Chapter 20

1013 Words
I woke up fine and okay, nawala din yung sakit ng katawan at hapdi ng sugat ko. Maybe, dahil yun sa ininom kong pain killer kagabi. I hopped out of my bed to take a shower. Nag-ayos na ko at bumaba para kumain ng breakfast. "Good morning, sunshine!" Bati ni Mom na nakaupo na sa dining table. "Wow, you're early. Nasaan ang kapatid mo?" Dad asked. Binaon ko nang buhay. "I don't know, Dad. He's asleep pa siguro." I answered and took a sip of my coffee that Nanny made. "Nanny, pakigising nga si Flame sa kwarto niya." Utos ni dad kay nanny. "Ako na, Dad." I offered. Ayokong mahirapan si Nanny sa paggising kay Flame. Tulog mantika pa naman ang ipis na yun. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto niya at ginising siya. Pag 'to hindi nadaanan sa marahan, bahala siya. "Hoy, Flame. Hoy!" Sigaw ko. Hindi man lang gumalaw ang loko. "Hoy!" Sigaw ko ulit at inalog siya. Wala pa din. Ayaw mo magising ah? Pumunta ako sa paanan niya at hinila siya pailalim. Tips para magising ang mukhang ipis na si flame. Hindi yan madadala sa pasigaw-sigaw lang. "f**k you!" Sigaw niya nang tuluyan siyang nahulog sa sahig. "f**k you too! Ayaw mo magising eh. Hahaha!" Tawa ko at mabilis na naglakad paalis. Parang ako yan pag ginising eh. Deserve niya yan, dinadaganan niya pa nga ako eh. Sa susunod sasabuyan ko na siya ng mainit na tubig. "Gising na ba siya?" Tanong ni dad pagkabalik ko nang dining area. "Yes, Dad." I answered shortly at tinapos ang pagkain. "I have to go na. Bye Mom, Bye Dad!" I said farewell and kissed their cheeks. "Ingat sa pag-drive." Paalala nila. I just waved my hand at lumabas ng mansion. "Good morning, baby!" Bati ko sa ducati kong pogi. Nagsuot na ko ng helmet at nag-drive palabas ng gate. Medyo sumasakit pa din ang sugat ko sa braso, animal na yan. "Yow, good morning." Bati ni Kale nang magkasabay kami sa daan. Yes, iisang village lang kami pero hindi ako syadong lumalabas. "Morning." I greeted back. "Ang aga mo ngayon ah." "E ano naman." "Wala, nakakapanibago lang. Ang aga-aga ang init ng ulo mo." "Kape tayo kela Mang Kanor?" Aya ko. "G!" Sagot niya at sabay kaming lumiko papuntang downtown. Maliit na kubo na malapit sa downtown ang kapehan ni Mang Kanor. Isang higop pa lang, gising buong pagkatao mo. "Buti naman at naalala mo pa 'to." Saad ni Kale nang mag-park kami. "Syempre naman, halos araw-araw tayo dito noon eh." Sagot ko. Sumama kasi ang loob ko noon sa bahay. Palaging walang tao, kami lang ni Flame at ibang kasambahay. "Na-miss nga kita ng sobra eh." Gago, tama ba pandinig ko?! "Gago, ano?" Tanong ako. "I mean na-miss kong pumunta dito na kasama ka." "Shut the f**k up ka na lang. Tara na sa loob, excited na kong mabuhay ulit." Sabi ko at naunang maglakad. "Magandang umaga, anong kape ang gusto niyo?" Bati ni Mang Kanor na nagtitimpla pagkapasok namin. "Mang Kanor! Long time no see ah, ako 'to si Aqua!" Saad ko nang parang hindi niya ko makilala. Gumanda siguro kaya ganun. "Sino ka, Iha?" He narrowed his eye and asked. "Aguy, hindi nakilala. Payag ka nun?" Epal ni Kale na nakapamulsa sa likod ko. "Diba sabi ko shut the f**k up ka muna?" Sabat ko. Kaltokan pa kita diyan eh. "Mang Kanor, ako 'to si Aqua! Yung tinatawag mong apo." Baling ko kay Mang Kanor na naguguluhan. Shutangina, hindi ako aalis dito hanggang maalala na niya ako. "Eh? Wala naman akong apo, iha." Sagot niya. "Upo na kasi, ginugulo mo pa isip ni Mang Kanor." Epal ulit ni Kale. "Eh kung kaltokan kaya kita para manahimik ka?" Sabat ko. "Ah! Naalala ko na! Ikaw si Aqua, iyong pasaway na bata?" Sagot ni Mang Kanor. "Grabe ka naman sa pasaway pero ako nga po." "Oh, masaya ka na?" Epal ulit ni Flame. "Wag kang makisali sa usapan." Sabi ko at inambahan siya ng batok pero hindi ko tinuloy kasi masakit yung balikat ko. Next time na lang, iiponin ko muna ang sama ng loob para malakas-lakas yung batok. Yung tatalsik talaga ulo niya. "Anong nangyare sa inyo at ngayon lang kayo nakabalik? Akala ko nga nakulong kayo kaya binisita ko ang selda pero wala naman kayo dun." Sabi ni Mang Kanor. Ang harsh niya, grabe. "Ang harsh nun, Mang Kanor. Lumuwas lang ng ibang bansa si Aqua kaya di na kami nakabalik dito." Pagdadahilan ni Kale na sumali na sa usapan. "Pasaway kayo, hindi man lang kayo nagpaalam sakin." Malungkot na sabi niya. "Pasensya na, Mamang. Biglaan din kasi eh." I apologized. "Maski sa amin nga, 'di rin nakapagpaalam." Pagpaparinig ni Kale kaya tumalsik tuloy ulo niya. "Aray!" Asik niya. "Kanina ka pa eh." Sumbat ko. Napatawa tuloy si Mang Kanor dahil sa kagagohan niya. "Oh siya, upo na kayo at titimplahin ko ang kape niyo." Sabi niya. Tumango kami at umupo na. "Busy ka ba? Hindi kita lagi naaabutan sa room niyo." Tanong ni Kale habang nakaupo kami at naghihintay sa kape. "Oo eh." Sagot ko. "Hindi pa rin ba kayo okay ni Ino?" "Napatawad ko naman na siya, pinapahiramin ko lang ng konti." "Sama talaga ng budhi mo." "Nahiya naman ako sa iyo." "Tama na yan, baka magrambolan na naman kayong dalawa. Heto na ang kape niyo, bilisan niyo at may pasok pa kayo." Saad ni Mang Kanor at nilapag ang tasa sa mesa. "Salamat po!" Sabay naming sabi ni Kale. Takam na takam kong sinuri ang kape. It's been a long time! Wala nang patumpik-tumpik pa, humigop na ko. "Oh, s**t! Tumalsik kaluluwa ko." Sigaw ko nang malasahan ang tapang ng kape. "Feeling ko, hindi na ko makapikit nito." Saad ni Kale. "OA mo." "Ikaw nga tumalsik kaluluwa." "Ikaw nga hindi makapikit, ang bobo lang." At nagsimula na naman ang bangayan namin. Minsan talaga may pagka-isip bata 'tong si Kale. Minsan naman napakaseryoso. Ewan ko ba, bipolar ata 'to. "Tsk! Bilisan mo na lang diyan, baka ma-late pa tayo." Angal niya. "Huwag mo 'ko utusan." Sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD