CHAPTER 3

2980 Words
Chapter 3 Nakatingin lang ako sa puntod ng kuya ko habang iniisip ang masasayang alaala naming dalawa nung andito pa siya mundong ibabaw. "Leigh, snacks?,"biglang tanong ni Zo sa akin habang hawak niya iyong Calbee Honey Butter Chips. Umiling lang ako at tumabi naman siya sa akin. Sa totoo lang hindi ako nagugutom, huwag kayong ano jan hindi talaga ako gutom pero minsan marupok ako pagdating sa pagkain. Ito namang katabi ko rinig na rinig ang pagkagat niya sa chips jusko! Luminga linga ako sa paligid pero hindi ko makita sila Tito Ivan at Rehan, asan naman kaya iyong dalawang iyon? Si Gavin lang naman ang andito na lalaki hindi naman siya kalayuan sa amin at kumakain din ito. "Zo, asan pala sila Tito Ivan?,"tanong ko kay Zo Pinunasan niya muna ang labi niya at uminom ng Dole Sparkling Lime. "Teka, kanina kasi tinanong ni Rehan si Prof. Marquez kung pwede ba silang mag usap tapos ayon pumayag naman ang tito mo. Kanina lang anjan sila ewan ko ngayon kung asan,"pagpapaliwanag niya habang lumilinga linga rin. Tumango na lang ako sakaniya. Inalok niya din ako ng inumin pero tinanggihan ko ulit iyon at sinabing hindi ako nauuhaw. Totoo iyon mga dzai! Hindi ako gutom o uhaw. Hindi lang talaga ako marupok pagdating sa pagkain pero baka maging marupok ako sa tao. Ano ba iyan! Si tito kung saan saan pumupunta at kasama niya pa talaga iyong Rehan na iyon. Ano naman kayang pinag uusapan nila? Isa kang dakilang chismosa Yahaira Leigh Marquez Valdez! "Leigh! Andiyan na sila,"sigaw ni Gavin na ikinagulat ko Napatingin naman agad ako sa direksiyon nila dahil sa gulat ko. Eto naman kasing si Gavin! Pwede naman kasing kalabitin na lang ako e. Hays siguro ay uuwi na kami. Hindi muna ako tumayo para makapag paalam ng maayos kay kuya. Tiningnan ko lang si Tito at sumenyas na may sasabihin pa ako kay kuya at tumango naman siya. Wala na rin si Zo sa tabi ko at ayon kumakain pala! Kuya uuwi na kami ha? Sa susunod na lang ulit kita bibisitahin kasi mag aaral din ako ng mabuti sa mga susunod na araw para naman maging proud ka sakin kahit na lagi mong sinasabi noon na proud na proud ka sa akin. Gusto pa rin kasi na proud ka dahil naka graduate na ako ng college at maging professional na Therapist. Pangako gragraduate ako at magiging professional Therapist. Sa susunod ulit kuya. I love you! Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. "Pamangkin alis na kami ha? Sa susunod ulit. Mahal ka ni Tito,"sambit ni Tito Ivan kaya naman nagulat ako. Kung bakit ba ang hilig nilang mang gulat! "Leigh ano tara na? O gusto mo pang manatili dito?,"tanong ni Tito Ivan Gusto ko mang manatili dito pero kailangan ko na ring umuwi dahil may klase pa kami bukas at nangako ako kay kuya na magtatapos ako ng pag aaral. "Sa susunod na araw na lang ulit siguro Tito Ivan, halika na po,"ani ko habang nakangiti Nakangiti? Ngayon ko lang naramdaman ulit iyong pag ngiti ko na hindi pilit. Sana ay magpatuloy na. "O siya sige, tara na,"aniya at umakbay sa akin Habang naglalakad kami nakita ko pang naka upo pa lang si Zo at Gavin sa damuhan at si Rehan naman ay nakatayo habang nakikipag tawanan sakanila. Ang saya saya nilang tingnan. Sana balang araw ganiyan din ako kasaya pero iba bumawi ang kalungkutan kapag sobrang saya mo. "Tama na yan, halina kayo,"sigaw ni Tito Ivan sakanila Tumayo naman na iyong dalawa pero nakasimangot. "Ay uuwi na?,"malungkot na tanong ni Gavin. Ay hindi. Kung gusto mo ay dito ka na din matulog Gavin, kung gusto mo lang naman. Malamang ay uuwi na! Alangan namang dito tayo matulog diba? "Yes, why you want to stay here? Stupid,"iritang tanong ni Rehan Natawa naman si Zo na nasa tabi ko na pala! "Kailan pala kayo babalik ulit dito?,"tanong ni Gavin at bumaling sa akin "Ha? Ah siguro sa mga susunod na araw,"sagot ko "Sasama ulit ako ha! Fresh air kasi dito e,"aniya Tinanguan ko na lang siya. Nag aya na rin si Tito Ivan kaya naman pumunta na rin kami sa kotse. Sa shotgun seat sana ako uupo kaso naunahan na naman ako ni Rehan! Third wheel na naman ako neto! Napilitan akong sumakay dun sa likod kasama si Gavin at Zo. "Leigh? Can we exchange seat?,"pabulong na tanong ni Zo sa akin pero narinig ata ni Gavin yon. "Bakit ayaw mo akong katabi?,"nakangusong tanong niya Inirapan lang siya ni Zo kaya naman natawa ako. "Huh? Ayaw ko nga,"sabi ko na lang Nakita ko pang sumimangot si Zo kaya naman nagpipigil ako ng tawa. Tahimik lang kami buong biyahe nang bigla kaming tumigil sa isang bahay. Malaki ang gate pati na rin iyong bahay! Mas malaki pa ito kesa sa bahay namin! Mansion naman ang bahay namin pero mas malaki nga lang ito. "Thank you Prof. Marquez, Leigh,"biglang sabi ni Gavin at nag bow din siya. So dito pala siya nakatira? Malamang Leigh nag thank you na nga diba? "You're welcome Mr. Corpuz. And I hope wala na kaming mababalitaan na nang trip ka na naman ng mga estudyante,"aniya "Prof. naman, syempre wala na. Good boy na ata to,"aniya at hinampas pa ang dibdib "As if,"singit ni Zo at umirap pa Attitude ka ghorl? "Ay ayaw maniwala, sige simula bukas hindi na ako mapapatawag sa Dean's Office,"proud na sabi pa ni Gavin. Pero umirap lang si Zo ulit. Nako Zo gaganiyan ganiyan ka sakaniya tapos isang araw mababalitaan ko dating na kayo ha. "Sige na Prof, Leigh, Val una na po ako,"aniya niya ulit at bumaba na sa sasakyan Tumango na lang kami sakaniya. Nag wave pa siya at ganoon din ang ginawa ko. Akmang papasok na siya ng gate nang biglang sumigaw si Rehan. "How about me stupid? No goodbyes? E ako ang naghahatid sayo minsan,"masungit na ani Rehan Natawa ako ng malakas at agad na tinakpan ang bibig ko dahil nakita ko siyang tumingin sa akin. Nag peace sign na lang ako. Juice colored! Sige tawa pa Leigh! "Eto naman, mag gugood bye talaga ako sayo!,"aniya "Oh really? Sa mukha mong iyan?,"ani Rehan Napatawa naman din ng malakas si Zo pero hindi niya tinakpan ang bibig niya. "Eto na nga e, bye bebe Rehan! See you bukas mwahhh,"aniya at nag flying kiss pa "Ewww, goodbye stupid!,"ani naman ni Rehan Natawa kami ng malakas lalo ni Zo dahil sa sinabi ni Gavin ganon din si Tito Ivan kaya naman nag iba ang timpla ng mukha ni Rehan. Natatawang pumasok naman si Gavin ng gate nila at nag wave pa ulit. Umandar na ulit ang sasakyan at umalis na kami. "Hoy Rehan! Hindi kaya bakla iyong best friend mo?,"natatawang tanong ni Zo "I don't think so, Zo,"aniya at halatang naiinis Tinawanan lang namin siya ni Zo. After how many minutes nagsalita na rin si Zo. "Prof. dito na po," "Oh sige, mag iingat ka,"ani Tito Ivan "Sige po salamat! Goodbye Rehan and Prof. Marquez,"aniya Bumaba na siya ng kotse at di man lang nagpaalam sa akin! "Oh? Anong akala mo hindi ako magpapaalam sayo?,"naka taas kilay niyang tanong "Bye Leigh! It's nice meeting you again! And I'm glad that your my best friend! Sa susunod dadalhin kita sa bahay okay?,"aniya "Bye Zo! Same to you! Pero hindi kita dadalhin sa bahay ha? Sa bahay na lang siguro ni Tito,"natatawang sabi ko Nginitian niya lang ako at umalis na rin, nag wave pa siya sa akin kaya naman nag wave back ako. Ay messenger ang peg! "How about you, Rehan?,"biglang tanong ni Tito Ivan "Uh sa susunod pang kanto Prof.,"aniya "Really?! Parehas lang pala tayo ng kanto e,"aniya "I guess Prof?," "Pwede kong ipasundo na lang si Leigh sayo! Kapag dun siya sa bahay natulog, hindi rin kasi yan pumapayag na magsabay kaming pumasok e,"aniya Napatingin naman ako dahil duon. "Tito, ayaw ko lang na may masabi ang mga estudyante,"pagpapaliwanag ko "Nako Leigh, ako naman ang bahala duon e,"aniya Ngumiti na lang ako dahil sa sinabi ni Tito Ivan. Pero kahit na kaya niya akong ipagtanggol sa mga estudyante ayaw ko ap rin na makita nila ako na kasabay si Tito Ivan lalo na mainit minsan ang mga mata sa akin ng mga ibang schoolmates ko. "Oh andito na tayo Rehan,"ani Tito Ivan Wow! Nagmuni muni lang ako andito na pala kami sa bahay nila Rehan. Malaki rin ito konti na nga lang pwede na itong maging palasyo! "It's nice to get along with you all. Thank you Prof and Leigh. I'll get going,"aniya "Thank you also, Rehan,"ani Tito Ivan "Thank you too,"ani ko naman Ngumiti lang siya kaya nginitian ko na lang din. Bumaba na siya sa sasakyan at nag wave din ng kamay kaya nag wave din si Tito Ivan. Halla may favoritism! Ganoon na din ang ginawa ko at nang magawa ko iyon pumasok na siya sa gate nila. Ako naman ang ihahatid ni Tito Ivan sa bahay, hindi niya naman kasi ako hinahayaang umuwi ng mag isa dahil alam niya na ang gagawin ni mommy. Tahimik lang kami ni Tito Ivan buong biyahe papunta sa bahay. Medyo malayo layo ito sa bahay ni Tito Ivan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyang sobrang saya. Sa nakikita ko napakasaya ng pamilyang iyon. Nakaramdam ako ng inggit bigla. Sana kasi ganoon din ang mga magulang ko sa akin e, kaso mukhang malabo lalo na si mommy. Dahil lagi niya pa ring pinapamukha sa akin na ako ang may kasalanan ng lahat. Pakiramdam ko tuloy ay hindi nila ako anak at si kuya lang ang anak nila. Ibang iba ang trato ni mommy kay kuya kumpara sa akin. Pero minsan pinag tatanggol naman ako ni daddy kaso wala na talaga siyang magawa kapag pinigilan na siya ni mommy. Ang pagmamahal lang naman ni daddy at kuya ang nararamdaman ko duon, hindi ang pagmamahal ni mommy. Andito na pala kami sa labas ng bahay pero bakit may mga maleta sa labas? "Tito bakit po may mga maleta sa labas?,"tanong ko "Hindi ko din alam Leigh, pero iyan ang aalamin natin. Mauna kang pumasok at susunod ako,"aniya at tumango ako Lumabas na ako ng sasakyan at dumiretso sa gate, napansin ko ding akin pala ang mga maletang iyon. Pinapalayas na ba nila ako? Pumasok na lang ako ng gate at hindi na inisip iyon, nakasunod lang sa akin si Tito Ivan pero nagtago din sa gilid ng pinto para ako ang mauna. Pagkabukas ko ng pinto ng bahay agad na bumungad sa akin ang daddy. "Nak, I'm sorry hindi ko mapigilan ang mommy mo,"panimula niya Pumasok ako sa loob ng bahay bago magsalita. "Dad, pinapalayas niyo na ba ako?,"tanong ko Nag iwas tingin muna siya bago magsalita. "Anak, ang mommy mo lang ang may gusto at hindi ako. Wala akong magawa Leigh. Pero lagi mong tatandaan na mahal kita, kayo ng kuya mo,"aniya Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang. "D-dad it's fine, siguro duon na lang ako kay Tito Ivan titira. Mahal ko din kayo dad, kayo nila mommy at kuya,"ani ko Yayakapin ko sana siya nang biglang bumaba si mommy. "Oh ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na!,"sigaw niya "Iraya! That's enough! She suffered to much!,"pigil sakaniya ni daddy "D-dad it's fine, aalis na din naman ako kukunin ko lang ang ibang gamit ko sa taas,"ani ko "Oh buti pa iyang anak mo nakakaintindi! Umakyat ka na at kunin mo na ang natitira mong gamit sa taas! Huwag ka nang babalik dito!,"sigaw ulit ni mommy Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil ayaw kong may masabi na naman si mommy. "No! Iraya! She's your daughter! Do you think Bryle will like this?!,"sigaw ni daddy Ano ba naman huwag naman kayong mag away! Baka kayo rin ang masira. "Ian hindi lang yang batang iyan ang nahihirapan, ako din! Nawalan ako ng anak dahil sa kaniya!,"aniya at itinuro ako "Anak mo rin siya Iraya!,"ani dad "She's a stupi- "Iraya!,"sigaw ni Tito Ivan sa likod "Oh ano kuya? Ipagtatanggol mo na naman iyan?,"sarkastikong sabi ni mommy Lumapit ng onti sa akin si Tito Ivan. "Leigh, tumaas ka na muna kunin mo na ang ibang gamit mo. Sa akin ka titira,"aniya Tumango naman ako. Nakayuko akong humakbang sa hagdan dahil anduon si mommy. Nang makarating ako sa huling palapag bumaba na rin si mommy, tiningnan ko sila pero sumensyas si Tito at Daddy na pumasok na ako ng kwarto at ginawa ko naman iyon. Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Para mapatawad ako ni mommy. Kailangan ko din bang mamatay? Hirap na hirap na ako. Ito ba ang parusa sa akin? Ako naman kasi talaga ang nasa kabaong na iyon at ang nasa ilalim ng lupa kung hindi lang ako iniligtas ni Kuya. Habang kinukuha ko ang ibang gamit ko narinig kong sumigaw ulit si mommy kaya naman binuksan ko ng konti ang pintuan ng kwarto ko. "Kuya nahihirapan din ako! Hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala ni Bryle!,"sigaw ni mommy "Hindi lang ikaw ang nahihirapan Iraya! Nahihirapan din ang anak mo!,"sigaw naman pabalik ni Tito Ivan Huwag na kayong mag away please, ayaw kong ako ang maging dahilan. "Kung andito sina mommy ganiyan din ang sasabihin nila sayo!,"ani tito Ivan "Si Bryle ang gusto nilang apo at hindi si Leigh!,"sigaw ni mommy Agad na kumirot ang puso ko sa narinig ko. Lahat na lang ba ng tao ayaw sa akin? "Iraya! That's not true!,"singit ni daddy "Ano kakampi ka sakanila? Sige lumayas ka na rin- Hindi natuloy ni mommy ang sinasabi niya dahil may sumingit bigla. "What is happening here?!,"sigaw nung kung sino "M-mom you're home,"utal na sabi ni mommy "Yes I'm home, Iraya," It's Lola... "Ano na naman ba iyan Iraya? Can you stop blaming Leigh?,"sabi niya "Mom! Siya lang ang dapat sisihin dito!,"sigaw ni mommy "Kaya mo na rin akong sigawan ngayon? Lahat na lang ng tao dito sinisigawan mo. Pati kuya mo, asawa mo, lalo na ang anak mo," "Hindi ko anak si Leigh!,"sigaw ni mommy W-what? "Iraya! Stop it! What are you saying?,"singit ni daddy Lumabas ako ng kwarto ko at nakita kong lahat sila naguguluhan maliban na lang kay mommy. "Hindi natin siya anak, Ian,"aniya "Ano bang sinasabi mo Iraya?,"naguguluhang tanong ni Tito Ivan "Hindi namin siya anak kuya,"sabi ni mommy at iniwas ang tingin "N-ninakaw k-ko s-siya sa totoong magulang niya,"utal na sabi ni mommy Ninakaw? So hindi nga nila ako anak? Kung hindi sila ang mga magulang ko, sino? "What are you saying?!,"galit na sigaw ni Lola "Mom, she's not my daughter," "How come she's not our daughter Iraya?!,"galit na sigaw din ni Daddy "Ninakaw mo ang bata sa mga magulang niya? My goodness Iraya!," Tito Ivan said and he looks frustrated "Kuya hindi ko naman ginusto ito!," "Then explain to us Iraya!," "Si L-lucy, inutos niya sa akin na kunin ko ang bata dahil sa galit niya kila Elaine at Limuel,"paliwanag ni mommy "What?!,"sabay nilang sigaw "Hindi kita pinalaking ganiyan Iraya!,"sigaw ni Lola at halatang naiiyak na "Mom I'm sorry, Lucy is my friend and I owe her that much- "Kaya ginawa mo ang gusto niya?,"tanong ni daddy "Iraya, you owe her that much pero hindi dahilan iyon para sundin mo ang gusto niya!,"dagdag niya pa "I'm sorry okay?,"naiiyak na sabi ni mommy Sorry? Iyon lang sorry?! Inilayo mo ako sa mga tunay kong magulang. "Huwag ka sa amin humingi ng tawad, kay Leigh," Kahit hindi na po, napatawad ko na si mommy matagal na. Pumasok na lang ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit kong natira dito. Leigh kailangan mong mag panggap na wala kang narinig. Lumabas ako ng kwarto at sinadya kong lakasan ang pagsara nito. Nang nasa hagdan na ako nakatingin silang lahat sa akin. Ako naman ay nagpanggap na naguguluhan. "Apo," "Lola, mano po,"ani ko nang makababa nang hagdan at lumapit kay Lola Nagmano ako at tumingin kay Tito Ivan para iparamdam sakaniyang ayaw ko na dito. "Mom, we'll get going,"paalam ni Tito Ivan "Saan kayo pupunta? Leigh where are you going?," "Duon na siya titira sa akin ma,"ani tito Ivan Tumango naman si Lola. Halatang ayaw ako dito ha. Niyakap ko muna si daddy bago kami lumabas ng bahay. Pagkalabas namin nakita kong wala na ang mga maleta ko sa gate. "Nasa kotse na Leigh,"ani Tito Ivan Tumango na lang ako at sumakay na ng sasakyan ganoon din si Tito Ivan. Hindi ako nagsasalita buong biyahe ganoon din si Tito Ivan. Tahimik lang din ako. Hindi ako makapaniwalang ginawa iyon ni mommy. "Leigh andito na tayo,"basag ni Tito sa katahimikan. Natauhan naman ako agad, ilang oras din pala akong nakatunganga! Tumango lang ako at kinuha na ang mga gamit ko ganoon din si Tito Ivan, kinuha niya ang dalawang maleta at tatlong duffle bag ko. Pumasok na kami ng gate at tiningnan niya muna ako bago kami pumasok nang bahay. "Leigh duon ka na lang sa guest room ha? Malaki rin naman iyon,"aniya "Thank you tito,"ani ko at ngumiti ng pilit. Nginitian nya lang ako at halatang pilit din iyon. Ipinataas niya sa dalawang maid ang mga gamit ko. Hindi ko maipapangakong magiging masaya ako dito lalo na sa mga narinig ko kanina. "Gusto mo bang kumain Leigh?,"tanong ni Tito Ivan "Busog pa po ako Tito, siguro magpapahinga na lang ako,"ani ko Tumango naman siya at may sinabi pa sa akin at tinanguan ko lang din iyon. Sa totoo lang gutom ako! Pero nawalan ako ng gana dahil sa mga narinig ko. Pagkapasok ko ng kwarto nanlaki ang mga mata ko dahil malaki nga ang kwarto! Kasya siguro ang fifteen na tao dito! Compared sa kwarto ko sa bahay siguro limang tao lang ang kasya. Mas malaki kasi ang kwarto ni kuya kumpara sa akin. Umupo na lang ako sa kama pagkatapos ayusin ang mga gamit ko. Naisipan ko ring matulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD