Chapter 6
Ilang oras din bago kami makarating ng bahay ni Tito Ivan. Pagkarating naman namin sa bahay ay inaya na ni Tito si Rehan na mag dinner duon, tumanggi si Rehan pero napapayag din ni Tito.
"Rehan your mom is a Therapist right? And your Dad is a Psychologist?,"tanong ni Tito Ivan habang kumakain kami.
Binaba ni Rehan ang kutsara at tinidor tapos nagpunas ng labi niya gamit ang table napkin bago sumagot.
"Yes Prof,"sagot niya
Agad namang tumingin si Tito Ivan sa akin. Luh wala akong kasalanan ha.
"Leigh do you want to have a therapy sessions? We can ask Rehan's mom,"tanong ni Tito Ivan sa akin. "But if you're not ready huwag muna,"dagdag niya pa
Ayaw ko sana pero para sa akin din naman iyon.
"It's okay Tito, para sa akin din naman iyon,"sagot ko
"Okay then, Rehan kailan ba maluwag ang schedule ng mommy mo?,"tanong niya kay Rehan
"Every Saturday Prof., pero pwede ko naman siyang kausapin kung sakaling hindi pwede si Leigh every Saturday or busy siya ganon,"aniya
"Ako na lang ang kakausap sa mommy mo, madami ka na rin namang nagawa para kay Leigh,"sabi ni Tito. "But is it okay for you na ikaw na lang ang maghahatid sundo kay Leigh?,"tanong ni Tito
Shuta baka mapagtripan ako!
"No problem Prof,"sagot niya naman
The heck? Buti na lang ay tapos na kaming kumain at uuwi na rin siya.
"Thank you again Prof, I'll go now,"pagpapasalamat niya kay Tito at tumingin rin sa akin kaya naman nginitian ko siya. "I'll ask mom if Leigh can start her therapy session next Saturday,"dagdag niya pa
"Thank you Rehan,"sabi ni Tito
"No worries Sir, una na po ako,"aniya at ngumiti.
Lumabas na rin sila at hinatid ni Tito si Rehan sa may gate.
"Leigh are you sure you want to have therapy session?,"tanong ni Tito pagkapasok
"Opo at saka para sa akin rin naman iyon Tito,"ani ko
"O sige matulog ka na para makapag pahinga ka pa,"aniya
"Good night Tito,"sabi ko
"Good night Leigh,"aniya
Ngumiti lang ako at umakyat na papuntang kwarto. Pagkapasok ko hindi ko alam kung bakit napapangiti ako. Delikado ka na ata Leigh.
Umupo ako sa kama ko at akmang kukunin ang remote ng tv sa bedside table nang biglang tumunog ang cellphone ko.
rhnlzrsdms sent you a follow request
Iyon ang nakalagay sa notification ng ig ko. Naka private lang naman ang ig account ko kasi di naman ako masyado into social media.
yahairalv, 5k followers, 0 following, No storm, not even the one in your life, can last forever. The storm is just passing over. -Iyanla Vanzant
Iyon lang naman ang profile ko hindi ko din alam kung bakit umabot ng 5k iyong in-accept kong follow request.
In-accept ko muna yun at in-unprivate ko na ang account ko pagkatapos ay sunod sunod na ang notifications.
*gcorpuz follows you
*valeriendrs follows you
*buenaventuraevienne follows you
Syempre dahil mabait ako finallow back ko silang lahat.
yahairalv, 6k followers, 4 following, No storm, not even the one in your life, can last forever. The storm is just passing over. -Iyanla Vanzant
Grabe from 5k to 6k followers! Baka naman mga fan girls ni Rehan ang nadagdag shuta. Kapag ako talaga pinag tripan niyo isusumbong ko talaga kayo kay Rehan para siya na kumausap sa inyo arghh!
Nagpalit na din ako ng picture ko sa ig at may mga nag comment at like naman agad.
gcorpuz commented on your photo.
valeriendrs also commented on your photo.
buenaventuraevienne liked your photo.
buenaventuraevienne commented on your photo.
Iyan lang naman ang mga notifications. Tiningnan ko naman ang mga comments nila at napangiti ako dahil duon.
gcorpuz: baka leigh namin yan, ang ganda mo leigh?
valeriendrs: that's our girl! Love you!❤️?
buenaventuraevienne: ily bb!?
Ang cute nilang tingnan, nag notif naman yung reply ni Gavin sa comment si Zo.
gcorpuz replied on valeriendrs comment...
gcorpuz: ako, hindi mo love??
valeriendrs replied to gcorpuz...
valeriendrs: no, because i hate you?
Nag i-scroll pa ako sa comment section dahil may mga pumuri naman iyong ibang kaibigan ni Kuya at ibang schoolmates namin. Nanlaki ang mga mata ko nang mag comment yung rehanloversofficial.
rehanloversofficial: paki ingatan na lang si rhnlzrsdms para sa amin yahairalv
What the? Ni wala nga kaming something!
rhnlzrsdms liked your photo.
rhnlzrsdms commented on your photo.
Agad kong tiningnan iyon ng mag notif sa akin.
rhnlzrsdms: you look pretty.
After I read his comment I suddenly felt butterflies in my stomach...
Delikado ka na Leigh...
Mas dumami naman ang notifications ko dahil duon, mga reply ng mga kaibigan namin at nakita ko pang dumami yung likes ng picture ko tapos andami ring likes ng comments ni Rehan!
buenaventuraevienne replied to rhnlzrsdms' comment.
valeriendrs also replied to rhnlzrsdms' comment.
gcorpuz added a comment.
Tiningnan ko agad iyon.
buenaventuraevienne: ehem sana all
valeriendrs: mapaghahalataan ka na rhnlzrsdms
gcorpuz: sa wakas pinatunog na rin ang baso!
Mga siraulo! Hayop.
Ie-exit ko na sana ang ig ko pero may notifications ulit.
*adamsrn follows you
*yaronlincolnb follows you
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa ko! Seryoso yung anak ni Dean finallow ako?
Juice colored ka-stress naman ng aking life baka awayin ako ng mga fan girls nila huhu. Ang galing kung kailan binabalak kong matulog tsaka may mag memessage.
valeriendrs: hey leigh! Matutulog ka na ba?
Oh si Zo pala iyon replayan ko muna.
yahairalv: hi Zo! Uh oo sana pero kung may sasabihin ka mamaya na lang ako matutulog.
valeriendrs: oh okay! I just want to ask you if you're available tomorrow?
yahairalv: hindi naman, bakit?
valeriendrs: great! I'll pick you up tomorrow at 8 am. Good night Leigh:)
yahairalv: okay, good night din❤️
Seen...
At ano namang gagawin namin bukas? Hays bahala na makatulog na nga.
*Yawn*
Hay sa wakas Sabado na at makakapag pahinga na rin ako. Bumangon na ako at tiningnan ang oras, well maaga pa naman 7am pa lang naman. Inayos ko ang higaan ko at dumiretso sa banyo para maghilamos at maligo na rin.
Mamaya kasi ay susunduin ako ni Zo, ewan ko ba duon kung bakit biglang nag aya. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Nag black shirt lang ako at trousers tapos nag shoes na rin. Kinuha ko na rin ang bag ko at bumaba na.
Pagkababa ko nakita ko na si Tito Ivan sa dining area.
"Good morning Tito," bati ko
"Oh ang aga mo ata Leigh, Sabado naman ngayon,"aniya. "May pupuntahan ka ba?,"tanong niya
Umupo muna ako at kumuha na rin ng garlic rice at bacon.
"Opo Tito, susunduin daw ako ni Zoanne hindi ko rin po alam kung saan kami pupunta,"ani ko
Sumubo na ako ng garlic rice at bacon tapos biglang naglagay si Ate Marie ng juice sa baso ko, nag thank you naman ako at sumalo na rin sila sa amin.
"Oo nga pala Leigh, next week may event sa school anong sasalihan mo?,"tanong ni Tito
"Uh siguro po sa singing contest na lang ako,"ani ko at saktong natapos na rin akong kumain
"Oh sige, kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi sa akin,"aniya. "Mauna na pala ako pupunta pa ako sa bahay ng mga Adams para kausapin ang mommy ni Rehan tungkol sa schedule mo,"aniya ulit
Tumango naman ako pero bago pa man siya makaalis ay may tinanong pa ako.
"Tito anong oras pala curfew ko?,"tanong ko
"Ikaw na bahala Leigh, basta mag iingat ka,"aniya at nakangiti pa
Weh? Totoo ba ito? Sa bahay kasi dapat 5pm ay nakauwi na ako.
"Thank you Tito!,"masayang sabi ko at tinanguan niya lang ako bago umalis.
Aakyat na sana ako nang may narinig akong bumusina.
"Ate Marie ako na po!,"sigaw ko nang mapansing lalabas siya
"O siya sige,"aniya at nginitian ko naman siya
Pagkarating ko sa may pintuan at binuksan iyon napansin ko agad iyong sasakyan dahil makikita naman agad ito dahil sa gate ng bahay.
Isang Lexus is350 f sport na kulay white. Hanep yayamanin.
Lumabas na ako at dumiretso sa gate at binuksan iyon.
"Leigh! Good morning!,"bati ni Zo na kalalabas lang ng sasakyan.
Naka shirt at high waisted pants lang naman siya tapos white sneakers at sling bag na Gucci.
"Good morning din, pasok ka muna may kukunin lang ako sa kwarto,"ani ko
"Good morning Leigh,"bati rin ng kung sino
Nang humarap ako ulit dun sa sasakyan nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Omg! Si Gavin! Magkasama sila ni Zo. Oemjiiii!!!!!
Naka white sweatshirt siya tapos gray pants at white shoes. Hawak niya naman sa kabilang kamay niya iyong cellphone niya tapos sa isa niya pang kamay ay ang susi ng kotse.
"Gavin?,"naguguluhang tanong ko. "Teka nga, Zo hindi mo sinabi sa akin na kasama pala si Gavin at kanino iyang sasakyan?,"
Nakita kong umiwas ng tingin si Zo kaya naman tiningnan ko na lang si Gavin.
"Bigla kasing nag aya iyan Leigh hindi ko naman alam na pati pala ako kasama malay ko bang dito ang punta namin,"pagpapaliwanag ni Gavin. "At sa akin iyang sasakyan sinundo ko lang si Val sa bahay nila,"
Naguguluhan man pero tumango na lang ako at pinapasok muna sa gate, syempre mauna sa gate bago sa bahay.
Pero bago pa man kami makatungtong sa may pintuan bigla na lang may bumusina. Pagkalingon namin bumungad ang isang BMW M4 na kulay black. At kanino naman iyan?
Nang lumabas kung sino iyong may-ari biglang nagsalita si Zo.
"Finally! You're here Mr. Adams akala ko ay hindi ka na pupunta,"aniya at lumapit sa gate para buksan iyon
Nagkatinginan naman kami ni Gavin at parehong naguguluhan.
"Hey, good morning guys,"bati ni Rehan nang makapasok sa gate
"Bro! Hindi mo sinabi na pupunta ka dito,"bungad ni Gavin sakaniya
"I didn't know that you're here,"aniya. "Zo messaged me last night na pumunta daw ako dito ngayon hindi niya naman sinabi ang dahilan,"
Tumingin agad kaming tatlo kay Zo na naka tingin sa labas at kunyaring hindi kami naririnig.
"Zo ano may dadating pa ba?,"tanong ko. "Kasi kung wala na papasok na ako at kukunin iyong bag ko,"
"Ah wala na hehe,"aniya
Tumango ako at pumasok na sa loob ng bahay at dumiretso pataas para kunin ang bag ko.
Nahiya bigla yung outfit ni Gavin sa outfit ni Rehan juice ko!
Naka long sleeves kasi siyang navy blue at nakatupi iyon hanggang sa braso niya at naka tuck in din iyon sa pants niyang kulay white at may belt din. Habang naka wingtip oxford na sapatos. Hanep kulang na lang ay pumunta siya ng business meeting.
Pagkatapos kong kunin iyong bag ko ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba na. Naabutan ko pang naglilinis ng salas sila Ate Emy at Ate Marie.
"Mga ate mauna na po kami," pagpapaalam ko
"O sige mag iingat kayo,"ani Ate Emy at ngumiti, ganoon din ako sakaniya.
Lumabas na ako ng bahay at naabutan ko yung tatlong naka abang na sa labas ng gate.
"Saan pala tayo pupunta?,"tanong ko nang makalabas ako ng gate at makapunta sa pwesto nila.
"We're going to Cavite, Leigh,"sagot ni Zo
Nanlaki ang mga mata ko sa naging sagot niya. Cavite?! So dalawang oras ang biyahe namin?!
"Don't worry Leigh, sinabi ko naman kay Prof na duon tayo pupunta,"dagdag pa ni Zo
Nakahinga naman ako ng maluwag duon pero as in sa Cavite? Seryoso ba siya? Baka abutin kami ng gabi duon.
"Ano tutunganga lang kayo diyan?,"tanong ni Gavin. "Halina kayo, Zo sa akin ka na sumabay at ikaw naman Leigh kay Rehan ka sumabay,"
Gusto mo lang masolo yang best friend ko Gavin e.
Tumango na lang kaming lahat at nagsisakayan na sa kotse.
Naunang umalis sila Zo kaysa sa amin ni Rehan.
Tahimik lang kami ni Rehan buong biyahe nang bigla siyang magsalita.
"Are you hungry?,"tanong niya
"Uh hindi pa naman, ikaw baka gutom ka na okay lang naman kung gusto mong mag drive thru,"sagot ko
"Okay then, we're going to Jollibee,"aniya. "Drive thru it is, so what's yours?,"tanong niya ulit.
"Hmmm large fries, sundae at coke lang,"sagot ko
Lang? Grabe Leigh sana dinagdagan mo pa nahiya ka pa ata.
Pagkasabi ko nun saktong nasa isang drive thru na kami. Ang bilis naman netong magmaneho.
Sinabi niya lang ang orders namin dun sa babae. In fairness sakaniya burger at coke lang.
Pagkatapos ay umusad na ulit kami at nakarating na duon sa pagkukuhanan ng orders. Agad naman niyang kinuha iyon. Chill syempre naka bayad na yan.
"Here,"aniya at inabot yung sakin.
Kinuha ko naman iyon at nag thank you sakaniya. Mga 1hr and 30 minutes pa bago kami makarating ng Cavite kaya naman kumain muna ako. Ang isa niyang kamay ay naka hawak sa manibela ng sasakyan tapos iyong isang kamay niya naman ay hawak iyong burger ay kumagat na rin siya.
Napansin kong nahihirapan siyang kunin yung coke niya kaya naman kinuha ko na lang at inabot sakaniya. Gulat na napatingin pa siya sakin.
"Thanks,"sabi niya nang maiabot ko yung coke niya
Nginitian ko na lang siya at kumain na ulit ng fries. Kung minamalas nga naman oo, ngayon pa ako naubusan ng ketchup at dahil may naisip na naman ako. Isasawsaw ko na lang yung fries sa sundae sana lang ay hindi niya mapansin ang gagawin ko.
Aminin niyo ginagawa niyo rin yan, yung isawsaw yung fries sa sundae.
At iyon na nga kamalas malas naman nakita niya pa ata ako kaya narinig ko yung mahinang tawa niya.
"Ginagawa mo pala yan?,"natatawang tanong niya
Goodness! Nakakahiya kung bakit ko ba naisip iyon? Pero hindi lang naman ako ang ganoon e, kaya okay lang iyon.
"Uh e, oo,"naiilang sagot ko
Narinig ko ulit ang pagtawa niya kaya naman kinurot ko na yung braso niya.
"Ouch!,"aniya. "I'm not laughing because you dipped your french fries in your sundae, I just remembered my cousin,"
"Malay ko ba, kung makatawa ka kasi riyan,"inis na sabi ko
"You're like my cousin, Riana,"aniya ulit
"Pinsan mo sa? Father's side or sa mother's side?,"tanong ko
"Father's side,"sagot niya. "She already followed you on IG,"sabi nya pa
Kumunot naman ang noo ko dahil duon.
"It's adamsrn,"sabi pa niya
Woah! Teka lang! So pinsan niya pala yon?!
Tinanguan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain ng fries at sundae.
Pagkatapos kong kumain ay hindi ko na mapigilan ang antok ko kaya naman natulog na lang ako.
"Leigh,"ani nung kung sino kaya naman nagising ako.
Paanong hindi magigising niyugyog pa ako!
Minulat ko ang mga mata ko at ang bumungad sa akin ay ang mukha ni Zo.
"Hmm? Andito na ba tayo?,"inaantok kong tanong
"Yes Leigh, andito na tayo,"sagot niya
Umayos ako ng upo at kinuha ang cellphone ko para tingnan ang oras. 10:30 am na?!
"Nasaang parte tayo?,"tanong ko kay Zo
"We're in Tagaytay,"sagot naman niya
Tumango na lang ako at lumabas na ng kotse.
Teka, Tagaytay?! Weh? Di nga?
Dahil hindi ako makapaniwala tumingin tingin ako sa paligid at nasa Tagaytay nga kami!
Oemji! We're here at Tagaytay Twin Lakes Shopping Village!
"We're going to Silang later,"basag ni Gavin sa katahimikan
Huh? Saan naman duon?
"Sa Acienda Outlet Mall,"dagdag pa ni Gavin
Tumango na lang ako at tumingin tingin ulit sa paligid nang mapansin kong kulang kami.
"Gavin asan pala si-
"Yiii hinahanap niya," pang aasar niya sakin
"Stupid! Malamang tatanungin niya kung asan si Rehan dahil sakaniya siya sumabay,"
"Sorry naman Zo,"ani Gavin
Ay under naman pala.
"May binili lang, Leigh,"sagot ni Gavin
"Ah okay,"sabi ko na lang
Dahil naboboring na ako naglakad lakad muna ako nang may nakita akong dalawang bata.
Isang lalaki at isang babae, mukha namang hindi sila mag kamag anak pero syempre baka akala ko lang. Sobrang lapit nila sa isa't-isa na para bang magkapatid sila.
"Nicole halika na anak, uuwi na tayo magpaalam ka na kay Angelo," rinig kong sabi nung babae
Tumingin naman ako sa pwesto nila.
"Babye Angelo! We'll see each other again soon," ani nung Nicole
Ang cute niya kumaway pa siya dun sa Angelo. Naalala ko tuloy si Kuya Bryle kasi noong panahong may pasok siya tapos ako nasa bahay lang dahil hindi pa ako pumapasok non, ganiyan din ako sakaniya.
"Bye Nicole, huwag mo akong kakalimutan ha? Babalik din ako,"sabi naman nung Angelo at kumaway din.
"Nako ang babata niyo pa ha, mag aral muna kayo ng mabuti,"sabi nung ginang.
Tumawa lang naman yung dalawang bata. So I guess they're not related to each other.
Kumaway pang muli yung dalawang bata sa isa't-isa at umalis na yung Angelo kasama ang mama niya.
Angelo sana nga bumalik ka ha? Huwag mong hayaang umasa si Nicole na babalik ka. Kung hindi ka man babalik pang muli maaari ka namang sumulat at ipadala sakaniya.
"Hey, are you okay?,"
"Ay puta!,"sigaw ko at napahawak sa dibdib ko nang biglang may magsalita
Pagkalingon ko ay si Rehan lang pala. Tangna nang gulat pa.
"Kabute ka ba? Bigla bigla ka na lang sumusulpot,"ani ko
"No, I'm not,"natatawang sagot niya. "Nakita kasi kitang mag isa dito nang makabalik ako,"aniya
"Asan pala sila Zo at Gavin?,"tanong ko
"I don't know, when I got back here they're not here,"sagot nya at nagkibit balikat.
Tumango na lang ako at dahil nangangalay na ako umupo na lang ako sa damuhan. Nagulat ako kasi umupo rin siya, don't get me wrong ha? Malay ko bang uupo rin yun baka kasi madumihan yung damit nya but I guess hindi naman siya maarte.
"Here,"abot nya sa akin nung pagkain.
Kinuha ko naman yon kahit di pa naman ako nagugutom. Duhz libre yon e, alangan namang tanggihan ko pa diba?
"Anong oras pala tayo pupunta sa Silang?,"basag ko sa katahimikan
"Ahmm I guess 1pm?,"patanong na sagot niya
"Mas maganda kaya duon kapag gabi, baka pwedeng may puntahan muna tayo bago duon?,"tanong ko
"Well, I'll ask Gavin and Zo,"sagot nya
Teka nga, sinabi kong mas maganda pumunta duon kapag gabi. So mga anong oras kaya ako makakauwi? Baka pag tingin ko sa gate mamaya andun na mga gamit ko!
"Don't worry, your uncle knows that we're going there,"biglang sabi niya
Napatingin naman ako sakaniya, grabe nahalata niya siguro na ang lalim ng iniisip ko!
"Hoy! Kayong dalawa bat nagsosolo kayo?,"sigaw ni Gavin
Sure naman akong siya yon e, anlakas kaya ng boses niya.
"Anong nag sosolo? My ghad Gavin! If you say nagsosolo dapat magkahiwalay sila,"singit ni Zo. "Tingnan mo nga magkasama sila so hindi sila nagsosolo,"turo nya pa sa amin
"Ay! Oo nga ano?,"
"You're not thinking kasi,"singhal ni Zo at umupo sa tabi ko
"Grabe ka naman Zoanne Valerie,"sabi ni Gavin at may pa hawak pa sa dibdib nya
Inirapan lang siya ni Zo kaya naman natawa ako.