Amara's POV Mas masaya ako ngayon na dito na ako natutulog sa kwarto ni Chris. Hindi dahil para uratin siya, kundi mas gusto ko na ang ambiance dito at may telebisyon na akong malilibangan. Aaminin ko, nakakailang. Sobra. Lalo na kapag matutulog na kaming dalawa. Hindi ako makatulog kaagad kahit pa antok na antok na ang mga mata ko. Paikot-ikot lang ako sa higaan hindi tulad ng katabi ko na kung makahiga ay tulog na kaagad. Skill niya yata 'yon? Ngayong hapon, gusto ko ng lumabas ng bahay. Pero paano ko naman magagawa 'yon kung maraming armadong lalaki sa labas? Masaya nga akong makita ang mga bulaklak pero natatakot naman ako sa mga baril na hawak-hawak nila. Kaya dito na lang ako sa kwarto ni Chris paikot-ikot. Iniiwasan ko na rin ang magbuhat ng mga mabibigat at sinisigurado kung n

