sagot ko. "Gago, umayos ka." "Basta makikulit ka na lang." Aba inutos-utosan pa ko?! Napaigtad ako ng bigla niyang kilitiin ang tagiliran ko. Anak ng?! "HAHAHAHA!" tawa niya at kiniliti ulit ako. This time tumayo na ko para suntokin siya. "Tanginamo?!" Sigaw ko sa mukhang paa na nakatayo na ngayon sa pinto at binebelatan ako. Feeling ko may pumutok na ugat sa ulo ko at automatic na tumakbo para habolin ang gago. I hate being tickled! Bugbogin mo lang ako basta 'wag lang kilitiin. Papatayin ko talaga ang hayop na yun. "Kapag talaga mahuli kitang bobo ka, patay ka sakin!" Sigaw ko at mas binilisan ang pagtakbo pero umepal si Ma'am Nevara. "Miss Altair?! Goodness gracious! Profanity is not allowed in this school at bakit ka nakasuot ng pants sa ilalim ng skirt mo?! Hindi ba na-orient kayo ng proper clothes coding?!" Pagsesermon niya. "Eh kasi Ma'am—" hindi niya ko pinatapos at nagsalita ulit. Ang dami niya namang sabi. "No running in the hallway! Tara na sa cr, you have take that pants off." Huling sabi niya at nagpaunang lumakad. Napakamot na lang ako sa ulo at sumunod. "Tinitingin mo?!" Pag-amba ko sa lalaking tumitingin sa akin habang sumusunod ako kay Ma'am Nevara. Agad namang yumuko ang loko. Nakakainis talaga ang hayop na yun! Humanda talaga siya sa akin mamaya. Akala niya siguro makakalabas siyang buhay sa campus. "Go and change, Miss Altair. I'll be waiting here to make sure na hindi mo ulit isuot yan 'pag wala na ako." Utos ni Ma'am Nevara. Blablabla... Isusuot ko din naman ulit 'to. Sinunod ko ang utos niya at pumasok na ng comfort room para hubarin ang pants. Ugh!Feeling ko talaga nakahubad ako dahil sa sobrang ikli. Nakasimangot na lumabas ako ng restroom at nandun pa din si ma'am. "There, oh see! Bagay naman pala sayo, bakit nagsusuot ka pa ng pants? Mukha 'kang siga kapag suot mo yun." Ay wow si ma'am nanglait pa. "Okay po." I said at naglakad na pabalik ng classroom. Uncomfortable, I tried to walk through the hallway nang may biglang lumitaw sa gilid ko. Tangina muntik ko na ma-elbow, si Kale pala. "Gago, 'wag ka nga manggulat! Muntik na kitang ma-elbow pero I think deserve mo naman." Sabi ko habang nira-wrap ang dala niyang towel sa binti ko. "Ouch naman, ikaw na nga tinutolungan oh. Nakita kanina eh, nag-prepare na ko ng towel kasi I know na hindi ka pa sanay. Sobrang iksi ng skirt nila dito kumpara nung sa atin noon." He said at inakbayan ko. Ang bigat ng braso niya, walang hiya. "I know right! Hindi sana masarap ang ulam ng nag-design nitong uniform, bwiset." Pagrereklamo ko na ikinatawa niya. "Anong nakakatawa?!" Asik ko. "Nothing, you look really cute in that skirt. Sana masanayan mo na." Did he just? Did he just call me cute?! "Uh-oh." He said before freezing his hands on air and ran for his life. "Mamaya ka sakin, bwesit ka!" Sigaw ko at nagdabog papasok ng room. Ang stress level ko for today's video ay 1,000,000% I sat down and calmed myself. Maangas dapat tayo dito eh. I breathed in and out to release the negativity in my mind. Naalala ko na naman ang mukhang paa. Natakot siguro kaya hindi pa bumabalik. Hahaha! Wait! Asan naman kaya yung tatlo at hanggang ngayong hindi pa din bumabalik? Naisipan 'kong itext na lang sila sa gc na bumalik dito. Triton's name popped out of my notifications. Nagtext ang gago. "Remember, that was just a show-off. Bawal ang pikon." Walang bawal-bawal dito, humanda talaga siya sakin mamaya. Hindi niya man lang ako ni-warningan edi sana aware akong kikilitiin niya pala? Maya-maya pa, nakita kong pumasok ang mokong at umupo sa seat niya. My nose strills flaired when he smiled and peaced. Pasimple akong kumuha highlighter sa ilalim ng mesa at binato sa kanya. Bullseye, baby! "Damn you!" Sigaw niya habang sapo-sapo ang noo. I grinned, buti nga hindi upuan o desk ang lumipad sa kanya eh. My mood lighted nang makita ko siyang nakasimangot at masama ang tingin sakin. "Ay wow! Parang kanina lang ang sama ng mood mo ah." Pangbi-bwiset ni Xia na kakarating lang. "Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang ang dalawa at nginuso si Maureen na nakasubsob ang mukha sa desk. "What happened?" Nag-aalalang tanong ko kay Krisha. "She got rejected on her audition for the acting club." Bulong niya. This is unacceptable. How dare them hurt my Maureen?! "Hey, mau! Cheer up, baka nagkamali lang sila ng desisyon?" Damn it, I'm terrible at comforting someone. Bahala na. "No, I suck at acting kaya hindi ako natanggap." Sabi niya at humagolgol sa iyak. Sinenyasan ko sina Xia at Krish na patahanin si Mau. I've got something to do. Lumabas ako ng room para puntahan ang room ng acting club. The students screamed when I harshly opened the door. "W-what do you need, Miss Altair?" Uutal-utal na tanong ng President nila. "I want you to cast Maureen in this f*****g club. How dare you reject her?! She has the passion, bulag ba kayo?!" Pasigaw na sabi ko. "O-okay, noted!" "Ten minutes before I leave this room, you have to go in our room and announce that Maureen has passed, got that?!" "Y-yes!" "Good." I said and left them shocked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD