CHAPTER 9

3255 Words
Chapter 9 *Aria's POV* This is it! It's time to tell them the truth. "You're not married?,"naguguluhang tanong niya. "Then, who's the father?," "You're brother," I sighed "My what?!,"gulat na tanong niya at nanlaki pa ang mga mata niya. "So you're telling me it's my niece's birthday?,"tanong niya pa ulit at napatakip sa bibig niya. "Yes, it's her 5th birthday,"sagot ko "You hid her for 4 years?!,"sigaw niya. "You hid my brother's daughter- "Iraya, calm down,"pagpapakalma sakaniya ng asawa niya. "How can I? She hid my brother's daughter,"inis na sabi niya. "Ano 'to taguan ng anak?," "Iraya, I'm sure she has a reason,"depensa ni Ian "Oh, of course she has,"sabi niya at inirapan pa ako Kung hindi ka lang talaga kapatid ng tatay ng anak ko kanina pa kita pinatulan! Napaka suplada mo talaga, Iraya. "Iraya, it's my father's life. Huwag mo akong supladahan jan dahil buhay ng ama ko ang itinaya ko kahit pa ayaw kong iwan ang kuya mo noon- "Then you should've told him, hindi yung iniwan mo siya bigla buti nga sinabi pa ng mommy mo ang dahilan kung hindi baka sobra ang galit ng kuya ko sayo- "Ikaw ba? Makakapag paalam ka pa ba ng maayos kapag nalaman mong naghihingalo na ang mahal mo sa buhay? Diba hindi?,"putol ko sa sinasabi niya. Bwisit 'to! "Edi sana nagsulat ka man lang- "Bullshit Iraya! Wala akong time okay?! Dahil pagkarating ko ng London dumiretso ako sa hospital! Ni kulang na nga ako sa tulog at kain tapos susumbatan mo pa ako?," Pucha magsasalita pa unahan ko na nga. "Uunahan na kita, alam kong sasabihin mong "sana nung nagkatime ka" sa tingin mo may oras pa ako para duon? Kaya nga pinasabi ko na lang sa mommy ko diba? Dahil hindi ko na magawang sumulat o mag text sa kuya mo dahil nang mawala ang daddy ko nawala na rin ako sa sarili ko,"pag una ko sa sasabihin niya "Fine. Just tell my brother about his daughter,"inis na sabi nya Isa pa, hindi ko talaga mapipigil ang sarili kong patulan ka! Hinding hindi kita papalapitin sa pamangkin mo! b***h! "I'm going to tell him at my daughter's party," seryosong sabi ko. "And don't you dare tell me what to do, it's my decision and not yours," Duon na siya napatahimik. Kaso sumigaw ulit. "Kuya! Let me in!,"sigaw niya May pagka eskandalosa din pala itong babaeng 'to. Buti na lang at hindi nagsisisi itong si Ian na pinakasalan niya si Iraya. Sisigaw pa sana siya nang biglang may bumukas ng gate. Kung hindi ako nagkakamali si Ate Emy iyon. "Where's my brother?!,"sigaw na tanong ni Iraya. Matuto kang gumalang sa mas nakatatanda sa'yo Iraya. "Iraya, be nice,"pagpapaalala ni Ian Buti naman at sinabihan mo kaso sinamaan lang siya ng tingin ng asawa niya. "Wala dito ang kuya mo, Iraya,"sagot ni Ate Emy at halata sa boses niya ang pagka irita. "Then where is he?! Let me in,"tanong nya pa at itinulak pa si Ate Emy kaya naman napaupo siya. Agad akong pumasok ng gate at tinulungan si Ate Emy na tumayo habang si Ian naman ay pinagsasabihan si Iraya. "Ate, okay ka lang ba?,"tanong ko "Okay lang ako, Aria,"sagot niya at ngumiti sakin nang makatayo na siya ng maayos. "Kailan ka pa andito sa Pilipinas?," "Last month lang, Ate,"sagot ko at naglabas ng invitation card. "Ate, eto pala invitation para sa birthday ng anak ko," Inabot niya iyon at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa akin. Halatang gulat na gulat, sino ba naman hindi diba? Ang ganda ng tingin niya duon sa invitation card tapos nung sinabi kong "anak ko" bigla niya akong tiningnan habang nanlalaki pa ang mata, siguro ganiyan din ang magiging reaksyon ni Ate Marie. "A-anak m-mo?,"utal na tanong niya. "Si Ivan ba ang ama?," Woah! Manghuhula ka ba? Grabe! "Oo ate,"sagot ko at iniwas ang tingin. Sasagot pa sana ulit siya nang biglang may nagsalita. "Punyeta talaga niyang kapatid ni Ivan! Emy? Asan ka na ba? Nang gigigil na talaga ako sa impaktang iyon- "Marie! Iyang bunganga mo,"suway sakaniya ni Ate Emy nang makarating siya sa puwesto namin pero hindi niya pa ako napapansin. "Eh kasi naman- Aria?!,"gulat na tanong niya. Nginitian ko lang siya at kumaway. "Aria?! Ikaw nga! Aria!," ulit nya pa sa pangalan ko at tumalon talon papunta sakin at niyakap ako. Nakakatuwa parang bata si Ate Marie kaya naman niyakap ko din siya. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako. "Ako nga, Ate Marie,"ani ko at ngumiti. Bigla kong naalala ang birthday ni Ivy kaya naman naglabas ulit ako ng isa pang invitation card at ibinigay kay Ate Marie. "Oo nga pala Ate, eto oh," Kinuha niya naman iyon at biglang kumunot ang noo niya nang mabasa ang nasa invitation card. "Ivy Rielle? Anak mo?,"tanong niya nang iangat ang ulo niya at tiningnan ako. "Oo, ate,"sagot ko at nanlaki ang mga mata niya. "T-totoo?,"utal na tanong nya at napatakip sa bibig niya Tumango na lang ako at ngumiti. Pero hanggang ngayon gulat pa rin si Ate Marie at mukhang hindi pa nag sisink in sakaniya ang nalaman niya. Kaya naman sobrang tahimik na namin. "Aria, halika na muna sa loob,"basag ni Ate Emy sa katahimikan namin. "May pinuntahan pa kasi si Ivan kaya antayin niyo na lang," Pinuntahan? Saan naman kaya? Pumasok na kami sa loob at biglang bumungad ang kapatid ni Ivan sa living room na pinagmamasdan ang bawat detalye ng bahay ni Ivan. "Oh here comes the one who hid my brother's daughter,"sarkastikong sabi niya nang makita niya akong nasa loob na ng bahay. Kung hindi ka lang talaga kapatid ng tatay ng anak ko pinatulan na talaga kita. Susugurin na sana ni Ate Marie si Iraya pero hinawakan namin siya ni Ate Emy. "Iraya, watch your words,"may diing sabi ni Ian sakaniya "What? I didn't do anything, Ian,"sabi niya at sumulyap pa sa akin. "I'm just telling a fact,"dagdag niya at idiniin ang pagsabi sa "fact" Akala mo naman kung wala 'tong kasalanan a. Naiinis na ako kaya tangina magsasalita na ako. Unti-unti akong lumapit kung nasan siya. "Watch your words, Iraya,"may diing sabi ko sakaniya. "Huwag mo akong subukan dahil madami akong alam sa mga sikreto mo,"pagbabanta ko sakaniya at halatang nagulat siya sa sinabi ko pati ang asawa niya at sila Ate Emy ay nagulat. "W-what are you saying?,"utal na tanong niya I just smirked at her. I'm about to leave the living room when she suddenly shouts. "What do you know, Aria!?,"sigaw niya Napalingon naman ako gayundin sila Ate Emy at Ate Marie na papunta na sana sa kusina. Talagang hinahamon mo ako, Iraya. Sige sasabihin ko pero sorry I'm not sorry dahil lalakasan ko talaga ang boses ko. "I know what you did few years ago, Iraya,"panimula ko. "Alam kong ninakaw mo si Leigh kina Elaine- "You don't know anything!,"putol niya sa sinasabi ko "Of course I know everything,"sumbat ko. "Alam ko rin ang dahilan kung bakit muntik mapagsamantalahan si Leigh," Nang dahil sa sinabi kong iyon nakita ko ang panginginig ng kamay niya. "No, you don't know- "Oh come on, huwag mo nang lokohin lahat ng tao sa paligid mo. Maski si Bryle- "Huwag mong idadamay si Bryle dito!,"sigaw niya sakin "Bakit? Kayo nga ni Lucy dinamay si Leigh,"sumbat ko at napatingin si Ian sa akin. Habang si Ate Marie at Ate Emy na nasa tabi ko ay hindi na alam ang gagawin. "What are you saying? That's not true- "Hindi nga ba? Sa pagkakaalam ko kaya muntik mapagsamantalahan si Leigh ay dahil iyon sa inyo ni Lucy- "That's not true!,"pag tanggi niya "Iraya! Stop it!,"sigaw ni Ian. "Aria, tell me the truth- "Ano papaniwalaan mo iyang babaeng iyan?,"putol ni Iraya sa sinasabi ni Ian. "Then why are you being so defensive?,"tanong ni Ian sakaniya. "I am not- "Just shut it, Iraya,"putol ni Ian sa sinasabi ni Iraya Ano iyan? Gantihan lang? Alam kong mali ako at isinisiwalat ko ang sikreto ni Iraya pero hinamon niya ako at hindi ako magpapatalo. At eto na ang tamang panahon upang malaman ng lahat at ginawa nila. "Nang dahil sa galit ni Lucy kay Elaine inutos ni Lucy kay Iraya na kunin ang anak ng mga Buenaventura,"panimula ko kaya napalingon si Ian at Iraya sa akin. Pati sila Ate Emy at Ate Marie ay napalingon na rin sakin. "Dahil takot si Iraya na siraan siya ni Lucy sa'yo Ian, ginawa niya iyon- "Stop it!,"sigaw ni Iraya Hindi mo ako mapipigilan. "Ginawa niya iyon at kung bakit muntik mapagsamantalahan si Leigh ay dahil din kay Lucy at jan sa asawa mo, Ian," Dugtong ko. "Sila ang nag utos sa mga lalaki na gawin iyon pero narinig ni Bryle ang usapan niyo ni Lucy, Iraya," "He heard what?,"gulat na tanong ni Iraya Tama, narinig ni Bryle ang pag uusap ni Lucy at Iraya tungkol sa plinaplano nila. "Narinig niya kayo, Iraya,"ani ko. "Narinig niya kayo kaya tinawagan niya ako sa kasamaang palad wala ako dito sa Pilipinas nang panahong iyon dahil nasa Australia ako,"dagdag ko pa. "Kaya siya na mismo ang pumunta para iligtas ang kapatid niya ngunit siya ang nadali at nasaksak dahil sinabi niyo ni Lucy sa mga lalaki na magdala ng kutsilyo para kapag nanlaban si Leigh ay patayin na nila," "H-how could you do that?," tanong ni Ian na ngayon ay lumayo sa asawa habang umiiyak. "All this time, you're the reason why Bryle died!," "I-i'm sorry, Ian,"paghingi ng tawad ni Iraya. "Sorry? Nawalan tayo ng anak dahil sa kasakiman niyo ni Lucy! How could you do that?! Ang away ni Lucy at Elaine ay sakanila lang! Walang kinalaman ang mga bata dito!,"umiiyak na sabi ni Ian. "Nadamay pa si Bryle dahil sa plano niyong dalawa!," Nagpatuloy