Chapter 22

1225 Words
Di mapakaling lingon nang lingon ang tatlo sa orasan na nasa likod. Ngayon namin gagawin ang plano. Ilang minuto na lang ay uwian na. Pati si ang Triton ay di mapakaling kanina lumilingon at nagtetext sa akin. "Please, don't do any dangerous things to her." He texted me a hundred times already. Tangina, ang OA niya ha. "Okay, class dismissed." The teacher said at parang mga priso na bagong labas ang mga kaklase kong nakikipag-unahang lumabas. Lumapit agad si Triton at bumulong. Ang baho ng hininga niya! "Huwag niyo siya masiyadong takotin ha." Pagpapaalala niya. "Oo nga, pauli-ulit. Gusto mo ikaw na lang takutin namin?!" Asik ko. All of our classmates ay nasa labas na. Pati nga mga cleaners for today ay tumakas, mga gunggong talaga. Naiwan si Crystal na nagmo-mop ng sahig. Nagkatinginan kami nina Xia at nagsenyas na simulan na. Nagkunwari kaming nag-uusap ni Triton habang sila ni Xia ay nags-start na ng dapat nilang gawin. Pumunta siya sa gitna at kunwaring umiinom ng juice. "Oh My God! Natapon." She exclaimed nang kunwaring nadulas sa kamay niya ang bottle. Napatingin si Crystal ng sandali bago bumalik ulit sa ginagawang pagmo-mop. "Omg ka, Xia! Look, mas dumumi tuloy ang floor." Pagsulsol ni Krisha na lumapit kay Xia. Naka stand-by lang kaming naka-upo at naghihintay sa susunod na mangyayari. "I am so sorry, Crystal. Help ka na lang namin mag-clean." Xia said, smiling. "No, it's fine. No worries, ako na ang bahala." She replied. "No." Triton butted in. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Tulongan mo siyang maglinis kasi juice mo yan." He added. "Yeah, we should help you. Baka magabihan ka pa dito kapag ikaw lang ang naglinis." Maureen said. Nakaupo lang ako doon while watching them. Now, it's our turn. "Let's go?" Triton asked, smiling. Kadiri. I smiled at tumango. Nauna siyang tumayo at kinuha ang bag ko. Kanina pa ako nasusuka, tangina. "Gago, ako na." Agaw ko. "Ako na, ayokong mabigatan ka." He insist. "Tangina mo, ano ba laman nito? Bato?!" "Wala ka talagang ka-sweetan sa katawan noh?" Kunwaring nagkukulitan kami. I can feel na tumitingin si Crystal kaya ginagalingan ko din. "Oo na, bwesit." I gave up pero kunwari lang. I would never let others guys handle my business. He smiled and turned to face the girls "Girls, una na kami. Ingat kayo sa pag-uwi." He said referring to my friends and Crystal. "Bilisan niyo, hinahabol na kayo ng langgam." "Sakit niyo sa mata." "Sana sinaksak niyo na lang ako." Pag-iinarte ng tatlo habang si Crystal naman hindi umaangat ng tingin. Tuloyan na kaming lumabas ng room at ako naman ay dumiretso sa gilid ng stock room sa second floor. Si triton naman ay nakaabang sa waiting shed sa labas. I waited there for whole thirty minutes nang makitang papalapit na si Crystal na may dalang bucket at mop. Isasauli niya yun sa stock room, lalagyan ng cleaning stuff. Nagtago ako sa ilalim ng stairs at hinintay na makapasok siya. I immediately closed and locked the door as she entered the room. "Sino ka? Buksan mo 'to!" I heard her scream inside. Buti na lang mamayang 7:00 pa ang roaming time ng guard. Yes girl, kakontsaba din namin ang guard dito. Umalis na ako at tumambay sa rooftop. Dito na lang ako manonood, siguraduhin lang ni Triton na magagawa niya nang tama ang nasa plano. I was sitting on the edge of the building, enjoying the cold breeze nang may tumama sa aking patak ng tubig. I checked the time and it's exactly 7:00. Hindi ko makita ang nangyayari sa ilalim dahil natatabunan ng bubong ang entrance hall. Minutes later, I saw Triton entered the school, running with an umbrella. I was too focused kaya hindi ko namalayan na basa na pala ako. Tangina! I smiled nang makitang lumabas sila ng building nang magkasama. They were walking nang lumingon si Triton and smiled at me. I raised my thumbs up. Wow! For the first time, hindi middle finger ang binigay ko. Hahaha! I decided to come down nang tuloyan na silang makalabas ng school. Mediyo kumikirot din kasi ang sugat ko. Tangina, hindi pala ako nakainom ng pain killer kaninang umaga. TRITON'S P.O.V I was sitting on the waiting shed, when the rain dropped. As what Aqua have said, the rain is my signal para pumasok ng school. I decided to enter the school as the rain starts getting heavier. And there, I saw my beloved, Crystal. Dali-dali akong tumakbo nang makita siyang niyayakap ang sariling nakatayo sa entrance hall. Damn it! Akmang maglalakad na siya sa gitna ng ulan and uses her bag to cover. She stopped at umangat ng tingin as I gave her my umbrella. "Triton." Mahinang sambit niya sa pangalan ko. As if she didn't expect na ako ito. Is he expecting someone else? I smiled. "Let's go bago pa mas lumakas ang ulan." I said and held her closer para magkasya kami sa payong. I missed her so much. Ilang araw na akong nagtitiis na baliwalain siya. Someday, baka hindi ko na matiis at bumalik sa dati. Wait... Where's Aqua? I asked myself when that crazy girl suddenly popped out of my mind. I turned around and saw her up on the rooftop, sulking wet. What the f**k?! Bakit siya nagpapaulan diyan? Minsan, may pagkatanga talaga 'tong babaeng 'to. Hindi ko naman siya masigawan dahil paniguradong masisira ang plano. Ayoko pang mamatay, sayang ang lahi. She raised her thumbs up and smiled. Kung bumaba na lang kaya siya?! "Bilisan natin?" Natauhan ako nang magsalita si Crystal. f**k, ang bagal ko pala maglakad. "Oh yeah, sorry." I answered at binilisan ang paglakad. "Hatid na kita?" I asked her nang marating namin ang waiting shed. "No, thanks. Kaya ko na, salamat ha. Kung wala ka baka naligo na ako sa ulan." She said, smiling. Walang kupas, ang ganda-ganda niya pa rin. "No, I insist. Sasakyan naman ang dala ko, no worries." "Nako, wag na. Hindi mo ba kasama ang girlfriend mo?" She asked. What girlfriend? "Not yet, nililigawan ko pa lang yun. Hirap nga eh, mas maangas pa sa akin." I said that made her laugh. Tangina, asan na ba si Aqua? Baka hindi pa bumababa yun. f**k, she's making me worried. "May problema ba? You seem occupied." Napatingin ako kay Crys nang magsalita siya. "Ah no, let's go? You should change, baka magka-lagnat ka. May pasok pa bukas." I said and guide her papunta ng car. "Thanks." She said nang makapasok na kami ng sasakyan. Tangina, should I call her? Nag-alala talaga ako. "Bakit ka nga pala nasa school nang ganung oras?" Crys asked. "Ah... I came back for my things. Naiwan ko sa locker." I answered. Obviously, lying. "Oh, okay." "Ikaw, bakit nandun ka pa, this late in the evening?" I asked. "I don't know if it's an accident or sinadya but I was locked in the stock room. Buti na lang napansin ng guard na may tao sa loob at binuksan." "You should've call me." "Yeah, but I left my phone sa room." "Be careful, next time. Ayokong mangyari ulit 'to." "Yeah, thanks." The plan was a success! Nahatid ko si Crystal sa bahay nila. But where the hell is Aqua? I was calling her but her phone's out of reach. Damn it! Damn it! Why should I be worried?! Triton, please bring your s**t together.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD