CHAPTER 4

3008 Words
Chapter 4 *Knock knock* "Ma'am Leigh," *Yawn* Shit! Isang oras na lang ay male late na ako! Buti na lang ay nagising ako dahil sa katok at pagtawag sa akin nung maid ni Tito Ivan. For now maid muna dahil hindi ko pa naman alam ang mga pangalan nila, pasensya na. Agad agad akong bumangon at inayos ang hinigaan ko. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo buti na lang ay nasa maleta ko rin ang uniforms at p.e. uniform ko. Ngayon ay Friday kaya naman pe uniform ang aking isusuot. Sa mga babae old rose ang kulay ng t-shirt at ang nakalagay sa likod namin ay ang apelyido, sa baba naman ng apelyido namin ay numbers depende sayo kung anong number pero ang akin ay 14 dahil February 14 ako ipinanganak. Ang jogging pants naman naming babae ay old rose din pero may white din iyon sa gilid at ang nakalagay ay Vaden College. Ganoon din sa mga lalaki ang kulay nga lang ay copper rust. Ganoon din sa mga jersey nila. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako buti na lang ay inihanda ko na kagabi ang pe uniform ko. Nagsuot lang ako ng Hermes na sneaker. Kinuha ko na din ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko ay nakita ko na agad si Tito Ivan na nag kakape sa dining area. "Good morning po, Tito Ivan,"bati ko sakaniya nang makalapit ako Umupo na ako dahil sinenyasan niya akong umupo at kumain na. "Good morning Leigh, kamusta ang tulog mo?," bati at tanong niya "Maayos naman po,"ani ko "Kumain ka na baka malate ka pa,"aniya Tumango lang ako at kumain na, baka nga kasi malate pa ako. "Mauuna na ako Leigh ha? Alam ko naman nahihiya ka na sabay tayo pumasok lalo na at baka pag chismisan ka din ng mga estudyante hindi naman hahayaan iyon ng Tito,"malambing na sabi niya Tito sorry talaga ayaw ko lang mapag chismisan. "Opo, Tito Ivan salamat po,"ani ko Napatingin naman siya sa akin agad. "Leigh ako ang tito mo kaya gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo, hindi man sabihin ng mommy mo pero alam kong minahal ka din niya," Sana nga tito... Ngumiti lang ako sakaniya. Paalis na siya pero biglang pumasok sa isip ko kagabi iyong narinig ko. Tumayo ako at hinabol siya. Nasa may pintuan pa lang naman siya. "Tito!,"sigaw ko Lumingon naman agad siya sa akin. "Oh bakit Leigh? May kailangan ka ba? Ah oo nga pala dahil alam kong hindi ka sasabay sa akin may susundo pala sa iyo dito okay? Ibinilin ko na rin kay Ate Emy at Ate Marie ang susundo sayo pati ikaw ay ibinilin ko na rin sakanila.,"tanong at eksplanasyon niya Susundo? Sino naman kaya iyon? "Ah okay po Tito salamat po ulit. Pero tito may itatanong lang po sana ako,"ani ko "Ano yon Leigh?,"tanong niya at halatang kinakabahan ito "Tito hindi ko naman po sinasadyang marinig ang usapan niyo kagabi pero totoo po ba? Na hindi ako tunay na Valdez?," "L-leigh, pasensya na hindi namin alam ng daddy mo iyon at mukhang kailangan ko ngang sabihin sa iyo ang totoo at iyon ang totoo yung narinig mo kagabi. Hindi ko magagawang mag sinungaling sayo dahil alam kong narinig mo na din kagabi.,"aniya Tangina so totoo nga? Ang galing naman pa lang mag sikreto ng adoptive mother ko. "Okay lang po, ah sige tito mag reready na rin po ako," sabi ko "Leigh sorry, pag uusapan natin yan mamayang gabi ha? O sige mauna na ako,"aniya Tumango lang ako at bumalik na sa dining area. "Ma'am Leigh, 8:30 po darating ang susundo sa inyo,"sabi nung babaeng maputi 8:30?! s**t malapit na! Dali dali kong tinapos ang pagkain ko at umakyat na para makapag toothbrush. Lalabas pa lang ako ng kwarto nang marinig kong may bumusina. Jusko! Grabe naman itong sundo kong to! Sino ba kasi siya? Nagmadali tuloy ako ng wala sa oras! Hmmppp! "Ah mga Ate una na po ako, Leigh na lang po ang itawag niyo sa akin,"sambit ko at ngumiti "Sige Leigh mag iingat ka. Ako nga pala si Ate Emy at siya naman si Ate Marie,"aniya at itinuro ang katabi. Shuta maganda sila parehas hindi sila bagay dito! Dapat sa malaking kompanya sila nag tratrabaho. Jusko baka masira ang beauty nila! "Sige po Ate Emy, Ate Marie mauna na po ako,"ani ko at kumaway sakanila Kinawayan din naman nila ako. Pagkalabas ko ng gate namangha ako sa sasakyan! BMW mga dzai! Yayamanin! Pero nagulat rin ako nang biglang lumabas kung sino man ang may ari! Tangina! Ang nag iisang Rehan Lazarus Adams lang naman po! Edi mas lalo akong pag chichismisan dito! "Uh good morning, tara na?,"aniya nang makalabas ng kotse Naka jogging pants siya pero ang t-shirt na suot nya ay iyong pang Student Council. Neon purple naman ang kulay non at ang logo ng school namin ang naka ukit sa harap at sa likod naman ay ang posisyon mo sa Student Council pati na rin ang pangalan ng school at pangalan ng Student Council. S. C. President ang nakasulat sa gitna, sa taas naman ay Vaden College pero maliit lang iyon habang sa ibabang gilid sa right ay ang pangalan niya Rehan. "G-good morning, ah oo tara na baka malate pa tayo,"nahihiyang sambit ko Tumango naman siya at pumasok na sa sasakyan. Hanep! Hindi man lang ako pinagbuksan! Char lang! Sumakay na lang ako shotgun seat. Hindi rin kami nag uusap. Gusto ko sana siyang kausapin pero huwag na lang! Sa sobrang tahimik namin nakarating na kami ng school nang hindi ko namamalayan. "We're here,"aniya Duon lang ako natauhan sa kakatingin sa bintana! "U-uh okay! Wait! Mauuna akong lumabas at pumasok mahuli ka, ayaw kong mapag chismisan,"ani ko Tinawanan lang ba naman ako bago siya tumango! Napakasama e. Dali dali akong lumabas ng sasakyan at tumakbo na papunta sa loob. Muntik pa akong madulas sa covered walk namin kakamadali ko. "Leigh!,"sigaw nung kung sino Hindi na ako lumingon dahil malelate na ako! Jusko! Dali dali akong tumakbo papuntang room namin at salamat dahil wala pa ang Professor namin. Hingal pa akong umupo sa upuan ko. "Leigh! I was calling you earlier pero hindi ka lumingon!," Pagkalingon ko kung sino ang nagsalita, it was Zo! Oemji! Same course kami! "Zo? I'm sorry nagmamadali kasi ako!,"ani ko Umupo siya sa tabi ko at pinag krus ang kamay. "Akala mo hindi ko nakita ha, sabay pa kayo ni Rehan na pumasok,"aniya at halatang nang aasar. "Zo! Huwag kang maingay nagkataon lang kasi duon na ako kay Tito Ivan tumitira,"eksplanasyon ko "What? Why? What happened?,"sunod na sunod na tanong niya at nanlalaki pa ang mga mata. "I'll tell you later kasama iyong dalawa para alam din nila,"sabi ko at tumango naman siya "Good morning class, we don't have classes today because we have an event,"seryosong sabi ni Miss Claire Nag hiyawan naman ang mga kaklase ko at agad na sinuway ni Miss Claire. "Miss Claire ano pong meron?,"tanong ni Ms. Buenaventura Shoot! Kaklase pala namin siya. "20th year ng pagkakawala ng anak nila Dean, what I mean sa nawala is na kidnapped baka ang iniisip niyo ay namatay,"pagpapaliwanag niya Tumango naman kaming lahat. "You may go to our gymnassium now,"ani ulit niya At umalis kasabay ng mga kaklase kong nag sitayuan upang sumunod na rin sakaniya. "Uh hi my name is Bianca Evienne C. Buenaventura, I'm the reporter here in our campus,"biglang sabi ni Ms. Buenaventura nang madaanan namin siya kaya naman tumigil kami. "Hi! Zoanne Valerie Anderson, nice to meet you!,"masayang pagpapakilala ni Zo "Yahaira Leigh Valdez, you can call me Leigh while you can call her Zo,"pagpapakilala ko at itinuro si Zo. "Nice to meet you guys!,"aniya Ngumiti lang kami at sumabay na sakaniya papuntang gym. "By the way, Zoanne are you dating Gavin?,"biglang tanong ni Bianca What? At bakit naman niya tatanungin iyon? "What?! No!,"tanggi ni Zo Defensive much mapaghahalataan e. "Oh I thought you're dating my cousin sasabihin ko na sana kay Tita Gia,"aniya Cousin?! Shoot! Pinsan pala ni Gavin ito? Animal "Pinsan mo iyon?! Sure ka?,"hindi makapaniwalang tanong ni Zo. Ang daldal nitong dalawa namalayan na lang namin na andito na pala kami sa gym pero umupo na lang kami sa bleachers. "Uh huh, magkapatid ang mommy ko at daddy niya, Tita Gia is his mom while his dad is Tito Kyron,"pagpapaliwanag niya "Kaya naman pala ang tapang mo para isumbong siya kay Dean,"singit ko Tumawa lang siya. Magsasalita pa sana siya kaso biglang may nagsalita sa stage. "Good morning Vaden College Students!,"masayang bati ni Rehan? Kaya naman pala nag hihiyawan ang mga babae. "Today, our Dean wants to celebrate the 20th year of the loss of her daughter,"aniya I heard everyone gasps. Baka ang akala nila ay sumakabilang buhay. "My mistake, she's not dead okay? She is missing for 20 years now,"dagdag niya pa Tumango naman ang mga estudyante. "And here she is, our beautiful Dean Buenaventura,"aniya ulit at pumalakpak Nakipalakpak naman kami at tumayo na rin. Umakyat na sa stage si Dean Buenaventura at may kasama itong lalaki. Inabot naman ni Rehan ang mic kay Dean Buenaventura. "Good morning everyone, so alam niyo na ang reason kung bakit kayo andito. My daughter is missing for 20years now. She was born on February, 14."aniya February 14? Same kami ng birthday ng anak ni Dean! Hindi nga lang sinabi kung anong year. "I'm with my husband Limuel Yair Buenaventura and my eldest son Yaron Lincoln,"aniya Kumaway at nag bow naman ang asawa at anak ni Dean. At may sumigaw pa. "Dean baka pwede po ang anak niyo!" "Shet papa!intayin mo ako, aasawahin kita" "Aasawahin!" "Jojowain!" Iyan lang naman ang mga isinigaw nila. Juice colored di man lang nahiya. Pero nakita kong tumawa sila Dean. Ang saya siguro nila. Kinuha naman ng anak ni Dean iyong mic. "I'm sorry girls, but hindi ako mag gigirlfriend hanggang hindi ko pa nakikita ang lil sis ko,"aniya Ang gwapo ng boses! Ang sweet din sana isa din siya sa kuya ko. Sumimangot naman ang iba pero may ilang sumigaw ulit. "Kung sino man ang kumuha sa anak ni Dean paki balik na flss" "Juice colored ibalik niyo na!" Sigawan nila at eto namang dalawang katabi ko tawa ng tawa. "I would like to call my nephew here on stage, Gavin come here,"sabi ni Dean Nanlaki ang mga mata ko! Shuta pamangkin ni Dean si Gavin?! Agad namang tumayo si Gavin at umakyat ng stage. Ang hinayupak hindi man lang sinabing Tita niya ang Dean. "What?! Tita niya si Dean Buenaventura?!,"gulat na tanong ni Zo "Yes, and my uncle is Dean Buenaventura's husband,"paliwanag ni Bianca Andaming revelations! Sana naman ang sunod ay malaman ko na kung sino ang mga magulang ko. Napanganga naman si Zo sa nalaman niya. "My dad and Tito Limuel are siblings," aniya pa That explains kung bakit matapang siyang ireport si Gavin. "I would also like to call my niece, Bianca Evienne,"ani nung asawa ni Dean I heard gasps again... Nagpaalam si Bianca sa amin at umakyat na ng stage. "Okay we'll explain everything,"dagdag ni Dean "Talagang dapat iexplain Dean,"ani naman nitong katabi ko Siniko ko siya at sinamaan ng tingin. Nag peace sign lang ito. "Okay students, my full name is Elaine Cassandra Corpuz Buenaventura that explains why my nephew is Gavin because my siblings are Kyron Corpuz, Gavin's dad and Beatriz Eviyara Corpuz, Bianca's mom and yes Bianca is also my niece,"pagpapaliwanag niya "What?! Ang gulo,"reklamo nitong katabi ko Hindi ko pinansin iyon dahil mas napansin ko ang pangalan ni Dean, Elaine pero imposible naman ang iniisip ko. Inabot naman ni Dean ang mic sa asawa niya. "Good morning students, I am Limuel Yair Buenaventura and my niece is Bianca. Me and her dad Emmanuel are brothers that explains why she is my niece,"pagpapaliwanag niya Hanep! Pamangkin ni Dean at ng asawa niya si Bianca. Tirador ng magkapatid, de joke lang. "Wait, Leigh you have similarities with Dean,"biglang sabi nitong katabi ko Huh? "Zo kung ano ano napapansin mo,"bulong ko sakaniya "Girl I'm telling a fact! You have similarities!,"aniya at tumingin sa akin. "Your nose girl parehong pareho kayo matangos, pati yung lips niyo, it's heart shaped Leigh and it's perfect,"aniya pa Kung ano ano napapansin e. "You also got her hair! Sandy brown color, konti na lang ay kamukha mo na siya pero may similarities din kayo ng asawa niya,"dagdag niya pa. "Yung eyes niyo it's the same! Monolid shaped, goodness Leigh kung hindi ka lang anak ng parents mo ay iisipin ko nang sila ang mga magulang mo,"aniya ulit Kung alam mo lang Zo, pero hindi ko kailanman iisiping na baka sila ang mga magulang ko dahil baka kaclose lang sila ng biological parents ko at pinaglihi lang ako sakanila. "Pero baka kaibigan ng parents mo sila Dean at sakanila ka pinaglihi,"natatawang sabi nya Ngumiti na lang ako at itinuon ang mga mata ko sa stage. "Some of you are asking what's her name, and her name is actually same with Ms. Valdez's name,"ani Dean What? Magkapangalan pa kami? Baka nagkataon lang. "Goodness Leigh, masisira ata ulo ko dahil sa mga nalalaman ko!,"sabi ni Zo Same mare... "Baka nagkataon lang na kapangalan ko yung anak nila,"bulong ko Tiningnan naman niya ako at kumunot naman ang noo ko. Nakakatakot ang tingin nitong babaeng ito. Magsasalita sana ako kaso iniwas na niya ang tingin niya sa akin. Parang di kaibigan ampt. "Since this is the celebration for our long lost daughter, you can do whatever you want,"masayang sabi ni Dean Napangiti naman ako kasabay ng mga hiyawan ng ibang estudyante. Sa wakas at masasabi ko na rin sakanila iyong totoo. "Thank you so much Dean" "Dean yung anak niyo po baka pwedeng amin na lang o kaya yung pamangkin niyo" Sigawan ng mga estudyante. Tiningnan ko ang reaksyon ni Gavin at umirap lang ito. Suplado ampt hahahaha. Magsasalita sana ulit si Dean nang kunin ni Gavin ang mic. "Sorry girls pero may nakabihag na sa aking puso, pasensya na pero si Rehan pwede pa,"aniya "Pres akin ka na lang" "Rehan anakan mo ako!" "Adams maghanap ka na ng girlfriend mo, utang na loob itong girlfriend ko humaharot pa dahil sayo" Mga sigawan nila pero mas natawa ako dun sa sinigaw nung nahuli. Humaharot jpeg. Nakita kong tumayo si Rehan at kinuha ang mic kay Gavin habang nakatingin ng masama. "I'm sorry but my heart is already taken by someone,"he said while smiling "Aww sayang willing pa naman ako" "Kung sino ka man aagawin ko si Rehan sayo!" "Huwag kang maharot, aba aagawin pa e" Sigawan ulit nila pero parang ang harsh naman nung huli. "Oo nga naman huwag kang maharot! Kilala ko kung sino iyon,"sigaw naman nitong katabi ko kaya napatingin sakaniya ang lahat. "Uhm Zo, I think you should shut your mouth. Ayaw ko siyang mapahamak,"biglang sabi ni Rehan Nakita ko naman si Zo na zinipper ang bibig niya at nag thumbs up. "Sana all" "Ang swerte ni ate girl" "Okay that's enough students, you may go now and thank you for your cooperation,"agaw ni Dean sa mic at sa atensyon naming mga estudyante "Thank you Dean!" Agad na nagsitayuan ang mga estudyante at lumabas na ng gym. Aalis na rin sana ako kaso biglang hinawakan ni Zo ang palapulsuhan ko. "Bakit?,"tanong ko "Dito muna tayo Leigh, antayin natin sila,"aniya Tumango naman ako at umupo ulit pero nakita ko na sila Gavin na papalapit sa gawi namin. "What the hell you didn't tell me that your cousin is Bianca and your auntie is our Dean,"hampas ni Zo pagkalapit ni Gavin sa amin. "Aray! Sasabihin ko naman e,"sabi ni Gavin "I guess I have to tell tita Gia and tito Ky that you have special someone, Gavin,"singit ni Bianca "Subukan mo, ipapa tulfo kita Bianca Evienne!,"pagbabanta ni Gavin "I'm scared, Gavin Kelle,"ani naman ni Bianca sabay yakap sa sarili Inirapan lang siya ni Gavin at nakipag usap na kay Zo. Something's fishy huh. "Guys may sasabihin pala ako sainyo,"agaw ko sa atensiyon nila Napalingon naman sila pati na rin ang kadadating lang na si Rehan. "Omg are you pregnant?,"malisyosong tanong ni Bianca "Boba wala nga iyang boyfriend tapos mabubuntis?,"pambabara ni Gavin sa pinsan niya Inirapan lang naman siya ni Bianca. Sinenyasan ko silang umupo at ginawa naman nila iyon. Magkatabi si Zo at Gavin pati na rin si Bianca habang si Rehan ay naka hiwalay sakanila at naka krus ang kamay. "Sasabihin ko sainyo ito kasi mga kaibigan ko kayo at malaki ang tiwala ko sainyo,"panimula ko. "I am not my parents daughter,"pag amin ko at yumuko. "What? Is that why they're treating you bad?,"biglang tanong ni Rehan "Siguro, pero si daddy minahal ako non hindi katulad ni mommy na kahit kaunting pagmamahal ay hindi ko naramdaman,"ani ko Napatayo naman si Zo at tinakpan ang bibig. "Shoot! Leigh! So there's a possibility- "Zo malay mo kaibigan nila ang biological parents ko diba?,"tanong ko "Ano yon?,"singit ni Gavin na napatayo na rin "Gavin,"tawag ni Zo sakaniya at hinawakan ang magkabilang braso bago iharap sakaniya at nakita kong namula si Gavin dahil duon. "Look at Leigh,"utos niya Tiningnan naman ako ni Gavin kahit nalilito pa. "Oh tapos?,"tanong ni Gavin "Bianca and Rehan look at Leigh also,"sabi niya ulit Tumayo iyong dalawa at tiningnan ako. Nakapamulsa naman si Rehan at saka ko lang napansin na naka trousers na pala siya. "Tingnan niyo ng mabuti si Leigh pagkatapos ay ikumpara niyo siya kay Dean,"dagdag ni Zo Kumunot naman ang noo ko dahil duon. "Kay tita?,"nagtatakang tanong ni Gavin. "Omyghad! Same kayo ng hair color pati na lips at ilong niyo,"dagdag ni Gavin Maka omy ghad naman 'to! Parang bakla. "You and Tito! You have the same eyes it's monolid!,"dagdag ni Bianca "Could it be that they're your biological- "Rehan malay mo kaibigan nila ang biological parents ko at pinaglihi ako sakanila,"putol ko sa sinasabi ni Rehan "Girl maybe tama kami pero kailangan pa naming makasiguro,"singit ni Bianca Well, if they're my biological parents then I would love to be their daughter... I wish that they're my biological parents...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD