"Ahem." Tikhim ng Diez nang makitang sabay kami ni Kale pumasok. Himala, kompleto sila today at nakaabang sa gate.
"May sariling lakad pala kayo, ang sakit." Drama ni Lucas. Nabatukan ko tuloy. Sabay na sabay na kaming naglakad papasok ng building.
"Ang aga-aga. Oh ayan! Literal na nasaktan ka." Angal ko habang hinihimas niya ang batok.
"Hobby mo na ata ang mamatok ah." Saad ni Kale.
"Sa sunod suntok naman." Sagot ko at nagtawanan sila.
"May laro kami mamaya basketball, nood ka?" Pag-aaya ni Hendery.
"Pustahan na naman 'yan?" Tanong ko.
"Kuha mo!" Sagot ni Ten.
"Kingina niyo, kapag yan away na naman hahantongan. Pipisain ko kayo isa-isa!" Sermon ko. Nako! Alam ko na yang ganyan nila. Hindi yan natatapos nang walang away.
"Malinis na kami maglaro noh! G ba, bossing?" Tanong ni Hendery.
"I don't know, may lakad ako mamayang uwian eh." Pagrarason ko. Gustohin ko mang sumama pero may plano pa kami nung ipis mamaya. Sagabal talaga sa buhay ang pangit na yun.
"Tampo na ko, lagi ka na lang busy." Pagmamaktol ni Jae.
"Tampo ka lang diyan." Pangbabara ko. Puro lang naman kalokohan ginagawa nila. Trying hard na nga ako dito na nagbabagong buhay.
"Mamaya ah!"
"Bye, bossing! Love you!" Sigaw ni Lucas. Kung hindi lang siya malayo, baka nakatikim na siya ng second wave na batok.
"Good morning te!" Bati ni Xia pagkapasok ko ng room.
"Good morning, nasaan yung dalawa?" Tanong ko.
"Nag-cr lang. Ano? Okay na ba yung plano mamaya?" Lumapit siya at bumulong.
"Yeah, settled na lahat." Sagot ko.
"Goods, excited na ko!"
"Good morning, Aqua!" Bati ni Maureen nang makabalik sila. Napangiwi ako nang bigla niya akong yakapin at nasagi ang sugat ko sa braso. Buti na lang hindi nila nakita.
"Omg! Nakita niyo na ba sa announcement board? Malapit na sports festival!" Saad ni Krish at nilapit sa amin ang desk nila.
"Anong sports sasalihan niyo?" Tanong ni Xia. Ayoko sumali, katamad sumali sa ganyan. Shuta, araw-araw ba naman may practice?!
"Badminton pa din ako." Sagot ni Maureen.
"Ako, loyal sa table tennis." Sagot ni Xia.
"Me din, volleyball!" Sagot nmn ni Krish. Busy lumipad ang isip ko nang biglang tumahimik kaya napatingin ako sa kanilang apat na nakatingin din pala sakin.
"Ako?" I pointed myself at tumango sila.
"Ayoko, katamad." Sagot ko.
"Ay sayang, automatic 100 average daw sa Physical Health kapag nag-participate sa kahit na anong sports." Parang nakarinig ng bell ang tenga ko nang sabihin 'yun ni Xia.
"Try ko lang." I said.
"Taray oh! Bumabawi talaga." Saad ni Krish.
"Yes naman, ikaw kaya itapon sa ibang bansa?" Sagot ko at nagtawanan sila.
"Okay, class! Tama na 'yang daldalan niyo. We'll start our morning classes, please sit down and arrange your desk properly." Sabi ng kakadating lang na teacher. The morning classes started and went by smoothly.
"Class dismissed!" Our teacher when the bell rang. Last period na 'to for the morning classes. Time for lunch! Nagsigulo na ang mga kaklase ko para mauna sa cafeteria. Hindi naman halatang gutom na sila noh? Kapag talaga masanggi nila ang sagot ko, magpapatayan talaga kami dito.
"Aqua!" Sigaw ni Triton at tumakbo palapit sa desk ko.
"Ay may pa ganyanan?"
"Yieee!"
"Tara na mga bakla! Baka istorbo lang tayo dito."
Hiyaw ng tatlo nang umupo si Triton sa harap ko. Ang galing talaga umacting ng mga 'to. Pinaparinggan kasi nila si Crystal na nakaupo sa desk niya. This is a good timing, bro!
Umalis na yung tatlo at kaming tatlo na lang ang naiwan. Napatingin kami ni Triton sa kanya kaya napatingin din siya sa amin. Ewan ko pero I think me and Triton are thinking the same thing.
Nakipagtitigan pa siya sa amin ng ilang segundo bago marealize ang gusto naming sabihin.
"Oh, sorry. Do I bother you two?" Tanong niya. Her voice is so soft.
"Oh, hindi naman. Hindi ka ba magla-lunch?" Tanong ni Triton.
"Busog pa naman ako." Sagot niya habang nakangiti.
"Oh, okay." Saad ni Triton. She smiled at binalik ang attention sa binabasa.
"Let's go elsewhere?" Yaya ko kay Triton. Sinadya kong lakasin para marinig niya. Tatayo na sana na kami nang tumayo din siya.
"Stay here, pupunta naman akong library eh." Sabi niya.
"No need, magla-lunch na din naman kami." I insisted. Tumango lang siya at umupo ulit.
Nagsenyasan kami ni Triton at sabay na lumabas.
"Gago, alam kong muntik ka nang bumigay dun ah." Sabi ko. Napansin ko kasi kanina yung paa niya sa ilalim na desk na hindi mapakali. Parang gusto niyang tumayo at puntahan si Crystal.
"Tangina kasi, hindi ko kayang makitang siyang mag-isa." Pagmamaktol niya habang naglalakad kami.
"Try mong bumalik, sasapulin kita!"
"Nag-aalala lang ako, she's skipping lunch."
"Wala ba siyang kaibigan? Parang wala akong nakitang ibang kasama niya maliban sayo at sa jowa niya." Tanong ko.
"Wala, mga inggitera kasi mga babae dito. They hated Crys kasi the hottest guy on school has a crush on her."
"Kadiri ka! Anong hottest guy? Gago, huwag ka ngang fake news." Pandidiri ko. Mapapamura ka nalang talaga dahil sa kahanginan niya.
"Wala ka lang alam, mga estudyante lang din ang nagbigay sakin ng titulo na yan." Pagmamayabang niya at yumoko para taliin ang sintas ng sapatos niya.
"Ewan ko sayong uto-uto ka." Sabi ko at binilisang maglakad.
"Hoy! Teka!" Tawag niya. Mas binilisan ko pang maglakad. Baka ano pa isipan ng nga bubwit kapag nakitang magkasama kami.
I rolled my eyes nang makitang nasa table namin ang Diez. Hindi pala, tinapik nila ang mesa nila sa mesa namin. Jusko, gusto ko sana ng katahimikan.
Kita kong nagki-kwentohan sila nang mapansin ako ni Chen at tinuro. Parang tangang kumakaway ang mga gago.
"Ano na namang pumasok sa isip niyo?" Tanong ko nang makalapit sa table.
"Ang init sa puwesto namin eh."
"Kasi gusto kita."
"Ang dumi ng table dun."
Sagot nila. Paanong di dudumi 'e nagdo-drawing ba naman ng kababalaghan.
"Basta huwag kayo masiyadong maingay ah. Tatahiin ko ang bibig kung sino pinakaingay, kingina niyo."
Saad ko. Uupo sana ako sa dulo but Krish moved back at pinaupo ako sa gitna nilang dalawa ni Lucas.
Kaharap ko naman sina Xia at Maureen. Ang mga yawa, may kanya-kanyang usapan pero itong si Lucas nakiepal pa kay Krisha.
The three girls were talking about their nails nang may napansin na naman si Lucas kay Krish. Ginaya-gaya niya yung hand movements ni Krish na fini-flex ang bagong nail design niya.
"Huwag mo 'kong umpisahang dugyot ka ha." Nanggigil na pagbabanta ni Krish.
"Inaano ka diyan?" Tanong ni Lucas na parang gago.
"Don't bother, alam kong nagpapapansin ka lang dahil crush mo ko." Pagtataray ni Krish.
"Hahaha! Dinig niyo yun? Galing talaga nitong si Krisha magjoke. Kaya nagmumukha ka nang clown eh." Banat ni Lucas.
And then, ayun inungkat na naman ni Krish ang mga gawain ni Lucas noon nang junior highschool pa lang kami. Lucas was obsessed with Krish. Grabeng effort ang ginawa noon ni Lucas pero umayaw pa din si Krish dahil sa masasamang gawain noon ni Lucas.
Krisha is talking about it while Lucas is making random sounds. Tangina, bat dito pa ako umupo.
"Lucas, kapag hindi ka pa tumigil diyan sa kakauwang mo na parang asong ulol. Isasaksak ko 'tong tinidor sa lalamunan mong hayop ka." Banta ko. Nakakarindi kasi ang ginagawa niya, shutangina.