Lexter's POV Dalawang buwan mula noong ikinasal sina Chris at Amara ay kasama ko ngayon ang buong barkada. Nandito kami ngayon sa condo ni Allen at masayang nagmemeryenda. Araw ng miyerkules ngayon pero nandito kaming magkakasama na kung iisipin mo ay mukhang napa-aga na ang araw ng linggo. "'Tol, kumusta naman ang pagbubuntis ni Rain?" panimulang tanong ni Chris sa kaniya. "Heto at halos dalawang buwan ay kabuwanan na niya. Nagmamadali na yata ang araw at ilalabas na ang triplets ko." Ngiting saad naman sa kaniya ng kaniyang kausap. "Eh si Amara kumusta? Makapit na ba talaga ang bata sa sinapupunan niya?" singit ko naman sa kanilang dalawa. "Oo, sa awa ng Diyos ay talagang nakatulong ang mga gamot na iniinom niya." Sagot naman ni Chris na halatang halata ang saya sa kaniyang mga ma

