Chapter 7
Umalis na rin kami nung makabalik sila Zo at Gavin. Tinanong ko pa kung saan sila galing kaso ayaw nilang sabihin e, so inisip ko na lang na baka nag date sila kaso syempre don't judge the book by it's cover so baka bumili lang sila.
Mga 12 kami umalis sa Tagaytay at dahil sinabi ko nga kanina na mas magandang pumunta sa Acienda Outlet Mall kapag gabi napag desisyonan namin na pumunta munang Amadeo.
14 mins lang ang biyahe bago makarating duon pero medyo traffic kaya inabot kami ng 30 mins bago makarating duon.
Namasyal lang muna kami duon sa mga park at kung saan saan pa pero ang Tourist Spot talaga duon ay sa Balite Falls.
Gusto ko pa sanang pumunta duon kaso wala kaming ekstrang damit kaya sa susunod na lang daw. Inabot din kami ng ilang oras sa Amadeo dahil kumain na rin kami duon bale dalawang kainan ang pinuntahan namin. Bumili din sila Zo ng kape dahil nga Coffee Capital ang Amadeo.
Hindi na ako bumili ng kape dahil alam kong madami pang stock si Tito Ivan ng kape duon sa bahay. Pumunta din kami kanina sa Coffee Farm dito.
May sasabihin sana ako dahil ang tahimik namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko naman agad iyon at bumungad sa akin ang text ni Tito Ivan.
Kabado trenta ako!
..............................MESSAGE.............................
From: Tito Ivan
Leigh, anong oras kayo uuwi?
Omyghad!
To: Tito Ivan
Hindi ko po alam tito. Pero itetext ko na lang po kayo kapag pauwi na kami. May problema po ba? Pwede ko naman po silang sabihan na umuwi na kami.
From: Tito Ivan
Wala namang problema, Leigh. Andito kasi ang mommy at daddy mo tsaka si Tita Aria mo, alam ko namang miss mo na siya at miss ka na rin niya.
From: Tito Ivan
Sinabihan ko naman silang umalis ka pero mag iintay na lang daw sila lalo na ang Tita Aria mo.
Oemji! Titaaaaa!!! Ay ako ba talaga ang pinunta o baka naman si Tito? Nako kung bakit ba kasi sila naghiwalay, sana mag comeback sila hihi.
To: Tito Ivan
Ah sige po Tito, mag tetext na lang po ako kapag pauwi na kami. Paki sabi na lang po kay Tita Aria na antayin niya ako hehe:)
From: Tito Ivan
Sige, mag iingat kayo ha? Aantayin ka daw niya.
..............................MESSAGE................................
"Leigh hinahanap ka na ba?,"tanong ni Zo nang mailagay ko sa bag ko yung cellphone ko
"Hindi pa naman, tinatanong lang ni Tito kung anong oras daw ba tayo uuwi andun kasi sila mommy at daddy tsaka si Tita Aria,"sagot ko
"Tita?,"tanong nya ulit
"Ex ni Tito Ivan,"natatawang sabi ko
"Woah! Akala ko ay relative mo,"aniya
Natawa na lang ako dahil duon, andami sigurong nag aakalang wala pang naging girlfriend ang tito ko.
"Tara na, 21 mins lang biyahe natin papunta sa Acienda Outlet Mall. 6pm na, ilang oras na din tayong andito sa Amadeo at para masamahan na rin natin si Leigh duon sa bahay nila baka may gawin yung mommy niya sakaniya,"singit ni Gavin
"Right, we should go now,"pag sang ayon ni Zo. "Sobra ka naman sa mommy ni Leigh, malay mo kaya pumunta duon para humingi ng tawad,"
Siguro nga pero matagal ko naman nang napatawad si mommy.
"Pasensya na, kaibigan kasi natin si Leigh syempre kailangan andun din tayo para kung may mangyaring hindi maganda may masasandalan siya,"sabi naman ni Gavin
"Thank you, Gavin,"sabi ko na lang
"Ano ka ba? Wala iyon Leigh, kaibigan ka namin no, dapat lang na nanjan kami para sayo lagi,"aniya
"Hay nako, huwag niyong sanayin ang mga sarili niyo na andito kayo para sakin lagi dahil 4th year na tayo at malapit na tayong magkaroon ng kaniya-kaniyang trabaho,"pagpapa-alala ko
Ngumiti lang sila at sumenyas na umalis na kami. Kaso biglang nag away yung dalawa kaya imbes na umalis na kami ay nanatili pa ulit kami.
6:30 na ho pero sige away mag asawa iyon e, hayaan na muna.
"You two, stop fighting and let's go,"pigil ni Rehan dun sa dalawa at napatigil na nga sila.
Umirap pa muna si Zo kay Gavin bago pumunta sa sasakyan ni Gavin at padabog na pumasok sa loob.
"Let's go, baka matraffic pa tayo pabalik ng Manila,"aya ni Rehan sakin.
Pagkapasok sa sasakyan naboring naman ako kaya sinusulyapan ko tong nagmamaneho.
Huwag kayong ano, gusto ko kasi sanang magpatugtog kaso walang lumalabas na salita sa bibig ko. Kaya naman tumingin na lang ako sa kalsada.
"Kanina ka pa tumitingin sa akin, akin na yang cellphone mo ikokonek ko,"basag ni Rehan sa katahimikan kaya gulat akong napatingin sakaniya.
Halla! Ganoon na ba ako kahalata?
Inilabas ko naman ang cellphone ko sa bag ko at nahihiyang inabot sakaniya. Pagka konek niya ay inabot niya naman agad sa akin.
Hmmm ano kayang papatugtugin ko? Alam ko na! "Start of Something Right by Jordyn Kane" sobrang ganda nung kantang iyon tsaka nakaka relax din.
Pinatugtog ko na yung kanta at sumasabay din ako.
You came in my life in a hot flash of lightning
Tried covering my eyes but there's no use in hiding
This feeling has stuck and I couldn't change it
If I, if I tried
Hay nakaka relax talaga.
My heart skips a beat when you walk in the room
I feel something changing when it's me and you
I can't hold it in though it's only begun
Wanna scream from the top of my lungs
Eto na ang chorus sasabayan ko na!
"This is the start of something so right
Suddenly all of the stars have aligned
In the right place at the right time
This is the start of something so right
Oh-oh-oh-oh
This is the start of something so right
Oh-oh-oh-oh
This is the start of something so right"
Habang sinasabayan ko yung kanta napatingin ako kay Rehan na nakatingin pala sa akin, nagulat siguro siya kaya napatingin sa akin. Nung mapansin niyang tumingin ako sakaniya ay iniwas nya agad yung tingin nya sakin.
Problema neto?
This feeling's so strong I reach out for safety
But I swallow my fear and just let it take me
It carries me far but it always leads right back to you, to you
"My heart skips a beat when you walk in the room
I feel something changing when it's me and you
I can't hold it in though it's only begun
Wanna scream from the top of my lungs" pagsabay ko ulit sa kanta.
This is the start of something so right
Suddenly all of the stars have aligned
In the right place at the right time
This is the start of something so right
Oh-oh-oh-oh
This is the start of something so right
Oh-oh-oh-oh
This is the start of something so right
Pagkatapos nung kanta ay tumigil na rin yung sasakyan. Teka, nung nagpatugtog kaya ako malapit na kami dito sa Acienda Outlet Mall? Juice ko! Hindi man lang sinabi nitong kasama ko para sana mamayang uuwi na lang ako nagpatugtog.
"We're here,"
"Okay, asan sila?,"tanong ko
"I don't know, wala pa dito yung sasakyan ni Gavin ang sabi nya dito daw na parte ako magparada ng sasakyan,"sagot niya
Asan naman kaya yung dalawa? Hays bahala na mauuna na lang siguro kami ni Rehan.
"Mauna na lang tayo sa loob,"sabi ko
"Okay, mauna ka nang lumabas aayusin ko lang 'to,"aniya
Lumabas na lang ako ng sasakyan dahil naboboring na din ako. Habang nililibot ko ang tingin ko sakto namang lumabas na rin si Rehan.
"Leigh, nauna na sila nag text si Gavin sa akin,"sabi niya. Ha? Ang sama naman nila juice ko! "Let's go,"pag aaya niya sakin.
Naglakad na kami papasok duon at hinahanap ng mga mata ko yung dalawa at nakita ko sila duon sa bilihan ng mga tsinelas.
"Zoanne!,"sigaw ko at kumaway kaway pa
Nakita niya naman agad ako kaya iniwan niya si Gavin duon na nagbabayad. Ay iniwan agad? Kawawa naman tong si Gavin.
"Leigh!,"sigaw niya rin at kumaway
"Ang daya niyo ha! Di mo ako tinext na nauna na pala kayo,"sabi ko at pinagkrus ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko.
"E sabi kasi ni Gavin nauna na raw kayo dito,"sisi niya kay Gavin.
"Hey, I didn't say that,"depensa ni Gavin sa sarili niya nang makarating kung nasaan kami
"Duhz you told me earlier na nauna na sila,"turo ni Zo samin ni Rehan.
"Ang sabi ko wala pa-
"Stop it, you two! Let's just enjoy so Leigh can go home before 9pm,"singit ni Rehan.
Sumunod naman iyong dalawa at tumabi sa akin si Zo dahil ayaw niya daw katabi si Gavin.
Nag picture kaming lahat kung saan saan at pinost din iyon ni Zo. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang tinitingnan ang mga istraktura.
*Ivan's POV*
Pagka-galing ko sa bahay ng mga Adams nakita kong may dalawang sasakyan sa harapan ng bahay ko at sigurado akong hindi iyon kila Rehan at Gavin.
Isang Nissan Navara Calibre at isang Chevrolet Camaro. Kilala ko kung kanino ang Nissan Navara Calibre pero iyong Chevrolet Camaro ay hindi.
At ano namang ginagawa nila Iraya dito? Gusto na ba niyang kunin si Leigh sa akin? Pwes hindi ko siya ibibigay mas maganda nang nasa puder ko ang pamangkin ko kahit pa hindi ko talaga siya pamangkin kesa naman nasa puder siya ni Iraya. Alam kong may pakealam si Ian kay Leigh, pero si Iraya? Hmm hindi na ako aasang magkakaroon siya ng pakealam kay Leigh.
Kung hihingi man siya ng tawad paniguradong napilitan lang siya.
Bumusina na lang ako at nakita ko namang lumabas ng side door si Ate Emy at pinagbuksan ako ng gate papuntang garahe.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay bumungad sa akin ang kinakabahang mukha nila Ate Emy at Ate Marie. Hindi naman ako magagalit sakanila.
"Ivan, andiyan ang kapatid mo wala naman kaming magawa ng Ate Emy mo dahil nag pupumilit siya at andiyan din si Aria,"kinakabahang sabi niya
Aria? Aria Mendez? Iyong ex ko?! Bakit siya andito?! Alam ko namang nakipag hiwalay siya sa akin dahil kailangan niyang pumunta ng Hong Kong dahil may sakit ang Ama niya. Anim na taon na rin nung umalis siya at ngayon ay andito na ulit siya.
Aaminin ko may konting galit ako sakaniya nung una dahil iniwan niya ako nang walang pasabi pero nung sinabi sa akin ng Ina niya na kaya siya umalis ay dahil sa may sakit ang kaniyang Ama at hindi niya na nagawang makapag paalam sa akin.
"Ivan, sorry-
"Ate Marie okay lang ho, pumasok na lang po tayo tsaka pwede po bang magluto kayo ng Menudo?,"ani ko
Sumilay naman ang mapang asar na ngiti ni Ate Emy.
"Ikaw Ivan ha, para kay Aria iyon ano?,"pang aasar niya pa. "Nako huwag kang mag alala wala naman daw siyang boyfriend, sinabi niya sa amin ni Marie kanina,"aniya pa
Napangiti naman ako sa narinig ko.
"Yiii ikaw Ivan ha, nako gumalaw galaw ka rin! Oh siya at mag luluto pa kami ni Marie, asikasuhin mo na sila,"pang aasar pa niya
Tinaasan ko lang sila ng kilay ngunit tumawa lang sila at pumasok na sa bahay. Pumasok na rin ako sa bahay pero hindi ako dumaan sa front door kundi sa side door para hindi naman sila ang bumungad sa akin.
Pagka pasok ko biglang bumungad sa akin si Aria na nasa kusina kasama sila Ate Marie, Ate Emy at Ian kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
Hindi na ako makaka iwas dahil dito!
"Kuya,"tawag sa akin ni Ian nang makita niya ako.
Napalingon naman sila Aria sa akin at naiilang na ngumiti ako sakanila. Nakita ko naman ang mapang asar na ngiti nila Ate Marie at Ate Emy. Kahit kailan talaga nako!
"Ian, anong ginagawa niyo rito? Kasama mo ba si Iraya?,"tanong ko
"Nasa living room siya, Kuya,"sagot niya naman. "Gusto ka daw niyang maka usap pero sinamahan ko na lang dahil baka kung anong gawin niya,"
"Sige, magpapalit lang ako ng damit," ani ko
6pm na at wala pa rin si Leigh pero alam ko namang ibabalik siya ni Rehan dito ng ligtas. Naalala ko pa nung umamin siya sa akin na may gusto siya kay Leigh simula 1st year sila.
*Flashback*
Andito kami sa sementeryo dahil napag pasyahan namin ni Leigh na bisitahin ang kuya niya. Anduon na siya sa puntod ng kuya niya habang sila Zoanne at Gavin ay naka upo na rin sa damuhan at kumakain.
"Prof. Marquez, can we talk?,"bungad ni Mr. Adams sa akin
"Sure, Mr. Adams,"sagot ko
Inaya ko na lang siya na bumili dahil may malapit lang naman na bilihan dito ng pagkain baka sakaling magutom si Leigh.
"What is it, Mr. Adams?,"tanong ko habang naglalakad kami papunta sa bilihan
"Prof it's about Leigh,"buntong hininga niya
Mukhang alam ko na ito. Aamin siguro ito na may gusto siya sa pamangkin ko, halata naman kasi torpe lang siya at okay naman siya sa akin dahil nakikita ko naman kung gaano niya bigyang pansin at alagaan ng patago ang pamangkin ko.
"What about her?,"
"Prof.,"he cleared his throat. Kabado one thousand 'to. "I-i like your niece,"aniya at halatang kinakabahan.
Sabi ko na nga ba! Nako huwag kang mag alala okay ka na sa akin Mr. Adams basta huwag mo lang sasaktan ang pamangkin ko.
"Like nga lang ba? O mahal mo na?," pang aasar ko pa at pumasok na sa bilihan ng pagkain.
"S-sir?,"utal na tanong niya kaya naman natawa ako
"Kumuha ka muna ng basket, Mr. Adams," ani ko para mabawasan man lang ang kaba niya.
Kumuha naman agad siya at habang kumukuha ako ng mga pagkain at inumin dumating na siya kaya naman nilagay ko na duon ang mga kinuha ko. Siya na rin ang nag prisintang magbuhat.
"Mr. Adams, alam kong may gusto ka sa pamangkin ko,"ani ko habang papunta kami sa counter. "Wala naman akong sinasabing iba dahil alam ko namang seryoso ka sa pagkakagusto mo sakaniya pero gusto nga ba o mahal mo na?,"tanong ko sakaniya nang makarating kami sa counter.
"Sir, I think I love her,"sagot niya
Napatingin naman yung cashier sa amin kaya sinenyasan ko si Rehan na mamaya na magsalita ulit. Medyo chismosa itong cashier. Kaya naman tumahimik muna siya.
Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na agad kami ng store at siya na rin ang nagbitbit ng pinamili namin.
There's nothing wrong with Mr. Adams, he's a gentleman and a loving person. Nasa kaniya na ang lahat pero syempre para sa akin lang iyon depende pa rin kay Leigh.
"You think you love her?,"tanong ko. "I can say that you really do, hindi mo masabi ng diretso sa akin paano pa kaya sakaniya diba?,"tanong ko ulit habang naglalakad kami pabalik sa sementeryo.
"It's hard to tell, Prof.,"sagot niya naman. Hindi mo naman talaga masasabi kung mahal mo ang isang tao at hindi mo rin masasagot ang tanong na "bakit mahal mo siya?" "But I can prove it to her, and I'm asking your permission Prof. Marquez, if I can court her?,"tanong niya.
Hindi na ako nagulat nang tanungin niya iyon sa akin.
"Rehan, ayos lang sa akin pero hindi dapat ako ang tinatanong mo tungkol diyan kundi si Leigh,"sagot ko. "At dapat ipaalam mo pa rin sa kuya niya kahit kausapin mo lang dahil alam ko namang kung asan man siya ay naririnig ka niya, kailangan mo ring kausapin ang mga magulang ni Leigh. Iyong totoong mga magulang niya dahil alam ko namang walang pakealam si Iraya sakaniya pero magpaalam ka pa rin kay Ian,"
"Yes Prof-
"Hanggang kailan mo ako tatawaging Prof. Marquez? Kung pwede mo naman akong tawaging Tito Ivan, hindi lang ikaw kundi pati na rin sila Gavin at Zoanne,"pigil ko sa sasabihin niya.
"Thank you, Prof- I mean Tito Ivan,"nakangiting sambit niya
"Walang anuman, basta huwag mong sasaktan si Leigh," ani ko. "Umamin ka na rin Rehan baka maunahan ka pa ng iba,"
"Tito? Hindi ako mauunahan ng iba,"proud na sabi niya
Natawa naman ako dahil duon, magandang ganiyan ang sinasabi niya at may tiwala siya sa sarili niya.
"Kahit na, kailangan mo pa rin umamin dahil mahirap na baka maunahan ka o kaya naman ay baka ikaw pa ang maiwan,"ani ko
Napansin kong kumunot ang noo ng batang ito kaya naman nagsalita na lang ulit ako.
"Andito na pala tayo at anduon pa rin si Leigh sa puntod ng kuya niya, ikaw din kausapin mo na ang kuya nya yung hindi makikita ni Leigh,"
"Tito Ivan, did you love someone already?,"tanong niya kaya naman napalingon ako.
"Yes, I already did,"ngumiti ako sakaniya at halatang gusto niya pang magkwento ako. "Her name is Aria Mendez, matagal din kaming naging magkasintahan pero iniwan niya ako ng walang paalam. Pero ayos lang dahil nalaman ko din naman ang dahilan nang pag alis niya dahil sinabi ng Ina niya sa akin,"
"Did you get mad at her?,"
"Of course I did, but when you love someone you're willing to forgive her/him even though they hurt you," I answered. "Kapag mahal mo ang isang tao magagalit ka lang sakaniya, iiwasan mo siya, magtatampo ka pero sa huli kakausapin at kakausapin mo pa rin siya at patatawarin kahit pa gaano kasakit ang ginawa niya sayo o kaya naman kahit anong kasalanan ang nagawa niya sayo,"dugtong ko. "Kahit pa ano ang nakaraan niya, may mali man ay tatanggapin mo pa rin siya dahil iyon ang nagagawa ng pagmamahal,"
Hindi man lang sumagot itong batang 'to, wala atang masabi dahil mukhang hindi niya masyado naintindihan ang sinabi ko.
"Can Leigh forgive her parents?,"
"Of course Rehan, in fact she already forgive them,"sagot ko
"Basta huwag mong sasaktan ang pamangkin ko,"pagpapaalala ko sakaniya
"Yes, Tito,"nakangiting sagot niya
*End of Flashback*
Napangiti na lang ako nang maalala ko ang nangyari noong nasa sementeryo kami. Siguro nga ay mahal na talaga ni Rehan ang pamangkin ko.
Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako ng kwarto ko upang harapin ang kapatid ko at ang ex-girlfriend ko.
Pagkababa ko sa hagdan naabutan ko silang naka upo sa sofa. Ivan, kaya mo ito para kay Leigh.
"Anong pag uusapan natin, Iraya?,"tanong ko nang maka upo na rin ako sa isa pang sofa.