Amara's POV Earlier ..... Habang nanonood kami ni Cassie ng Frozen ay pasilip silip ako sa cellphone ko dahil bakit parang ang tagal naman yata ng aking strawberry drink. "Ate, wala pa rin bang text si kuya? Ang tagal naman niya, higop na higop na rin ako eh." "Ang tagal nga nakakainis. Gusto mo paggawa na lang tayo kay manang ng strawberry jam?" "Ay mayroon siyang gawa ate! Wait at magpapahanda ako sa kaniya!" masayang saad niya at dali-dali ng lumabas ng kwarto. Habang mag-isa dito at payapang hinihintay si Cassie ay biglang tumunog ang aking cellphone. "Sino kaya 'tong tumatawag at bakit number lang? Ah, baka si papa!" sinagot ko na ang tawag at inilagay kaagad sa aking tainga. "Anak." "Pa! Kumusta!" "Anak, huwag kang lalabas diyan kahit anong mangyari!" tumaas lahat ng balahi

