Chapter 2
"Mr. Adams will accompany you all. Mr. Adams ikaw na ang bahala sakanila,"ani Dean Buenaventura
"Yes Dean, I'll take care of them,"ani Mr. President
Lumabas na kami ng Dean's Office. Nasa may pinto na kami nang biglang magsalita si Gavin.
"So anong itatawag sayo ni Leigh? Nagpakilala ka lang naman bro pero hindi mo sinabi kung anong itatawag niya sayo,"aniya
"Yeah right, you can call me Rehan or Laz but I prefer that you will call me Rehan," Rehan said
Okay Rehan sabi mo e.
"Okay Rehan? You can call me Leigh,"ani ko
Ngumiti lang siya at nginitian ko rin sya.
"Ehem I think the Student Council President likes the 4th Year Representative,"biglang sabi ni Zo
What the? Omy ghad Zo! Kapag ako napahamak ng dahil sayo ha. Madaming nagkakagusto dito kay Rehan at kapag nababalitaan naman ng mga babaeng may gusto sakaniya na naililink siya sa isang babae lahat sila ay papahirapan iyon lalo na kung hindi nila gusto iyong babae.
Hindi ko na lang iyon pinansin at bumili na lang muna ako ng bottled water dahil nasa tapat kami ng cafeteria.
Akala ko ay umalis na sila at iniwan ako pero andon pala sila sa may gym inaantay ako. Pumunta na ako pagkabili ko nung tubig binuksan ko na iyon para makainom na.
"Nadali mo babe!,"aniya kaya naman naibuga ko iyong tubig
"What? Babe? Hindi nga kita boyfriend tapos tatawagin mo akong babe ni hindi nga tayo close,"sabi ni Zo at inirapan si Gavin
"Leigh are you okay?," Rehan asked
Tumango lang ako kahit pa umuubo ubo ako dahil naibuga ko iyong tubig at nasamid din ako.
"Ouch grabe ka naman sakin Zoanne Valerie,"aniya at hinawakan ang dibdib niya
Bigla namang tumawa itong katabi ko. Ang cute niya pala kapag tumatawa.
The hell? Si Rehan pala ang katabi ko? Kaya naman pala ganoon ang reaksiyon niya.
Pero totoo ang cute niya tingnan kapag tumatawa siya.
"Hey, I'm going to melt now,"bulong niya
Shit! I'm staring at him!
"H-ha?," iyon lang ang lumabas na salita galing sa bibig ko
He just laughed and ruffled my hair!
Goodness I felt some butterflies in my stomach.
"Hoy kayong dalawa jan andito na tayo sa harap ng Student Council Office dito na kayo magharutan huwag jan jusko,"biglang sigaw ni Gavin
"Anong akala mo sakanila maharot gaya mo?," pambabara ni Zo kaya naman sumimangot si Gavin
Natawa naman ako at tumakbo na papunta sa harap ng office.
"Here you may come in,"sabi ni Rehan nung binuksan niya iyong pintuan ng Student Council Office
Ngumiti ako sakaniya at pumasok na lang, ganoon din sila Zo at Gavin.
Pagkapasok namin sa loob ng Student Council Office biglang nagsalita si Rehan.
Wow Leigh ha, kinarir mo na talaga ang pag tawag sakaniya ng Rehan.
"You can sit on the couch or on the monoblock chair,"aniya
"Ang bait mo naman ata ngayon Mr. Adams,"natatawang sabi ni Gavin
"Just shut up, Vin,"iritang sabi naman ni Rehan
Nakita ko pang nagpipigil ng tawa itong si Gavin pero sumeryoso din nang biglang may kumatok sa pintuan.
Umupo na lang ako sa couch para naman maging komportable ako.
"Sino iyon?,"tanong ni Gavin
"Really, you're gonna ask me that? Ni hindi ko pa nga binubuksan ang pintuan, stupid,"seryosong sambit ni Rehan
"Eto naman nagtatanong lang e, may dalaw ka ba ngayon Mr. President?,"pang aasar pa ni Gavin.
Hindi na lang pinansin ni Rehan si Gavin at binuksan na nang kaunti ang pintuan ng Office para tingnan kung sino iyon.
