Chapter 10

1106 Words
"Asan na pasalubong?" Bungad ni Xia nang makapasok ako ng room. Umupo ako at nilabas ang biniling matching keychains ni mom para sa amin. "This is so cute!" "Omg! Matchy match tayo!" "Pasabi thank you ah." They said while checking the keychains out. Customized yun with their names. I was busy listening to the girls talking when Triton suddenly puts a bottle of orange juice on my table. My face turns into confusion and he just stand there like an idiot smiling while his hands on his pocket na parang nahihiya. Natigilan ang lahat sa kanilang ginagawa at nagtumpokan samin. "Ano 'to?" Nagugulohang tanong ko. "Orange juice, tanga hindi ba obvious?" Pabalang na sagot niya. "Gago ka ba? Kung i-pukpok ko kaya sayo 'to?" Tanong ko at pinantayan ang tangkad niya. "Chill, upo ka na. Orange juice for your immunity." He said leaving her hands up na parang nagsu-surrender. "I prefer strawberry flavored." I said while sitting down and the class laughed. Ayun umupo tuloy siyang napahiya. "Hoy! Ano yun, bruha ka!" Xia asked with her overreacting hand gestures. "Gosh! Bakit may pa ganun?" Tanong ni Krisha. "Hindi ko alam kung anong kademonyohan ang pumasok sa isip niya para asarin na naman ako." I answered. Ayoko munang sabihin sa kanila yung ginawa kong katangahan. Magtatanong pa sana sila kaso dumating na yung teacher namin for the first period. Buti na lang, baka kulitin lang nila ako at masabi ko ang totoo. Seriously? P.E subject on the first period? Puyat pa naman ako kakalaro ng CODM, shutangina! We're now alined standing on the ground for our P.E. "Okay, class! We will be playing dodge ball for today's P.E. Dodgeball is a team sport in which players on two teams try to throw balls and hit opponents, while avoiding being hit themselves but I added a twist. Each one of you should have a partner for this game. Boys will be protecting girls from being hitted by the opponent. It doesn't matter if you got hit. Your goal is to protect your partner, if your partner got hit that means both of you are out. Matching of partners will be based alphabetically." Mr. Tadios said. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko dahil gustong maka-partner ang mga gusto nila. Mr. Tadios started calling each partners and I was partnered with junnie boy my cousin. Luckily, Triton and Crystal got paired. I eyed him to keep calm and do not overreact kaya sinunod niya naman. Buti na lang gets niya yung mga signals na binibigay ko. The game started with the ball on the other team. Onti-onting nababawasan ng pairs ang each team at pahigpit nang pahigpit ang laban. Siyempre hindi ako magpapatalo kahit kanina pa ako nabwebwesit kay Junnie. Ako na nga lang ang mga humahatak sa kanya para hindi ako matamaan. "Aray!" He exclaimed nang binatukan ko siya. "Tanga! Ako nga diyan, para kang bakla." Angal ko at nag-switch kami ng position. Ako na ngayon ang magpo-protekta sa kanya. "Sir! Masakit daw tiyan niya kaya ako na sa harap!" Sigaw ko kay Mr. Tadios na nakabantay sa gilid. Tumango lang siya at nagpatuloy na ang laban hanggang kami nila Triton na lang naiwan. Naging mahigpit ang laban pero siyempre ako pa din ang champion. I mean our team. Ang tanga nung kabila eh kaya ayun nakalusot yung bola na hinagis ko. My team jumped out of joy and thanked me. Ngumiti na lang ako habang nagpupunas ng pawis. "Good job Team B! At dahil diyan, you got exempted for our quiz tomorrow!" Sabi ni Mr. Tadios na ikinasaya ng team ko. While my classmates are fooling around, I noticed Triton with his glaring face again. Sinundan ko ang tingin niya at nakita sila ni Crystal na naghaharutan sa gilid. Pinupunasan ni Crystal ang pawis ni Gio habang si Gio naman ay inaayos ang buhok ni Crystal. Ayan na naman siya, naaamoy kong gagawa na naman ng g**o 'to. Nilapitan ko siya sa likod at binatukan ng malakas. "Gago, ang sakit!" Sigaw niya nang makaharap sa akin. "Shuta ka, ano aatakihin mo na naman? Diba sabi ko sayo 'wag ka papahalata?!" Mahinang sabi ko kaya kumalma siya. "I can't control my emotions everytime I see them happy with each other." He said with his chin down. "That's why we made a plan. Kung gusto mong makuha si Crystal, you must work hard and not let your emotions distract you." "Okay, I will do my best." He said and smiled and I just nod. "Ay, oh! Bati na ba ang dating magka-away?" Tukso ng kaklase kong bading na mas mahaba pa ang buhok sakin. "In fairness, may chemistry kayo ha!" "Ay hindi na ba si Crystal? Wala nang love triangle sa klase, buti naman." Mga walang kwentang comments ng classmates ko. Bago bumalik sa puwesto, binalingan ko muna ng tingin si Crystal pero wala akong makitang emosyon na nagseselos siya or what. "Tara, gutom na ko." Aya ko sa tatlo na ngayon naka-alsa ang isang kilay. "What?" I asked. "You have some explanation to do." Xia said. "Okay, fine! I'll tell you but we must eat first. Nagutom ako dahil sa laro." I answered. They bombarded me with questions pagka-upo namin sa table namin. "Ano yung kanina?" "Bakit nag-uusap kayo ng hindi nagsasakitan?" "Nagka-ayos na ba kayong dalawa?" "How?" "Omg! Kayo na ba?!" Sunod-sunod na tanong ng tatlo habang ako puno ng pagkain ang bibig. Pwede bang lunokin ko muna 'to? Peste. "Kung pakainin niyo kaya muna ako?" I inquired. "No! Hindi kami mananahimik." Krisha said at nilapit ang mukha sa akin. "Okay, shut up. Sa atin lang muna ito ha, kapag 'to kumalat sa school. Kayo pagdududahan ko! It's not what you think, I am just helping Triton to win Crystal. Diba alam niyo naman ang kwento nilang tatlo ng friend niya?" I asked at tumango lang yung tatlo. "So yeah, we planned to make her jealous by showing Triton associating with other girls. Ang sabi ang ko maghanap siya ng ibang babae pero nagdrama ang gago. Pinilit na ako na lang kasi ayaw niyang manakit ng ibang babae." "Babae ka din naman ah?" Singit ni Maureen. "Yeah but I want him dead. Takot siya na baka ma-fall sa kanya yung girl at habolin siya. So yun nga, papaselosin si Crystal para marealize niya na mas gusto niya si Triton." Sagot ko. "How sure are you na gagana yang plano mo?" Tanong ni Krisha. "I searched in on google." "Tanga! Tumulong ka pa na 'e hindi ka pa nga nagkaka-boyfriend or nagkakagusto man lang." Krisha said. "Count as in! Tutulong din kami, mukhang interesting yan ah." Sabi ni Xia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD