Amara's POV Habang payapang natutulog dito sa bahay si Chris ay hindi ko maiwasang hindi siya tingnan at ang mga poster ko dito sa kwarto. Hawig na hawig niya talaga si Zayn Malik, ang lalaking napakatagal kong naging idolo. Kaya lang noong naging kami na ni Greg ay pinatanggal niya na lang sa 'kin dahil pangit naman daw at kamukha raw ng matalik niyang kaaway sa kompanya. "Teka, hindi kaya -- ikaw ang tinutukoy niya?" napatakip na lang ako ng bibig habang natutulog pa rin ng mahimbing ang katabi ko. Alasingko pa lang ng madaling araw ay napabangon ako dahil sa nakaradam ako ng uhaw. "Teka, makakuha na nga muna ang isang basong tubig." Dahan-dahan akong bumangon at hinanap ang aking pang kwartong tsinelas. Ng hindi kalayuan, bigla akong may nakaramdam na parang may nakatingin sa 'ki

