Allen's POV Tuwang tuwa ako dahil mukhang nagtagumpay kami sa pagkukunwari namin ni Blessica, ang babaeng kaibigan ko na nakilala ko lang minsan sa isang bar. "I can't believe! We did it again to their faces Allen!" "Ako rin! Hindi ako makapaniwala, best actress ka nga talaga Blessica!" balik na pangangasar ko naman sa kaniya. Hinatid ko na siya dito sa kaniyang coffee shop na malapit lang din dito sa Alfian Dining. The truth is, she owned a lot of coffee shop in this city. I must say, magaling siya sa pamamalakad ng negosyo niya at talagang gustong gusto niya ang kaniyang ginagawa. Naliligo na sa pera ang isang 'to kaya nagliliwaliw na lang sa buhay niya ngayon. "Anyway B, nagustuhan ba ng mommy mo ang birthday gift ko para sa kaniya kahapon?" "Yes, kausap ko siya sa Skype kagabi. N

