Chapter 8
*Ivan's POV*
"Kuya, it's about Leigh's biological parents,"nakayukong sagot niya
Buti naman at may balak ka pang aminin kung sino ang totoong mga magulang ni Leigh.
"So, who are Leigh's parents?,"nakataas kilay kong tanong.
"K-kuya-
"Just answer me, Iraya! Bago pa ako mawalan ng kontrol sa sarili ko at paalisin ka nang tuluyan dito sa pamamahay ko!,"
"Ivan! You don't talk to your sister that way,"sigaw sakin ni Aria.
How dare she shout at me?!
"Huwag kang mangialam dito, Aria,"inis kong sabi sakaniya. "Now, Iraya answer me!,"
"It's Elaine and Limuel-
"What? The Buenaventura's?!,"
"Kuya, I'm sorry I didn't mean to steal they're daughter,"sabi niya pa. How dare she say sorry? Ganon ganon lang iyon? Si Leigh ang nahihirapan dito. "I just owe Lucy that much-
"Kaya naman kinuha mo sakanila ang anak nila? Iraya Marquez! You're not like that! Hindi lang si Lucy ang best friend mo,"sigaw ko sakaniya habang may nagbabadyang mga luha na tumulo sa mga mata ko. "She's not even a true friend to you-
"I know that, Kuya!,"sigaw niya sakin
"Alam mo naman pala e, bakit ginawa mo pa?,"tanong ko sakaniya. "Beatriz and Elaine are your true friends but then, you betrayed Elaine!,"
"I had no choice, Kuya!,"sigaw nya pa ulit. "Kapag hindi ko ginawa iyong gusto ni Lucy, sila Elaine at Riz naman ang mapapahamak!,"mangiyak ngiyak na sagot niya
"What?! Explain now!,"
"She threatened me! Ang sabi niya gagawan niya ako ng scandal at ipopost iyon sa social media, masisira ang image ko hindi lang ang image ko kundi ang image ng pamilya natin, Kuya!," eksplanasyon niya. What?! For fck's sake, Ivan! You're not a good brother! "Sisiraan niya din ako kay Ian dahil matagal na niyang gusto si Ian at gagawin niya ang lahat para masira kaming dalawa,"
"You know that Ian will not believe Lucy, right?,"
"I know that, Kuya! Ang iniisip ko lang ay ang image ng pamilya natin!,"
"Iraya, I'm sorry I didn't know,"paghingi ko ng tawad
"It's fine, I already forgive you, Kuya,"nakangiting sambit niya. "But I don't know if Elaine and Limuel will forgive me,"
"They will, Iraya,"ani Ian at hinawakan ang kamay ng kapatid ko
"Kuya paano natin sasabihin kay Leigh?,"tanong ni Iraya habang umiiyak pa rin
I don't know...
"And will she forgive me too?,"
"Iraya, your daughter already forgave you,"nakangiting sagot ko
"So, Leigh's real parents are the Buenaventura's?,"singit ni Aria sa usapan. "Well, she'll be the heir of their company, businesses and the other Mansion,"
Sobrang yaman ng mga Buenaventura dahil sa negosyo nila, limang hotel na ang naipatayo nila sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas at lahat yon ay 5-star hotel. Ang kompanya naman nila ang nag susuplay sa ibang bansa ang Buenaventura Company at Corpuz Company. At ang Mansion naman na tinutukoy ni Aria ay ang Mansion ng mga Corpuz at Buenaventura.
Naipamana na sa panganay nila ang Mansion ng mga Buenaventura kaya't kay Leigh mapupunta ang Mansion ng mga Corpuz. 25 years old na ang panganay nilang si Yaron at naipamana na rin sakaniya ang Buenaventura Company at ang dalawang hotel nila kung kaya't siya na ang namamahala ng mga ito. Kay Leigh naman maipapamana ang Corpuz Company at ang dalawa pang hotel kapag nalaman na nilang siya ang nawawala nilang anak.
Kay Elaine ipinamana lahat ng ari-arian nila dahil hindi ito tinanggap ng dalawa niyang kapatid na sina Beatriz at Kyron, dahil ibang negosyo ang gusto nila. Sa ngayon ang negosyo ni Beatriz ay isang Boutique at si Kyron naman ay nakapag patayo ng isa pang Airlines.
Sa pamilya Buenaventura naman hindi rin tinanggap ni Emmanuel ang pamana ng kanilang mga magulang kaya naman ipinaubaya niya ito kay Limuel dahil ang nais ni Emmanuel ay maging Engineer at hindi naman siya nabigo kaya naman isa na siyang Engineer ngayon at nakapag patayo na rin ng ilan pang branch ng Boutique ng kaniyang asawa na si Beatriz.
"Ako na ang bahalang magsabi kay Leigh,"basag ko sa katahimikan
"Thank you, Kuya,"
Inaya ko na silang kumain nang biglang sumigaw si Aria.
"Leigh!,"
*End of Ivan's POV*
Ilang oras din bago kami makarating dito sa bahay dahil sobrang traffic! So ayon nakarating kami ng 10 pm!
Kaso nung malapit na kami sa bahay napansin ko agad iyong sasakyan at pamilyar sa akin yon dahil kina mommy iyon. Hindi nga lang ako familiar duon sa isang sasakyan.
"Hey, do you want me to come?,"biglang tanong ni Rehan.
"Uh pwede ba? Baka kasi biglang magalit si mommy sa akin at baka hindi na rin mapigil pa ni Tito,"tanong ko
"It's fine, Leigh,"sagot nya. "Besides malapit na lang naman dito ang bahay namin, I'll ask the two if they want to come also,"
"Thank you,"nakangiting sambit ko
Nginitian niya lang ako at kinuha na ang cellphone niya.
"They'll come too,"aniya
"Okay, tara na,"sabi ko
Tumango naman siya kaya naman lumabas na ako ng sasakyan at naabutan ko na sila Zo at Gavin na nag iintay sa may gate.
"Leigh, are you sure about this?,"tanong ni Zo sa akin nang makapunta ako sa may gate.
"Oo nga, sigurado ka na ba dito? Kaya mo ba?,"tanong din ni Gavin
Kaya ko 'to! Kakayanin...
"Oo naman, tara na,"ngumiti ako sakanila
Unti unti kong binuksan yung gate at pinapasok muna sila bago ko ni-lock yung gate.
Naglalakad pa lang kami papunta sa pinto nang marinig naming may nag sisigawan. Si mommy at Tito... Nag aaway na naman siguro sila.
"I think they're fighting,"mahinang sabi ni Rehan
"Bro, chill baka ikaw na ang sumugod diyan,"pagpapakalma ni Gavin sakaniya.
Nahalata kasi naming naka kuyom na ang kamay niya.
"Shhh! They might here us,"sita sakanila ni Zo
Aayain ko na sana sila sa side door nang tumigil na ang sigawan kaya naman pinihit ko ang door knob ng pintuan. Hindi naman sila bubungad agad sa amin dahil nasa gilid pa ang living room.
Pagkabukas ko nang pinto nakita ko agad si Tita Aria na nakatayo at mukhang stress na, nakita ko rin si daddy na nakahawak sa kamay ni mommy at halatang umiyak si mommy.
Sumenyas ako sa mga kasama ko na dahan dahang pumasok pero huli na ang lahat...
"Leigh,"
Shoot! Nakita ako ni Tita Aria!
Napatigil kaming apat sa paglalakad at awkward na tumingin ako sa direksiyon ni Tita Aria. Nang nakatingin na ako naiilang akong ngumiti at halatang nagulat pa sila sa akin.
"T-tita,"naiilang na sambit ko
"Omy gosh! Leigh! Dalagang dalaga ka na!,"masayang sigaw niya habang papalapit sa akin at yinakap ako.
"Y-yes Tita,"niyakap ko din siya pabalik at bumitaw na rin siya.
"How are you?,"tanong niya sa akin. "And are they your friends?,"tingin niya sa likod ko
Sabi ko nga maiinterview na naman ako.
"Yes Tita, let me introduce them to you,"ani ko at ngumiti
"This is Zoanne Valerie Anderson, she's my best friend,"sabi ko at hinila si Zo sa tabi ko
"Hello po,"nahihiyang bati ni Zo
"Hi! I'm Aria Mendez,"pagpapakilala ni tita Aria at nakipag kamay kay Zo. "Anderson? Are you the daughter of Zayne Anderson and Valeria Chen-Anderson?,"
"Yes po,"
"Omy gosh! They're the Marquez's family friend,"
What? Napatingin naman ako dito sa dalawang lalaki at napansin kong nakakunot ang noo ni Rehan. Problema nito?
Hindi naman nakasagot si Zo kaya naman ngumiti na lang siya. Ipapakilala ko na sana si Gavin but he cleared his throat so, I guess he'll introduce his self now.
"Gavin Kelle Ramos Corpuz po,"pagpapakilala niya at inabot ang kamay niya.
Kinamayan naman siya ni Tita Aria kaso hindi maipinta ang mukha niya.
"Your parents are Kyron Mikhail and Gia Felicity, right?,"
"Yes po,"nakangiting sagot ni Gavin
"They're your Prof. Marquez's friend,"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko!
"Sabi nga po nila mommy," teka nga? Alam pala nito? Shuta
"How about the other guy?,"tanong ni Tita Aria at tumingin kay Rehan na tumabi na kay Gavin.
"Rehan Lazarus Chen Adams,"pagpapakilala niya
Chen?! Magkaano ano kaya sila ni Zo?!
"Chen?,"nakakunot noo na tanong ni Zo
"Yes, I'm the son of Lauriston Snyder Adams and Rayleigh Chen-Adams,"
Wow! May Leigh ang name hanep!
"The heir of Chen Corp. and Adams' 5 condominium?!,"tanong ni Tita Aria at napatakip pa sa bibig niya.
"Yes po, but I didn't take it,"
"Oh okay,"aniya at lumapit sa akin. "Nakakaloka itong mga kaibigan mo, ang yayaman juice ko,"bulong ni Tita kaya naman napatawa ako.
"Tama na yan, halina kayo at kakain na,"singit ni Tito Ivan
Aayain ko na sana yung tatlo pero bigla akong tinawag ni mommy.
"Leigh, can we talk?,"aniya
Napatingin naman ako sa ibang tao dito sa bahay. Nakita ko ang pag senyas ni Tito na kausapin ko si mommy kaya naman sumenyas ako dun sa tatlo na sumunod na kina Tito.
"S-sige po,"
Tinapik ni daddy ang balikat ko at nginitian ako kaya naman ngumiti rin ako pabalik. Gusto ni mommy nasa living room kami mag usap kaya naiwan kami duon.
"Leigh, I'm sorry for everything I didn't mean-
"It's okay mom, I understand," I cut her off
"I-i'm sorry nak and to your Kuya Bryle,"nakayukong sabi niya
It's fine mom, I already forgave you because that's what Kuya wanted.
"It's alright mom,"I assured her. "But who are my biological parents?,"
Bigla niyang inangat ang ulo niya at halatang nagulat pa. What? Am I not allowed to know who they are?
"It's okay if you're not ready to tell-
"Ask your Tito Ivan, I already told him," she said. So kaya sila nag sisigawan kanina dahil pinaamin ni Tito si Mommy? "Let's eat na,"aya niya sa akin.
Tumayo naman ako at hinawakan ni mommy ang kamay ko habang papunta kami sa dining area kaya naman napatingin ako dun.
"Your friends are nice,"aniya habang naglalakad kami.
"They are,"nakangiting sambit ko
"I may not be your biological mom but I can see that one of your guy friends likes you, Leigh,"aniya kaya napatingin ako sakaniya.
Juice ko? Ano ba 'tong pinagsasasabi ng nanay ko?
"Mom, you're just imagining things,"
"I'm not, Leigh,"natatawang sabi niya. "Observe them and you'll know what I'm talking about,"mapang asar na sabi nya.
"Mom it's not like that, of course ganoon sila sa akin dahil kaibigan nila ako-
"How lovely to see my two queens,"
Napatingin ako sa nagsalita and si daddy yon! Andito na pala kami sa dining area hindi man lang sinasabi ni mommy!
"Leigh, halika na,"aya sa akin ni Tita Aria. Umupo na si mommy sa tabi ni daddy at magkatabi naman si Zo at Gavin while magkatabi din sila Tito Ivan at Tita Aria. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakita ko, yiii comeback na yan. "Leigh, nakakatakot yang ngiti mo,"biglang sabi ni Tita.
"I'm sorry tita, may nakita lang akong maganda,"ani ko
"Umupo ka na, Leigh,"singit ni Tito. "Dun ka na lang umupo sa tabi ni Rehan,"aniya at biglang may umubo ubo.
Kumunot naman ang noo ko sa naging reaksiyon nila pero umupo na lang ako sa tabi niya. Inabot niya sa akin yung kanin at yung ulam kaya naman nakarinig na naman ako ng may umuubo.
Ang oa ha, inabot lang yung pagkain umubo na.
Habang kumakain kami ay nag uusap usap naman sila.
"Rehan, do you like my daughter?,"tanong ni mommy kaya naman nasamid ako pati na ang katabi ko ay nasamid rin.
"Iraya,"suway ni daddy sakaniya at inabutan ako ng tubig habang si Gavin ay nagpipigil ng tawa at inabutan din si Rehan ng tubig. "Kung ano ano yang tinatanong mo sa bata,"
"Nagtatanong lang naman ako, huwag mo na sagutin yung tanong ko Rehan dahil alam ko naman na ang sagot,"nakangiting saad ni mommy.
"Malapit na palang mag 12, baka hinahanap na kayo sa inyo,"singit ni Tito Ivan.
Napatingin naman ako sa cellphone ko at nakita kong 11:30pm na! Baka nga hinahanap na sila ng parents nila, juice me!
Sasagot na sana si Zo pero natigil iyon dahil nag ring ang cellphone ng katabi niya.
"Uh excuse me po,"ani Gavin at nag bow bago umalis sa dining area at sinagot ang tawag.
"Ma'am, Sir I'll go ahead,"basag ni Rehan sa katahimikan
"Oh okay, drive safely hijo,"sabi naman ni mommy
"Yes po, I will,"sagot nya at nag bow pa.
Naks magalang ka niyan?
"Zo, how about you? Sasabay ka ba kay Gavin?,"tanong ni Rehan kay Zo na nakatayo na rin.
"Yes, intayin ko na lang siya-
"Zo, tara na,"putol ni Gavin sa sinasabi ni Zo. "We'll go ahead na po and thank you for the dinner,"
"Mag iingat kayo,"sabi naman ni daddy nang makarating kami sa living room
Tumango naman sila at ngumiti na rin.
"Uuna na rin ako pero may ibibigay lang ako sainyo,"biglang sabi ni Tita. "Pati sainyo teenagers," dagdag nya pa kaya napahinto iyong tatlo.
May inabot si tita na invitation. Huh? Ikakasal na ba siya? Hindi naman ako nagkakamali kasi invitation talaga yon halata naman. Ay saklap tito Ivan!
"Who's Ivy Rielle?,"tanong ni tito
Ivy Rielle? Napatingin naman ako sa invitation na hawak ko.
Ivy Rielle's 5th birthday
Our wishes have come true. Ivy Rielle is celebrating her fifth birthday with a party and cake, too!
Join us on September 26 at Casa Mendez! See you there!
"You'll know if you'll come,"sagot ni tita at hindi rin maipinta ang mukha nya. "Any attire will do but you need to wear formal attire, Ivan,"
"Me?,"tanong ni tito at itinuro ang sarili
"Ay hindi tito, ako,"pamimilosopo ko sakaniya
"Leigh!,"suway nya sakin kaya nag peace sign na lang ako. Obvious naman kase na siya diba? Ivan nga e. "Okay then, I'll go there,"
"Thank you!,"ani tita. "I'll go ahead now, bye Leigh,"aniya at humalik sa pisngi ko
"Babye tita!,"
Sinamahan naman namin sila sa labas at nag paalam na rin.
"Bye nak,"paalam ni mommy at daddy
"Bye po! Ingat,"ani ko naman
Pagkatapos nilang magpaalam na uuwi na sila, pumasok na kami ni Tito Ivan sa bahay.
"Tito, tingin mo po sino kaya si Ivy?,"tanong ko nang makapasok kami ng bahay kaya napatigil siya
"I don't know, Leigh,"sagot niya. "Baka may asawa na ang Tita Aria mo at anak nila iyon,"
Oemji! Halla ka tito! Wala na talo ka na non
"Eh bakit Mendez pa rin ang gamit ni tita na apelyido?,"tanong ko ulit
"Hindi ko alam pero malay mo ayaw niyang ireveal,"sagot nya pa pero halatang malungkot siya dahil sa tono ng boses nya. "Matulog ka na at may therapy session ka pa bukas,"
Halla! Ang bilis naman ng oras!
"Sige po tito, good night,"bati ko
"Good night, Leigh,"
Andito na ako sa kwarto ko at nakapag shower na din ako. Hindi pa naman ako inaantok kaya naisipan kong mag i********: muna.
Habang nag i-scroll ako biglang may nag message sa akin. Sino na naman kaya ito?
valeriendrs: leigh! are you still awake?
yahairalv: hindi na, tulog na
valeriendrs: leigh!
Natawa naman ako sa kapilosopohan ko.
yahairalv: syempre gising pa, nakapag reply nga sa'yo diba?
valeriendrs: i'm serious, leigh
yahairalv: eto na nga, ano ba yon?
valeriendrs: you're the 4th year representative right?
yahairalv: uhm yes, why?
valeriendrs: get ready! you'll be our representative for singing contest also:)
What? Seryoso?!
yahairalv: you're kidding right?
valeriendrs: of course
Hay naka hinga ako ng maluwag.
valeriendrs: not
Shuta binawi pa!
valeriendrs: rehan will tell you bukas, may therapy session ka bukas diba? and duon sa bahay nila rehan yon
yahairalv: yeah, but I didn't know na duon
valeriendrs: well, get well soon babe! good night and prepare a song!
Hindi na ako nag reply pa dahil wala na akong masabi!
Matutulog na lang ako at maaga pa akong gigising bukas, nakakahiya naman na duon na nga sa bahay nila tapos late pa 'ko pupunta.
*Aria's POV*
Papunta ako ngayon sa bahay ni Ivan dahil ibibigay ko ang invitation para sa birthday ng anak ko. Hindi ko lang pala anak dahil anak niya rin.
Nag t-shirt lang ako tapos jeans at white rubber shoes. Nag sling bag na rin ako, ang gamit ko ay yung YSL na sling bag na binili ko nung nasa New York kami.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na rin. Nakita ko na agad ang anak ko kasama si mommy.
"Anak, halika na maghapunan ka na,"aniya
"Ma, may pupuntahan lang ako,"sagot ko
"Where mommy?," my 4 years old daughter asked
Ano bang isasagot ko dito? Alam ko namang hinahanap nya na ang daddy nya.
"To your daddy's house, anak," I answered and I saw how my mom turn her gaze to me. "Ma, it's time. Ako ang nang iwan at may karapatan siyang malaman ang totoo,"
"Okay, tumingin lang naman ako sa'yo Aria. You sound defensive,"pang aasar ng nanay ko.
I'm not, ito na ang tamang panahon para malaman niya ang totoo.
"Really, mommy?,"tanong pa ng anak ko.
"Yes baby, I'll go there to give him the invitation for you birthday," I answered. I saw her smile and I can say that it's the prettiest thing that I saw today.
"Yey! I will meet my daddy on my birthday,"masayang sabi nya
"Yes apo, so you better practice some of your talents to show daddy okay?,"singit ng aking ina.
"Yes, mamita!,"
"I'll go ahead now,"pagpapaalam ko. "Sleep early, Ivy Rielle," I reminded my daughter and she just gave me a wide smile.
"Take care, Aria,"
Tinanguan ko lang ang nanay ko at lumabas na ng bahay at baka kung ano pa ang masabi niya.
Pumunta na ako sa garahe ng bahay at sumakay na sa Chevrolet Camaro ko. Binili ko itong sasakyan ko nang maka uwi kami dito sa Pilipinas. Habang nagmamaneho ako bigla kong naalala yung mga memories namin ni Ivan.
Aria! Stop it! Mag focus ka na lang sa pagmamaneho!
It took me 30 minutes to arrive at his house. And I saw a Nissan Navara Calibre na nakaparada sa harapan ng bahay niya. Pinarada ko na lang din ang sasakyan ko at bumaba na.
Pipindutin ko na sana ang door bell nang biglang may sumigaw.
"Aria? Aria!,"
Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kapatid ni Ivan.
"Iraya?,"
"Ate Aria! How are you?,"tanong niya sakin
"I-im good, Iraya,"utal na sagot ko
"What brings you here?,"tanong nya pa
"I'm just going to give your kuya the invitation," I answered
Ow! Buti na lang madami akong invitation cards. Naglabas ako ng isa at iniabot kay Iraya.
"Oh, birthday invitation?,"tanong nya nang makita ang invitation card. "You're related to her,"
Huminga ako ng malalim bago sabihin ang totoo.
"She's my daughter, Iraya,"
"Your what?,"gulat na tanong niya. "Your daughter?! Are you married?,"sunod sunod na tanong niya.
"I'm not married, Iraya," I answered.