"Prof. Marquez, uh come in Prof.,"rinig kong sabi ni Rehan kaya naman napatingin ako sa pintuan.
"Thank you, Mr. Adams,"aniya
Pumasok na si Prof. Marquez at tumayo naman kami nila Zo bilang pag galang sakaniya.
"You can sit down now,"aniya at umupo na kami ganoon din si Prof. Marquez
"Leigh are you going to visit your kuya Bryle later?," Prof. Marquez asked
Oo nga pala death anniversary ngayon ni kuya. Ika apat na taon niya nang wala dito sa mundong ibabaw.
"Yes tito,"ani ko
Oh s**t! I called him tito! Hindi alam ng mga estudyante at ng iba pang tao dito na tito ko si Prof. Marquez maliban na lang kay Dean Buenavista.
"I-i mean Prof.,"biglang salita ko
Nakita ko rin ang pagkunot ng noo nung tatlo, I think I need to explain.
"Leigh, it's okay to call me Tito when we're in a private place. Sasamahan na kita mamaya bibisitahin ko din ang kuya mo,"aniya
Ngumiti na lang ako dahil nagiging awkward na.
"W-wait so you mean Prof. Marquez is your Tito Ivan?," Gavin suddenly asked
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumango na lang.
"What a twist Leigh! Sasama rin ako sayo! Kung okay lang?,"biglang sabi ni Zo
"Oo naman, pwede kang sumama mamaya. Mamayang uwian din naman kami pupunta duon ni Tito Ivan para bisitahin si kuya,"ani ko
"Yehey! Makikilala ko din ang kuya mo at masasabi ko rin sakaniya mismo na hindi kita iiwan at andito ako lagi para maging sandalan mo!,"masayang sabi ni Zo
"Thank you Zo,"ani ko habang nakangiti
"That is nothing Leigh, besides you're my best friend now,"aniya
Ngumiti na lang ulit ako sakaniya nang mapansin kong may gustong sabihin si Rehan.
"May sasabihin ka ba?,"tanong ko habang nakatingin sakaniya
"H-ha?,"aniya
"Kung may sasabihin ka daw ba Adams!,"natatawang sabi ni Gavin
"Oh uh, can I come too?,"nahihiyang tanong niya
Bigla na lang umubo ubo si Zo at Gavin pero tinigil din nila nang makitang tumingin sakanila si Rehan.
"Okay ka lang babe?,"tanong naman ni Gavin
"What the hell? I'm not your babe so stop calling me that,"pagtataray ni Zo
Hay nako I think my ship is sailing! ZoVin for the win!
"Eto na nga hindi na kita tatawaging babe pero pwede ba kitang tawaging Val?,"aniya
Kumunot naman ang noo ko habang naka tingin sakanilang dalawa. Val? Aba maiba ang peg
"Val? Why not Zo?,"tanong ni Zo
"E kasi lahat sila Zo na ang tawag sayo baka pwedeng Val na lang ang itawag ko sayo?,"ani Gavin
Huminga ng malalim si Zo bago nagsalita.
"Okay fine! Just don't call me babe,"aniya
"Yes! Thank you, Val,"sambit ni Gavin habang nakangiti
"Ehem andito pa ako, so Leigh papayag ka ba na sumama si Rehan sa atin?,"singit ni Tito Ivan
Tumingin muna ako kay Tito Ivan para malaman kung okay lang ba at tumango naman ako.
"Sure, you can come too if you want you can bring Gavin," I said
Nakita ko namang napangiti siya duon.
Rehan umayos ayos ka baka isipin kong may gusto ka talaga sa akin!
"Thank you! And yes I'll bring Gavin with me!,"masayang sabi niya
"H-ha ako?,"nalilitong tanong ni Gavin
Malamang Gavin! Ikaw lang naman ang Gavin na kasama namin dito!
"Yes, you stupid! Sino pa bang Gavin ang kasama namin dito?,"iritang sabi ni Zo
Natawa naman ako dahil duon. Feeling ko tuloy itong mga ito ang magiging daan ko para makalimutan lahat ng mga problema ko.