ang dalawa sa pag aaway at akmang aalis na sana ako ng biglang may humila ng buhok ko. "Ouch! Iraya!,"sigaw ko habang hawak niya na ang buhok ko. "This is your fault! Wala kang karapatan para ibuking ako- "Iraya! Stop it!,"sigaw ni Ian nang makitang hawak ni Iraya ang buhok ko at ang kamay niya ay nasa leeg ko na. Pinipilit hilahin ni Ian ang asawa niya palayo sa akin pero hindi niya magawa kaya naman pumigil na rin si Ate Emy. "Iraya nasa bahay tayo ng kuya mo huwag kang gumawa ng gulo dito!,"suway sakaniya ni Ian pero hindi nagpapa awat si Iraya. Nawawalan na ako ng bait, Iraya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon dahilan upang mapa-aray siya kaya nabitawan niya ako at sinampal ko agad siya ng malakas kaya napahawak siya sa pisngi niya. "How dare you- "How dare you too? Ikaw na 'tong may nagawang mali ikaw pa ang may ganang ganiyanin ako,"sampal ko ulit sakaniya Magsasalita pa sana siya kaso nakarinig kami ng sasakyan. Malamang si Ivan na iyon. "Huwag mo akong tarayan dahil balang araw lahat ng tinatago mong sikreto ay malalaman ng lahat,"pagbabanta ko sakaniya at pumunta na sa kusina. Habang naglalakad ako papunta sa kusina nakita ko na agad ang sasakyan ni Ivan at kinakausap na siya nila Ate Emy at Ate Marie. Mukhang sinabi na nila kay Ivan na andito kami. Kukuha sana ako ng tubig sa ref nang biglang may magsalita. "Ate Aria, sorry for what happened earlier,"paghingi ng tawad ni Ian "Wala iyon, Ian,"sabi ko na lang at ngumiti. "Sanay na ako sa ugali ng asawa mo," May sasabihin pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sila Ate Marie at Ate Emy. "Ate anong lulutuin niyo,"tanong ko nang mapansing naghahanda na sila ng lulutuin "Ah magluluto na kami para sa hapunan,"sagot ni Ate Emy. "At saka magluluto din kami ng paborito mong Menudo,"aniya at ngumiti sa akin Menudo? Favorite ko iyon! Buti naman at naaalala pa nila Ate Emy at Ate Marie, sana lang ay naaalala pa rin ni Ivan iyon. Hindi ko itatanggi pero umaasa pa rin ako hanggang ngayon na sana hindi nagbago ang pagmamahal niya sa akin. At sana mabuo ang pamilya namin dahil iyon lang ang aking hangarin para kay Ivy. "Talaga ate? Menudo? Buti naman at naaalala niyo pa na paborito ko ang Menudo,"nakangiting sabi ko Nagkatinginan naman sila at ngumiti parehas sa akin. Pero may kakaiba sa mga ngiti nila. "Hindi lang naman kami ang nakakaalala non, Aria,"sabi ni Ate Marie at ngumiti bago ipinagpatuloy ang paghahanda. Ha? Nako niloloko na naman ako nitong dalawang 'to, siguro namiss lang talaga nila ako kaya ganiyan sila sakin. Namiss ko rin naman sila. "Hay namiss ko talaga kayo mga ate,"sabi ko at bumuntong hininga "Kami lang ba? O pati si Ivan?,"mapang asar na tanong ni Ate Emy Nagulat ako sa tinanong niya kaya natahimik ako at tumawa siya. "Oo nga naman, hindi mo ba namimiss si Kuya Ivan, Ate Aria?,"pang aasar din ni Ian kaya napatingin ako sakaniya Hindi ko itatanggi pero hindi talaga ako makapag salita. "Ha? A-ano- "Kuya," Hindi na ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nagsalita na si Ian at tumayo ng ayos dahil nakasandal lang sya sa may lamesa. Bigla kasing bumungad si Ivan. Mukhang nagulat pa siya sa akin, akala niya siguro ay nasa living room ako. Ngumiti na lang ako kahit pa naiilang ako sakaniya. Nakita ko namang sumilay ang mapang asar na ngiti nitong mga kasama ko. "Ian, anong ginagawa niyo rito? Kasama mo ba si Iraya?," tanong ni Ivan kay Ian Wow, naging triple "I" pala sila ngayon ko lang napansin. Trio na sana kaso yung ugali ng kapatid nitong si Ivan hindi maganda. Oo alam ko may nangyari kaya naging ganon ang ugali ni Iraya pero hindi ko lang mapigilan ang sarili kong mainis sakaniya. "Nasa living room siya, Kuya,"sagot ni Ian sa tanong ni Ivan. "Gusto ka daw niyang maka usap pero sinamahan ko na lang dahil baka kung anong gawin niya," "Sige, magpapalit lang ako ng damit," paalam ni Ivan. Juice ko po! Hindi pa rin siya nagbabago may epekto pa rin siya sa akin. "Ehem yiii Aria ha, nakita ko yon sinundan mo ng tingin si Ivan,"kalabit sa akin ni Ate Emy "H-hindi kaya,"utal kong sabi "Asus, nauutal ka nga Ate Aria e,"pang gagatong pa ni Ian "Alam mo ikaw Ian?,"tanong ko sakaniya. "Halika na sa living room at baka pag nag usap sila magkagulo," "Magkagulo o baka gusto mong makita si Kuya?,"mapang asar na tanong niya ulit Hindi ko na sinagot ang tanong niya at tinulak na siya palabas ng kusina. "Mga ate una na ako sa living room ha,"paalam ko sa dalawa Tumango naman sila at kasabay non ang mapang asar nilang ngiti. Ang mga tao dito talaga nako! Naglakad na lang ako papunta duon sa living room. Umupo na lang ako sa isang sofa na malayo kina Iraya at baka masabunutan ko pa itong babaeng 'to. Saktong bumaba na rin si Ivan nang makaupo ako sa sofa. Dumiretso na siya dito at tumayo muna. "Anong pag uusapan natin, Iraya?,"tanong niya kay Iraya nang maka upo na rin sa kabilang sofa na medyo malayo sa akin. "Kuya, it's about Leigh's biological parents,"nakayukong sagot ni Iraya. Wow! Buti naman at may balak kang sabihin ang totoo. "So, who are Leigh's parents?," nakataas kilay na tanong ni Ivan Wow ha, suplado ka na niyan? "K-kuya- Ayan sige ayusin mo yang gusot na ginawa mo. "Just answer me, Iraya! Bago pa ako mawalan ng kontrol sa sarili ko at paalisin ka nang tuluyan dito sa pamamahay ko!,"sigaw ni Ian kay Iraya Parehas naman kaming nagulat ni Ian dahil sa lakas ng sigaw ni Ivan kay Iraya. Juice ko! Need ko ng umeksena dito! "Ivan! You don't talk to your sister that way,"sigaw ko sakaniya Kahit pa may galit ako kay Iraya hindi ko hahayaang sigawan siya ng kuya nya. Hindi alam ni Ivan kung ano ang mga pinag daanan ni Iraya kaya ipagtatanggol ko pa rin si Iraya sa parteng ito. "Huwag kang mangialam dito, Aria,"inis na sabi niya sakin. "Now, Iraya answer me!," Wow! Ako na nga nagmamalasakit jan sa kapatid mo kahit galit ako jan tapos sisigawan mo lang ako? Kung huwag ko kayang ipakilala sayo ang anak mo at kapag nakita mo kami sabihin kong may asawa na ako? Ano? Bwisit 'to! Edi huwag mangialam. Umupo na lang ako ulit dahil napatayo ako nung sinigawan ko siya. ""It's Elaine and Limuel- "What? The Buenaventura's?!,"gulat na tanong ni Ivan na may halong galit. Dili na lang ako mag talk at baka kung ano pa ang masabi ko. Makikinig na lang ako dito bahala sila jan. At magkukunwaring walang alam sa sikreto ni Iraya. Patuloy lang ang bangayan nilang magkapatid at nakakarindi na rin. Wala din namang magawa itong si Ian dahil brother-in-law lang naman siya ni Ivan at baka paghiwalayin nya pa ang dalawa. "Iraya, I'm sorry I didn't know,"narinig kong paghingi ng tawad ni Ivan kaya naman napatingin ako sakanila. Katext ko pa naman si mommy dahil tinatanong ko kung natulog na ba si Ivy. "It's fine, I already forgive you, Kuya,"nakangiting sambit ni Iraya. "But I don't know if Elaine and Limuel will forgive me," Ang plastic mo sa part na yan ha, alam ko namang may ipaguutos pa sayo si Lucy. Hindi ko pa nga lang alam iyon pero pag nalaman ko iyon sasabihin ko agad kina Ivan. Papatawarin ka pa rin nila Elaine dahil ganoon siya kabait para patawarin ang taong nakagawa ng matinding kasalanan sakaniya. "They will, Iraya,"ani Ian at hinawakan ang kamay ni Iraya. Andun na pala siya sa tabi ni Iraya? Hindi ko napansin iyon ah. ""Kuya paano natin sasabihin kay Leigh?,"tanong ni Iraya kay Ivan habang umiiyak pa rin Ang plastic mo talaga dzai. May pa iyak iyak ka pa jan, e tratraydurin mo din naman ulit yang mga yan. Paano sasabihin? Edi magsalita ka malamang alangan namang sabihin mo nang hindi ka nagsasalita? Juice ko ka. "And will she forgive me too?,"tanong ulit ni Iraya Malamang dzai, sa tingin ko nga ay napatawad ka na ni Leigh. "Iraya, your daughter already forgave you,"nakangiting sagot ni Ivan Sige utuhin mo pa yang kapatid mo, Ivan. Charought! Makasingit na nga lang! "So, Leigh's real parents are the Buenaventura's?,"singit ko sa usapan. "Well, she'll be the heir of their company, businesses and the other Mansion," Mayaman ang mga Buenaventura at ang mga Corpuz kaya hindi malabong mapunta kay Leigh ang ibang yaman ng pamilya nila. Napunta na sa kuya niya ang ibang yaman dahil nasa tamang edad naman na si Yaron at oras na malaman nila na si Leigh ang nawawala nilang anak agad na nilang ibibigay kay Leigh ang iba pang yaman dahil nasa tamang edad na rin naman si Leigh. Ang hindi alam ng karamihan ay may isa pang anak sila Elaine at Limuel, iyon talaga ang bunso nilang anak tinago lang nila dahil baka mangyari na naman ang nangyari kay Leigh. Nasa edad na lima pa lang ang bunsong anak nila habang si Leigh ay 20 years old na at si Yaron naman ay 25 years old na. Saktong sakto kapag nag 18 years old na ang bunso nila mapupunta na rin sakaniya ang ibang yaman ng pamilya nila. Pero iyon ang mga kinita ng kanilang mga kompanya. Wala din namang interes si Yaron sa yaman ng pamilya nila kaso hindi pa nila nakikita si Leigh kaya siya muna ang namamahala ngunit oras na makita na nila si Leigh ay ipapaubaya na rin ni Yaron sa bunsong kapatid nila ang yamang ibinigay sakaniya. Balak maging piloto ni Yaron kaya naman wala siyang interes sa mga yaman ng mga magulang niya. Oras na makita na nila si Leigh duon na mag fofocus si Yaron bilang piloto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD