Chris POV Tulad ng pinakiusap sa akin ni Amara ay kakausapin ko ngayon si Carmela. Pupunta ako ngayon sa opisina niya para personal na makausap siya. Gusto ko na rin kasi na maayos na ang tulog ng asawa ko. "What just my mind said? Asawa ko?" napangiti na lang ako habang nagmamaneho. No'ng dumating na 'ko sa gusali ng mga De Guzman ay inihanda ko na ang sarili para sa aking mamakatagpo. Paglabas ko ng elevator ay sakto namang nakasalubong ko ang sekretarya niyang si Jenna. "Sir Chris! Napadalaw po kayo? Mayro'n po ba kayong scheduled appointment dito?" "Wala naman. Hmm, nandito ba si maam Carmela mo?" "Opo sir, wala naman po siyang ibang lakad o meeting ngayon." Ngumiti siya sa akin at sinamahan na sa opisina ng kaniyang amo. "Ma'am Carmela, may bisita po kayo." "C-Chris. Anong --