"Ah okay, sige sasama ako!,"masayang sabi niya.
"Okay then, I'll see you all later at the gate,"sabi ni Tito Ivan
"Yes Prof.,"sabay naming sabi
"Leigh if you need anything just call me okay?,"ani Tito Ivan
"Yes tito,"sabi ko habang nakangiti.
"Okay, I'll go ahead now. Huwag na kayong pumasok sa next class niyo sinabi na rin ni Dean Buenaventura sa mga Professors niyo,"aniya
Tumango na lang kami at lumabas na rin siya ng office.
Kuya bibisitahin ka namin mamaya ni Tito Ivan kasama ko rin ang mga kaibigan ko, ay teka hindi ko pala sigurado kung kaibigan ko na ba si Rehan pero siguro oo? Bahala na basta masaya ako ngayon kuya kasi meron na akong masasandalan sa mga oras na malungkot ako, mag isa at kailangan ng kasama. Ang daya mo lang kasi talaga bakit mo naman ako iniwan? Alam kong andito si Tito Ivan para ipagtanggol ako kay mommy pero sobrang nahihiya na ako sakaniya kasi sa tuwing sinisisi at pinagsasalitaan ako ni mommy ng masasakit na salita si Tito Ivan ang pumipigil sakaniya at nag aaway pa sila ng dahil sa akin. Wala din namang magagawa si daddy diba? Kasi alam naman nating takot siya kay mommy, under iyon e. Ano pa nga bang magagawa niya diba? Na kahit minsan nasasaktan na ako ni mommy ng pisikal wala siyang magawa kasi natatakot siya na baka masira ang pamilya natin na iniwan mo. Hanggang ngayon kuya sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala mo, siguro kung hindi mo ako niligtas noon buhay ka pa at siguro isa ka na ngayong successful na Attorney. Bagay pa naman sayo iyon "Atty. Valdez" narinig mo? Bagay na bagay sa apelyido natin pati na rin sa pangalan mo kuya. Pero alam ko ding ayaw mong sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala mo pero hindi ko kasi mapigilan kuya e, pasensya ka na ha? Hayaan mo mag aaral ako ng mabuti at magiging isa akong Therapist pangako ko iyan sayo kuya. Pangako hindi ko pababayaan ang sarili ko kuya pero hindi ko maipapangako na mananatili akong buhay. Kasi sa totoo lang kuya pagod na pagod na ako pero alam kong kailangan kong lumaban dahil iyon din ang gusto mo. I love you kuya!
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako kanina. Basta nang magising ako nakita ko na lang na may jacket sa katawan ko at nakahiga din ako ng maayos sa couch.
"Leigh gising ka na pala, kanina pa tayo inaantay ni Prof. Marquez pero sinabi naming natutulog ka,"ani Gavin nang makitang gising na ako
Shit 4 pm na pala kanina pa nag dismiss ang mga klase.
"G-ganoon ba? Sige halika na,"aya ko sakaniya
Pero napatigil din ako sa pagbitbit ng bag ko nang makitang wala si Zo pati na rin si Rehan.
"Ah Gavin, asan pala iyong dalawa? At kaninong jacket din pala ito?,"tanong ko habang hawak ang jacket.
"Si Val pumunta lang ng cafeteria para bumili ng tubig at snacks ka-aalis niya lang siguro mga 2 minutes ago, si Rehan naman pumunta munang Dean's Office at sakaniya din iyang jacket,"aniya at napangisi
Huh? Akala ko naman kung kanino na itong jacket na ito.
"Ah ganoon ba? Siguro antayin na lang natin sila sa labas ng office,"ani ko
Natawa naman siya kaya naman kumunot ang noo ko.
"Leigh huwag ka sanang magagalit sa sasabihin ko ha? Napansin ko lang naman at matagal na rin kaming mag best friend ni Rehan pero ito ang unang beses niyang nagpahiram ng gamit niya sa isang babae at ito rin ang unang beses niyang naging komportable sa isang babae,"aniya kaya mas lalong kumunot ang noo ko
Bakit wala ba siyang kapatid na babae para maging komportable siya?
"Sa tingin ko nahulog sayo ang best friend ko Leigh, hindi siya ganiyang trumato ng babae madalas hindi niya pinapansin ang mga iyon. Kita mo naman kung paano niya ngitian iyong mga nagkakagusto sakaniya diba? Halatang pilit na ngiti pero sayo nung nakita kong ngumiti siya halatang hindi siya napilitan,"aniya pa
May point siya pero hindi naman porket ganoon siya sa akin ay may gusto na iyon sakin!
"Malay mo naawa lang sakin Gavin lalo na at may depression ako,"ani ko
Umiling lang siya at nagsalitang muli.
"Ikaw bahala Leigh pero alam kong nahulog na iyon sayo,"aniya
Hindi ko mapigilang hindi isipin iyon jusko ano ba ito? Imposible naman ata iyon.
"Halika na nag text na si Val sa akin andun na daw sila sa gate at andun na rin si Rehan,"sabi niya
Tinext?! E ako na best friend walang number niya? Aba Zoanne Valerie parang may mali ata.
"Tinext ka ni Val? May number ka niya? Ako na best friend hindi ko alam ang number niya tapos ikaw? Alam mo?,"reklamo ko
"Sorry Leigh, binigay niya sa akin ang number niya para daw kung sakaling magising ka itetext ko siya. Huwag kang mag alala ibibigay niya rin naman daw ang number niya sayo,"natatawang sabi niya
"Hayaan mo na halika na nga!,"ani ko
Tumatawang lumabas siya ng office at ini lock na rin iyon.
Habang ako bitbit ang bag ko pati na rin ang jacket ni Rehan. May soft spot pala talaga siya.
Naglalakad kami papuntang gate nang mag ring ang cellphone ni Gavin. Hulaan ko si Zo iyon.
"Oo papunta na kami, malapit na,"rinig kong sabi ni Gavin.
"Ah Leigh okay lang ba kung bilisan natin? Nagmamadali kasi si Rehan e, bilisan daw natin kasi kanina pa daw nag iintay ang tito mo,"aniya
Napaka demanding naman po Mr. Adams grabe ha.
Tumango na lang ako at binilisan na ang paglakad hanggang sa makarating kami sa gate at nakita ko na rin si Tito Ivan, Rehan at Zo.
Si Zo ay kumakaway ang kamay habang si Rehan naman ay nakasandal sa kotse at nasa bulsa ang dalawang kamay. Si Tito Ivan naman ay nakatayo lang.
"Val!,"sigaw ni Gavin
Maka sigaw naman ito! Ang lapit lapit na nga namin akala mo naman kung mag jowa!
Natawa ako nang makita kong inirapan siya ni Zo. Nako Zo ha napaka maldita mo kay Gavin sa huli kayo lang din naman magkakatuluyan e.
Lumakad ako patungo sa direksyon ni Tito Ivan at nag mano sakaniya.
"Uh Rehan oh, salamat nga pala,"nahihiyang sabi ko nang bumaling ako kay Rehan
Inabot ko ang jacket niya at kinuha niya naman iyon. Nakangiti din siya at tinanguan na lang ako.
Gavin! Kung ano ano kasi sinasabi mo iyan tulong napapa isip na rin ako! Iba talaga ang ngiti ni Rehan kapag ako ang kaharap niya hindi katulad sa mga fan girls niya na pilit.
Minsan ko nang makita si Rehan na ngumiti sa mga fan girls niya pero halatang halatang pilit iyon ngunit walang pakealam iyong mga babae dahil ang importante sakanila ay nginitian sila ni Rehan.
"Oh halina kayo,"biglang sabi ni Tito Ivan
Sumakay na kami sa kotse, katabi ko si Zo habang katabi niya naman si Gavin so nagmukhang third wheel ako. Habang si Rehan naman ang nasa shotgun seat.
Malayo layo rin ang sementeryo dito sa school namin siguro aabutin iyon ng 30mins or 1 hour depende sa nagmamaneho.
Ito namang dalawang ito! Dito pa sa tabi ko nag away! Jusko wala naman silang label pero kung mag away akala mo naman mag asawa.
Hindi ko na lang sila pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Ilang minuto rin akong nakatulala nang makarating kami sa sementeryo.
Pagkadating na pagkadating pa lang namin ay bumaba na agad ako. Kaso nakalimutan ko wala pala akong dalang bulaklak man lang kaya napahinto rin ako.
"Hmm nakalimutan mo ang bulaklak ano? Andun kay Zo iyong bulaklak,"biglang sabi ni Tito Ivan
Napakamot na lang ako sa ulo ko at pumunta na kay Zo para kuhanin iyong bulaklak. Ibinigay niya naman agad sa akin iyon.
Pagkabigay niya sa akin non ay pumunta na agad kami sa puntod ni kuya.
"Pamangkin andito na kami ng kapatid mo at kasama rin namin ang mga kaibigan niya,"ani Tito Ivan nang makarating kami sa puntod ni kuya
"Hello po Kuya, I'm Zoanne Valerie Anderson sayang nga lang hindi po kita nakilala pero pangako hindi ko po iiwan si Leigh at ako rin po ang magsisilbing sandalan niya, taga pagtanggol, aalalay sakaniya at mag aalaga,"masayang sambit ni Zo
Napangiti na lang ako nang marinig ko ang mga salitang iyon.
"Ako naman po si Gavin Kelle Corpuz, gaya po ng sinabi ni Val pangako hindi namin siya iiwan at pangakong kami ang magiging sandalan ni Leigh,"nakangiting sabi ni Gavin at tumingin sakin.
Nginitian ko lang siya at tumingin na lang sa puntod ni kuya. Nakalapag na pala iyong bulaklak inagaw nga pala ni Tito Ivan sa akin.
"I'm Rehan Lazarus Adams and I am the Student Council President in our school. I promise that no one will hurt Leign in our school.,"biglang sabi ni Rehan.
Seryosong seryoso ang mukha niya nung sinabi niya iyon. Napangiti na lang ako habang nakatingin sakaniya.
Akala ko kasi noon suplado siya pero ngayon nakikita kong may soft side talaga siya.
Umupo na lang ako sa damuhan ganoon din naman ang ginawa nila at nagsimula ng magkwentuhan.
"Oh Bryle narinig mo iyon ha? Kami na ang bahala sa kapatid mo,"rinig kong sabi Tito Ivan.
Napangiti nalang din ulit ako dahil duon.
Kuya kamusta ka na? Narinig mo iyong mga sinabi nila? Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong handang maging sandalan ko. Siguro kung andito ka makakasundo mo rin sila. Ang saya ko ngayon kuya kasi naramdaman ko ulit ang pagmamahal na hinahanap hanap ko noon. Simula kasi nang mawala ka gumuho ang mundo ko kasi ikaw lang ang naging kakampi ko sa lahat kahit na andito si Tito Ivan syempre iba pa rin kapag ikaw diba? Pero nagpapasalamat ako kasi hindi mo pinaramdam na nag iisa ako, nagpapasalamat din ako kay Tito Ivan kasi hindi siya napapagod sa akin. Kuya ika apat na taon na ngayon at ang daya daya mo talaga! Hindi mo man lang inantay na maka graduate ako o kaya naman magkatrabaho ako para naman sabay tayong tatanda diba? Pero ako ngayon nag iisa kasi iyon ang nararamdaman ko e, kahit pa may mga taong nagmamalasakit sa akin ramdam kong mag isa pa rin ako. Hindi ko alam pero iyon talaga ang nararamdaman ko kuya. Basta ayos lang ako dito andito naman sila Tito Ivan e. Lagi akong mag kwekwento sayo ha? At sana hindi ka mag sawa na makinig sakin kung asan ka man. I love you kuya! Pangako magiging matatag ako, makakapagtapos ng pag aaral, magiging Therapist at higit sa lahat araw araw akong magdadasal gaya ng ginagawa natin noon. Alam ko rin kung nasaan ka man masaya ka para sakin kasi nagkaroon na ako ng mga permanenteng kaibigan at hindi na ako mag-iisa. I love you always kuya!