Chapter 31

1008 Words
He sat down beside me and kept quiet. Alam kong kating-kati na siyang magtanong if okay lang ako. Last time he asks kasi, sobrang nagalit ako kasi nakalimutan ko na tapos ipapaalala niya pa. "Okay lang ako." Pangunguna ko. "H-hindi ako nagtanong." Nauutal na sagot niya. "Tsk... Pwede mo na ko iwan. Gago 'di naman ako magpapakalunod dito." Saad ko at siniko siya. "Okay! Okay! Tawagin na lang kita after I prepare your breakfast." Sagot niya habang naglalakad pabalik nang patalikod. Tumango lang ako at pinanood siyang maglakad. "Oh!" Sigaw ko nang mabunggo ang likod ng gago sa haligi. His face crumpled as he massaged his shoulders. "Oh yan, tanga mo kasing bobo ka." Natatawang panlalait ko. Deserve yan ng bobo, maglakad ba namang nakatalikod. Naurat na ko kakalait kaya ibinalik ko na ang tingin sa umaagos na tubig sa falls. The rushing sound of the water is calming me not until my phone rang. Sinong demonyo na naman 'to. Si Xia pala, ano na namang kailangan nito? "Good morning, bff!" Matinis na boses niya ang bumungad sakin. Takteng bunganga 'to, sakit sa tenga. "Ano." Maiksing sagot ko. "Ay? Bad mood yarn?" Nakakairitang tanong niya. "Ano nga? Istorbo ka." Asik ko. Tahimik akong nag-eenjoy tapos tatawag siya para mang-inis?! "OMG?! Anong istorbo?! Anong ginagawa niyo ni Kale diyan?!" Natampal ko ang noo ko dahil sa kabobohan ni Xia. "Pwede ba?" Naiiritang sabi ko. "Kay, sorry. Kamusta ang pakiramdam mo?" "Medyo okay naman na, mas okay kesa kahapon." "Bilisan mo magpagaling, nakakainis 'tong mga bata mo. Ako ang kinukulit kung bakit absent daw kayong dalawa ni Kale. Hindi ba nila alam?" Reklamo niya. "Do you think makakapagpahinga ako kapag alam nilang nandito ako sa bahay ni Kale at may sakit?" Tanong ko. Mga gago pa naman ang mga hayop na yun. Baka mamatay na lang ako sa stress. "Ay, oo nga pala. Sige bes, balik na ko ng classroom. Lumabas lang ako para kamustahin ka." Saad niya. "Sus, gusto mo lang lumabas ako pa idadahilan mo." "I'm not kaya! Sige, babush!" She said ang hung up. Grabe halos 30 mins kaming nag-uusap? Kita mo, istorbo talaga. "Aqua? Breakfast's ready." Kale said from behind. "Sunod ako." I said pero ang kulit niya. "Sabay na tayo!" Lumapit siya sa gilid ko at hinatak ako sa kamay patayo. Bwesit! Wala akong nagawa kundi nagpahatak na lang. Shutangina, wala pa ko masyadong lakas. Inakbayan niya ko at ginulo ang buhok ko sabay sabing. "Wag na kasi malungkot, ano ba gagawin ko sayo?" I rolled my eyes, nakakairita naman 'to. Kumawala ako, sa paggulo niya ng buhok ko. Aba, putangina nito ah. "Gago ka ba?!" Asik ko nang makalaya sa braso niya. "Chill, don't bite me." He chuckled. Mas lalong uminit ang ulo ko kaya inambahan ko siya ng batok pero umiwas ang tanga. Ang ending naghabulan lang kami dun hanggang napagod siya at pumayag na batukan ko na lang daw. Hahaha! "Grabe ka, may sakit ka pa sa lagay na 'yan ha." Hingal na hingal na asik niya habang hinihimas ang batok. Nakaka-satisfy kaya mamatok ng bobong tanga. "11 A.M na pala?" Gulat na tanong niya nang makita ang oras. Gago, ganun kami katagal naghabolan? "Ayaw mo kasi pabatok 'e." Sumbat ko habang sumasandok ng fried rice. "Palitan natin yang bandage mo after." Saad niya. "Okay." I answered and ate. Tahimik kaming kumain. Himala nga hindi nagliparan ang mga pinggan eh. Di naman halatang gutom. "Can I borrow some shirt and shorts?" Tanong ko habang nagliligpit ng pinagkainan. Wala naman na ko lagnat so pwede na siguro maligo. "Yeah sure, pili ka lang dun sa closet." He answered. I nodded as I wash my hands and headed through his room. I picked out a brown shirt and a black shorts. Ngumiwi ako habang tinatanggal ang bandage sa sugat ko. Tangina, sana pala nagpatulong ako dito. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. I was drying my hair with a towel nang pumasok si Kale with his med kit. "Give me that." He said, taking the towel. "Are you sure you'll be okay to go to school tomorrow?" He asked while drying my hair behind me. "Oo naman, I'm no longer feverish, and the swelling in my arm is lessen. Nothing to worry about." I answered. I watched him got out of bed at kinuha ang suklay. Ano naisip nito at biglang bumait? "Ako na." I insisted when he came closer. "Stay still." He demanded. Syempre wala akong magawa dahil isang kamay lang nagagalaw ko. Bwesit! I yawned while waiting for him to finish combing my hair. "After a hundred years, natapos mo na din." I said as he finished combing. "Parang ilang years ka ding hindi nakasuklay eh." Reklamo niya habang may kinakalikot na naman sa med kit niya. "Nakuha mo ba kay Krish yung pain killer?" Tanong ko. Yun lang ang pag-asa para makatryout ako bukas. "Yeah, nandito na." He answered and tapped the bed in front of him. Inuutusan akong umupo sa harap niya. Kahit ayokong inuutusan ako, sinunod ko na lang ang sinabi niya. This is for my own good anyway. Tahimik lang ako habang ginagamot niya. Nakakaantok kasi eh. "Magpahinga ka after this, nakuha mo pang makipaghabolan kanina para lang mabatukan ako." Asik niya. Yeah, I shoud do that. *** I woke up alone in Kale's room. Ewan ko ba kung saan na naman pumunta ang lalaking yun. I stretched my arms and got up. Pumunta ako ng kitchen para uminom ng tubig. Gusto ko sana maglakad-lakad kaso baka may makakita sakin. It's 5 P.M and I got bored. Dahil walang magawa, naglibot-libot na lang ako hanggang nakarating sa billiard hall. Muntik ko nang makalimutan na meron pala dito. Kumuha ako ng gumball sa gumball machine. Ewan ko kung ganu katagal na 'to pero it looks edible pa naman. I decided to play by myself o baka may kasama akong hindi ko lang nakikita. Joke! "Damn! Nandito ka lang pala. Akala ko lumayas ka na." Kale said while entering the hall, carrying some plastics. I ignored him and continued playing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD