Chris POV Habang mag-isa ako ditong nagpapahangin ay malalim kong iniisip kung tama ba talaga ang desisyong magpakasal kay Amara, ng dahil lang sa nagdadalang tao siya ng isang Monreal. "I hate my life, I f*cking hate my life now!" malakas na sigaw ko sa harap ng malawak na karagatan. Sobra akong nadidismaya sa buhay ko ngayon. Matagal na panahon akong papalit palit ng babae, mapa-dito man sa Pilipinas o 'di kaya'y sa ibang bansa. Pero ngayong lumambot na ang puso ko, tsaka naman ako niloko, ginamit at pinaglaruan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na plinano lahat ito ni Amara, para lang magkaroon silang dalawa ni Greg ng anak. "Akala ko totoong mahal mo ako Amara! Pinaikot mo lang pala ako!" malakas ko pang sigaw sa aking harapan. Minuto ang lumipas, isang ginang ang l

