Carmela's POV Payapa kong narating ang mansyon ng mga Monreal. Linggo ngayon at alam kong hindi papasok si Chris sa opisina niya kaya ako na lang mismo ang dadalaw. "Goog morning po ma'am Carmela." "Oh mukhang marami na kayong nagbabantay dito ah?" "Opo ma'am, nagpadagdag po kasi si boss Chris for security purposes." Security purposes? Para saan naman kaya? "I see, o sige papasok na muna ako." Ngiting saad ko sa isang armado at nilagpasan na sila. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kwarto ni Chris dito sa baba. Dala ko ang isang medium size chocolate cake para isurpresa siya, pero nagkamali lang ako ng inakala. Kung sa iniisip ko na siya ang masusupresa ko, mukhang ako pa pala ang nasurpresa. Narinig ko ng bahagya ang pag-uusap nila Chris kasama ng mga kaibigan niyang si Allen,

