Chapter 30

446 Words
Nagising ako ng isang nakakasilaw na liwanag. Bwiset, akala ko kukunin na ko ni Lord. Sunlight lang pala na tumatagos sa glass window ng room ni Kale. Speaking of Kale, tulog pa din siyang nakaupo sa swivel chair sa tabi ko at nakahiga ang ulo sa bed. Kukunin ko sana ang kamay ko sa ilalim ng kamay niya pero nakakahiyan naman 'no. Kahit nakakadiri ay tiniis kong nakahawak ang kamay ng bakulaw na mahimbing na natutulog sa tabi ko. May utang na loob din naman ako dahil sa nangyari kagabi. Muntik na kong malungkot pero in-erase ko na lang sa utak ko. Kailangan kong magpagaling kaagad at pumasok. Baka mahuli na talaga ako nila Mom and malapit na din ang tryouts. Napatigil ako sa pagmumuni-muni dahil naramdaman kong gumalaw si Kale. I closed my eyes at nagkunwaring tulog. Baka isipin pa niyang feel na feel ko yung kamay niya. He chuckled, "Cute." Wtf? I stopped myself from punching the guy beside me. Hindi ko makita kung anong ginagawa niya kasi nakapikit ako. Tangina, anong pinagsasabi nito? "Ang ganda." Rinig ko pang sabi niya. Sino kausap nito? Gago, ang weird niya, bakit parang kinikiliti 'tong gago? I was curious so nagkunwari ulit akong nagising dahil sa ingay niya. "Ano ba yan, ang ingay." Reklamo ko at nag-unat ng isang kamay. Medyo okay na din naman ang hiwa sa kaliwang balikat ko. Hindi na siyadong namamaga unlike yesterday. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nag-ayos ng tayo ang loko-loko at tumikhim. "Nag-ano... Nage-exercise ako, oo. Sorry if I woke you up." He said. "Istorbo, tulongan mo na lang ako tumayo. Gusto kong pumunta ng garden niyo." Utos ko. Parusa 'to dahil tinawag niya akong cute. Ugh! Nakakasuka talaga. "O-okay." Sagot niya at tinulongan akong tumayo. "Aray! Yung balikat ko wag mo hawakan!" Asik ko nang masanggi niya ang kaliwang balikat ko. Ang tanga ha. "Ay, s-sorry." He apologized at sa waist ako hinawakan. Nag-aalangan pa ang loko pero sinamaan ko ng tingin. Ang arte niya, kingina. Naalala ko na naman nung bata kami. Pinagmayabang niya yung bagong tuli na ano niya. Natakot tuloy ako tumakbo ng mabilis. "Ano namang gagawin mo dun sa garden?" Tanong niya habang naglalakad kami. "Maghuhukay kasi ililibing kita ng buhay." Sagot ko. "Sama ng gising mo ah, gutom lang yan." "Kasing-sama ng mukha mo." Tumawa siya at hindi na sumabat. Buti naman, hindi ako maka-get over sa tinawag niya akong cute. Grr... Nakakakilabot talaga, bwesit. Nakarating kami sa garden at nagpatulong din ako sa pag-upo sa bato na nasa gilid ng mini falls nila. It's so peaceful and quiet. Kaya nga dito ako lagi tumatambay noon nung wala pa sila Mom sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD