Chapter 1
"Ms. Valdez!,"sigaw ng Professor namin na malapit na sa pintuan ng room namin.
"P-prof," utal na sambit ko.
"Our Dean wants to talk to you, go to the Dean's office now. The rest of you stay here.,"mahinahong sabi niya.
At dahil duon lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Kung ano man ang rason kung bakit ako pinatawag sana hindi humantong sa puntong tatawagan nila ang mga magulang ko.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at sinundan si Professor Marquez.
"Prof if you don't mind, may I know po why the Dean wants to talk to me?," I asked while we're walking on the covered walk.
"I'm sorry Leigh, but I don't know either why the Dean wants to talk to you,"aniya at tumango na lang ako.
Habang naglalakad kami ni Prof. Marquez bigla na lang may sumigaw na babae kaya naman napalingon kami ni Prof. Marquez.
"Hey you! Stop right there!,"sigaw nung babae
Oh goodness it's the transferee! Her name is Zoanne Valerie Anderson. Well, apelyido niya pa lang halatang may ibang lahi.
She's tall, she's very pretty ghad siguro andaming lalaking nagkakagusto sakaniya. Maputi rin siya, maypagka singkit iyong mga mata niya, iyong labi niya cupid bow shaped basta sobrang ganda niya at lalo pa siyang pinaganda nung buhok niya it's auburn color hanggang balikat lang iyong buhok niya at straight na straight iyon.
Wala na akong masabi basta ang ganda niya sobra.
"Excuse me miss, you are the transferee right?," Prof. Marquez suddenly spoke up
Nilapitan niya pala iyong transferee hindi naman siya kalayuan sa pwesto namin kanina kaya narinig ko si Prof. Marquez na nagsalita kaya naman natauhan ako.
Sumunod naman ako kay Prof. Marquez para naman makilala ko iyong transferee.
"Y-yes Prof. I am very sorry for my attitude it's just that, that guy! He's annoying me!,"sabi niya saka itinuro iyong direksyon nung lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. It's Gavin Kelle Corpuz! Isa siya sa heartthrob dito sa buong campus!
Matangkad siya, gwapo? Oo, kaso iyong ugali niya nga lang ang problema. Sana naman may babaeng makakapagpabago nung ugali niyang iyon.
Halos parehas sila ni Ms. Anderson na cupid bow ang lips, iyon nga lang almond eyes si Mr. Corpuz, hindi ko maipaliwanag iyong kulay ng kutis niya kung ano nga bang tawag duon! Maputi siya na medyo kayumanggi. Iyong buhok niya black na medyo mahaba at pushed back iyon.
"I'm very sorry for that Ms. Anderson ganiyan lang talaga si Mr. Corpuz ever since dahil nga siya ang heartthrob dito sa buong campus ng Vaden College,"paghingi ng paumanhin ni Prof. Marquez
Prof. Correction lang po ha isa siya sa mga heartthrob dito sa buong campus hindi "siya ang heartthrob" madami din namang gwapo dito sa campus pati iyong Student Council President.
Nakakainis talaga itong si Mr. Corpuz lagi na lang ang mga Professors ang humihingi ng paumanhin sa bawat estudyanteng binabangga niya.
"It's okay Prof. Nainis lang po ako dahil binunggo niya ako at hindi man lang nag sorry,"aniya
Oemji! Ang fluent niyang mag tagalog. E kanina halos mag nose bleed na ako dahil sa accent niya!
"By the way, Ms. Anderson where are you going?," tanong ni Prof. Marquez
Sige tatahimik na lang ako dito baka mapasabak pa ako ng englishan.
"Dean's office po,"sagot naman ni Ms. Anderson
Ang ganda niya talaga kung lalaki lang ako baka crush ko na ito.
"Oh, sumabay ka na samin ni Ms. Valdez,"ani ni Prof. At tumango naman siya
Mukha naman siyang mabait pero sana mabait talaga siya.
Mayaman kami pero lagi kong itinatanggi na anak ako ng daddy ko. Iyon kasi ang gusto nila e, na itanggi ko na anak nila ako. Kilala ang pamilya namin dahil sa Valdez Corp.
I am the daughter of Mr. Ian Valdez and Iraya Valdez pero hindi ko alam kung bakit nila ikinakahiya na anak nila ako.
"Hey uh, I'm Zoanne Valerie Anderson you can call me Zo or Val,"pagpapakilala niya
Natauhan ako bigla nang magsalita siya. Nakasunod lang kami kay Prof. Marquez pero bigla kaming nakarating ng Dean's Office pero nagpakilala din muna ako.
"Yahaira Leigh Valdez, you can call me Leigh,"ani ko at nakipagkamay sakaniya habang nakangiti ganoon din naman siya.
"Okay girls since you two know each others names now I hope you will be friends. Lalo ka na Leigh wala ka pang nagiging permanenteng kaibigan dito simula first month ng pasukan at sana maging mag best friend kayo ni Ms. Anderson. And by the way,here we are,"aniya at ngumiti na lang ako.
Totoo rin naman ang sinabi ni Prof. Marquez wala pa akong permanenteng kaibigan dito at halos lahat ng estudyante dito ay may mga permanenteng kaibigan na.
Kumatok muna si Prof. Dahil baka bigla kaming pumasok e baka busy ang Dean.
"Come in, Prof,"magalang na sabi nung lalaki nang bumukas ang pintuan ng office
Parang ka age lang namin siya at siya siguro ang Student Council President hindi ko naman masyado kabesa ang mga mukha ng mga tao dito basta kalat na kalat sa buong campus na gwapo ang Student Council President.
Parang tanga naman Leigh.
Pumasok na kami at pinaupo na rin ni Dean Buenaventura.
"Ms. Valdez kaya kita pinatawag dito dahil may gusto akong itanong sayo," ani Dean nang maka upo ako.
Kinakabahan akong tumingin at nagsalita.
"Ano po iyon Dean?," Tanong ko
"Ms. Valdez hindi naman sa nakikialam ako pero student ka rito sa Vaden College and we're also worried about our students,"pagpapaliwanag niya bago ulit nagsalita.
"Itatanong ko lang sana kung may problema ka ba? Family problems? Or anything. Napansin kasi namin na madalas tulala ka, since you are one of the most smartest students in this campus inaalala din namin ang kalagayan mo,"aniya
Ang totoo niyan family problems talaga dahil sa tingin ko hindi ako na a-appreciate ng mga magulang ko.
"Dean ang totoo po niyan----
"Good morning Dean, I'm sorry for interrupting but I think this man needs to be here,"ani nung babae
Kaya naman napatingin kaming lahat sa pintuan ng office. Laking gulat ko nung makita ko kung sino iyon.
It's one of the campus heartthrob Mr. Corpuz!
Pumasok siya at ngumiti ng alanganin kay Dean Buenaventura at Prof. Marquez.
"Thank you Ms. Buenaventura, you may go now.," ani Dean Buenaventura at huminga ng malalim
Buenaventura? Kaano ano niya kaya si Dean?
"Yes Dean,"ani nung Ms. Buenaventura at umalis na
Nakita kong sinenyasan ni Prof. Marquez si Mr. Corpuz na umupo sa tabi ni Zo.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nasa harapan ko silang dalawa at nakita kong inirapan ni Zo si Mr. Corpuz.
I'm going to be a shipper! ZoVin for the win!
"What is this all about again, Mr. Corpuz?,"tanong ni Dean Buenaventura at halatang na stress bigla
"Hehe Dean, it's just may napagtripan na naman po ako,"aniya at kinamot ang batok
Nakita ko naman si Zo na nagpipigil ng tawa pero tumigil din ito nang biglang tumingin sakaniya si Mr. Corpuz kaya naman napangiti ulit ako.
Pero nawala din iyon nang makita kong nakatingin sa akin ang Student Council President at umiwas siya ng tingin nang makita niyang sinulyapan ko siya.
Mr. President huwag kang ganiyan baka isipin kong may gusto ka sakin.
"Stay here for a while Mr. Corpuz, kakausapin ko lang si Ms. Valdez,"ani Dean kaya naman napatingin ako sakaniya
"As I was saying earlier Leigh, do you have any problem? My friend is a therapist and nung pumunta siya dito nakita ka niyang nakatulala at mukhang malalim ang iniisip. I'm not saying na may depression ka pero may mga symptoms ka kasi nun.,"pagpapaliwanag niya
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.
Paano ko ba ito sisimulan? Alam kong mapagkakatiwalaan si Dean Buenaventura dahil andami niya na ring natulungan na mga estudyante at siguro panahon na para sabihin ko ang totoo.
"If you're not ready to tell Dean Buenaventura and Prof. Marquez about it don't force yourself. Or if you're not comfortable to tell them while we're here we can go out for a while,"biglang sabi ni Mr. President na ikinagulat ko kaya napatingin ako sakaniya
Nung tumingin ako sakaniya ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti rin ako kahit pilit ito.
"Mr. Adams is right Leigh, if you're not ready don't force yourself.,"Prof. Marquez said
Pero nakapag desisyon na ako sasabihin ko na kahit pa marinig nila Zo, Mr. Corpuz at Mr. President.
I cleared my throat first and breathe in.
"Dean the truth is. I have a problem and that problem is about my family.,"I said
Nakita kong napatingin sa akin itong dalawang nasa harapan ko pati na rin si Mr. President at halata sa mga mata at itsura nilang lahat kasali na si Prof. Marquez at Dean Buenaventura na willing silang makinig sa akin.
Ang ganda sa pakiramdam na may mga taong handang makinig sa mga rants ko. Lalo na at wala akong permanenteng kaibigan dito sa campus kahit pa sa labas ng campus. Sana lang maging kaibigan ko itong tatlo.
"Go on Leigh tell us,"ani Dean Buenaventura
Ngumiti naman ako ng pilit bago magsalita ulit.
"Hindi ko po alam pero alam kong lahat kayo mapagkakatiwalaan ko tungkol sa problema ko at masaya ako dahil handa niyo po akong pakinggan,"ani ko at tumingin sakanilang lahat.
Nakita kong ngumiti silang lahat sa akin. At duon ko napagtantong may soft spot pala ang isang Mr. Corpuz at Mr. Adams.
"My parents are Ian Valdez and Iraya Valdez, yes they are my parents. I was born in a wealthy family. Marami din pong hindi nakaka alam na anak nila ako dahil sa tuwing may nagtatanong kung kaano ano ko ba sila ang sinasagot ko lang ay isang kamag anak kahit na ang totoo ay anak naman nila ako.,"pagkwekwento ko habang nagpipigil na maiyak.
Hindi ko rin naman maintindihan ang mga magulang ko siguro dahil ikinakahiya talaga nila ako.
"Is that even your parents? How selfish they are,"ani ng President
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi lang ako lahat kami ay nagulat kaya napatingin kaming lahat sakaniya pero si Mr. Corpuz ang nakakuha ng atensyon ko dahil nagpipigil siya ng tawa. Pero tumigil din ng tiningnan siya ni Zo.
Something's fishy ang bilis niya namang tumiklop kay Zo.
"Adams kalma lang patapusin mo kaya mag kwento si Ms. Valdez hindi iyong sasabat ka diyan,"natatawang sabi ni Mr. Corpuz
"Shut up!,"galit na sabi ni Mr. President
"Kayong dalawang mag best friend manahimik kayo,"sita ni Prof. Marquez
Tumahimik naman sila at nung tumingin ako kay Dean Buenaventura kitang kita ko ang ipinapahiwatig ng mga mata niya na ituloy ko na.
"You're right, Dean Buenaventura I have depression pero kahit ganoon hindi pa rin nagbabago ang tingin ng mga magulang ko sa akin kahit ang pagtrato nila sa akin na parang hindi nila ako tunay na anak. Alam ko naman din po ang dahilan kung bakit ganoon ang trato nila sa akin dahil simula nung namatay ang kuya ko hindi na nila ako napapansin. Ako din ang dahilan kung bakit namatay ang kuya ko dahil iniligtas niya ako sa tatlong lalaking balak akong gahasain sa kasamaang palad nailigtas niya ako pero nasaksak siya nung isang lalaki. Nakakulong na silang tatlo at nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kuya ko pero hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi ng mga magulang namin kahit na sa huling hininga at mga salita ng kuya ko na nagsasabing huwag nilang isisi sa akin ang nangyari dahil gusto niya talaga akong iligtas laban dun sa mga lalaking iyon.,"ani ko
*Flashback*
Nasa hospital kami ngayon dahil nag aagaw buhay ang kuya kong iniligtas ako laban sa mga lalaking nagtangkang gumahasa sakin.
Magang maga na ang mga mata ko kakaiyak.
Kuya sana hindi mo na lang ako iniligtas hindi na sana mangyayari ito.
"Kasalanan mo ito! Sana ikaw na lang ang nasaksak at hindi ang kuya mo!,"galit na sigaw ni mommy sakin kasabay ng malakas na sampal sa pisngi ko.
"Iraya! That's enough!,"sigaw ni Tito Ivan
Habang ako ay nakatayo at umiiyak.
"Kuya this isn't enough! Siya dapat ang andon hindi si Bryle!,"sabi ni mommy at tuluyan nang napaluhod sa kakaiyak
Lumuhod din si daddy para patahanin si mommy habang si Tito Ivan naman ang katabi ko at pinapatahan ako.
"Iraya! Narinig mo naman ang sinabi ni Bryle diba?! Huwag niyong isisi kay Leigh ang nangyari! Iyon ang sabi niya at ang bilin niya mahalin niyo naman din si Leigh!,"galit na sigaw ni Tito Ivan.
Magsasalita na sana si mommy pero lumabas na ang doctor.
"Doc how's my son?,"nanghihinang tanong ni mommy
Hindi muna nagsalita ang doctor at alam ko na ang ibig sabihin non kaya naman mas lalo akong naiyak.
Kuya why did you leave me? Ikaw na nga ang nag iisang kakampi ko sa bahay iniwan mo pa ako. Ang daya mo naman e, sabi mo kanina nung nililigtas mo ako na magiging okay ang lahat. Sinabi mo rin sa akin na hindi mo ako iiwan. Pero bakit iniwan mo ako? Sino na ang magtatanggol sa akin? Alam kong andito si Tito Ivan pero hindi naman sa lahat ng oras kasama ko siya. Kuya wala na akong taga pag tanggol bakit mo naman ako iniwan? Nangako ka e, nangako kang hindi mo ako iiwan.
"I'm sorry Mrs. Valdez ginawa namin ang lahat ng makakaya namin pero masyadong malalim ang natamo niyang sugat.,"ani ng doctor
"No! No! My son is still alive!,"namamaos na sigaw ni mommy
"I'm sorry Mrs. Valdez but he's gone. The time of his death is 10:03 pm, August, 17, 2016. ,"aniya
"This is all your fault! Dapat ikaw iyon!,"galit na sigaw ni mommy at sinampal ulit ako
"Iraya that's enough. Hindi magugustuhan ni Bryle iyang ginagawa mo,"ani daddy
Dad its fine, siguro nga dapat ako yung andon na nakahiga at walang buhay. Hindi ko magawang magalit kay mommy kahit na nakadalawang sampal na siya sa akin. Mahal ko si mommy kaya hindi ko kayang magalit sakaniya kahit pa ilang beses niya akong sampalin o kaya sabihan ng masasakit na salita tatanggapin ko iyon dahil mahal ko siya. Kahit pa lumayo ang loob niya sa akin hinding hindi ako magsasawang mahalin sila ni daddy dahil alam kong mas gusto iyon ni kuya. Lagi niyang sinasabi sa akin na kahit ganoon si mommy sakin ay mahalin ko pa rin siya. At susundin ko iyong bilin ni kuya na iyon hanggang sa mamatay ako.
Hindi ako tiningnan ni mommy at dumiretso na kay kuya. Hinawakan lang ako ni daddy sa braso at sinabing magiging okay din ang lahat.
Sana nga maging okay ang lahat Dad. Kailan kaya ako mamahalin ni mommy katulad ng pagmamahal niya kay kuya? Wala akong sama ng loob kay kuya pero ano kayang pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina? Siguro ang sarap sa pakiramdam maswerte si kuya dahil naramdaman niya iyon pero paano na ngayon? Hindi niya na iyon mararamdaman nang dahil sakin. Kuya patawarin mo ako nang dahil sakin hindi mo na mararamdaman iyon. Okay lang sakin kung hindi ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy pero paano ka na? Hindi mo na mararamdaman iyon.
Si Tito Ivan ang kasama ko ngayon at pinapatahan niya ako. Kuya mahal kita sobra kung bakit ba kasi iniwan mo ako.
Hanggang sa burol at libing ni kuya hindi pa rin ako pinapansin ni mommy. Alam ko naman e, ako pa rin ang sinisisi niya.
Isang taon na rin ang nakalipas simula nung mangyari iyon pero hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa nangyari kay kuya.
Kuya kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka, huwag mo na akong alalahanin kaya ko naman ang sarili ko lagi naman akong binibisita ni Tito Ivan. Lagi rin silang nag aaway ni mommy dahil sa akin kasi naaabutan ni Tito Ivan si mommy na sinasampal ako at kung ano anong masasakit na salita ang sinasabi niya sa akin. Pero ayos lang ako kuya gaya nga ng sinabi mo sakin kahit ganoon si mommy ay mahalin ko pa rin diba? At ginagawa ko iyon lagi lagi. Pero hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sayo dapat ako iyon e, dapat ako ngayon ang anjan sa ilalim ng lupa at hindi ikaw. Kuya kaya ko ang sarili ko ha huwag mo na akong alalahanin pero sana gabayan mo ako lagi pati na rin sila mommy. Mahal na mahal ka namin lalo na ako.
*End of Flashback*
"Leigh kung nasaan man ang kuya Bryle mo alam kong masaya siya para sayo dahil naging matatag ka,"naiiyak na sambit ni Prof. Marquez
"Leigh tama si Prof. Marquez sigurado akong proud na proud sayo ang kuya mo. At simula ngayon August, 17 mag best friends na tayo at pangako ko sa kuya mo kung asan man siya ay hindi kita iiwan at ako ang magsisilbing sandalan mo,"nakangiting sambit ni Zo
Ngumiti lang din ako kahit pa iyak na ako ng iyak.
"Ako din willing akong maging kaibigan ka, Leigh,"masayang sambit ni Mr. Corpuz
"Close ba kayo? You're calling her Leigh ni hindi nga kayo close,"ani Zo at inirapan si Mr. Corpuz
Natawa naman ako dito sa dalawa pero natigil din nung may nag abot sakin ng panyo. R. L. A. ang nakalagay. Nung tiningnan ko kung sino ang nag abot sakin nakita ko si Mr. President na nakangiting hawak ang panyo niya.
Wala na akong nagawa kaya kinuha ko na lang iyon at nag thank you.
"Zo okay lang, masaya ako dahil willing kayo na maging kaibigan ako.,"nakangiting sambit ko
"By the way Leigh, I'm Gavin Kelle Corpuz you can call me Gavin or Vin for short,"ani Mr. Corpuz
"Nice to meet you Gavin, I'm Yahaira Leigh Valdez and you can call me Leigh,"ani ko at akmang makikipag kamay sakaniya pero hindi niya iyon tinanggap.
Nagtaka naman ako pero bigla siyang nagsalita.
"Ah Leigh okay na huwag ka na makipag kamay sa akin ayaw ko pang mamatay,"aniya at tumingin kay Mr. President
Tumingin rin ako duon at nakita kong nakakunot ang noo niya pero nang makita nya akong tumingin sakaniya ngumiti na lang siya.
Ang weird niya.
"And I'm Rehan Lazarus Adams, I'm the Student Council President,"biglang sabi nung nasa gilid ko
"Yahaira Leigh Valdez, 4th year representative,"ani ko
Nakipagkamay ako sakaniya at ganoon din siya. Ngumiti rin ako at ngumiti rin siya.
Pagkatapos ng usapan na iyon sinabi ni Dean Buenaventura na duon muna kami sa Student Council Office para makapag pahinga na rin ako.