Amara's POV Makalipas ng isa pang linggong pamamalagi sa hospital ay nakabalik na rin ako dito sa mansyon ng mga Monreal. "Welcome home ate!" bungad sa akin ni Cassie at yumakap ng mahigpit sa 'kin. "Cassie, huwag naman sobrang yakap at baka magalit si baby." Saad naman ni tito Marcelo. "Sige na, magpapahinga na muna siya at mamaya na kayong dalawa maglaro." Saad naman ni tita Glinda. Lumingat lingat ako sa paligid pero mukhang hindi na talaga mahigpit ngayon dahil wala na ang ilang mga body guards na madalas na nagbabantay dito sa mansyon. "Bakit ganiyan ang mukha mo?" panimulang tanong sa 'kin ni Chris pagkapasok namin sa kwarto niya. "Wala, namiss ko lang 'tong kwarto mo." Napangiti naman siya ng matamis sa sinabi ko. "Ito na rin ang magiging kwarto mo habang buhay mahal." "Rul

