Amara's POV Napakabilis ng araw at heto, kasal na naming dalawa ni Chris. Abala ang lahat sa mga paggawa, sa mga pag-aayos dito sa labas ng mansyon ng Monreal dahil dito lang gaganapin ang aming kasal. Masaya ang lahat pero ako, nandito sa loob ng kwarto, hindi na mapakali. "Ate Amara, okay ka lang ba?" "O-oo naman Cassie. B-bakit mo naman natanong?" "Wala lang ate. Nai-kwento kasi sa akin ni mommy na no'ng kinasal siya kay daddy ay grabe rin daw ang kaba niya no'ng araw na 'yon." Inabot niya sa akin ang larawan nila tito Marcelo at tita Glinda. "Dito rin pala ikinasal sina tito sa mansyon?" "Yes ate. Kaya raw sila dito nagpakasal ay sa kadahilanang sumisimbolo raw ito na hindi na masisira ang pundasyon ng magiging pamilya nila." "A-at sino ang nagdesisyon na d-dito rin kami ikasal

