Chapter 10
*Aria's POV*
Wow, grabe ha medyo nakaka offend sila. Sinabi ko lang naman iyon pero bigla silang natahimik. Ang panget niyo kabonding!
Nabalot kami ng katahimikan kaso nawala rin nang sinabi ni Ivan na siya na daw ang bahalang magsabi kay Leigh.
May sasabihin sana ako kaso nakaramdam ako na parang bumukas ang front door kaya lumingon ako. At hindi ako nagkamali dahil nakita ko si Leigh.
"Leigh!,"sigaw ko kaya napatigil siya sa paglalakad pati ang mga kasama niya.
Napahinto rin sa pag-uusap sila Ivan dahil sa sigaw ko. Ay sorry ha? Baka kasi marinig kayo ng bata.
Lumingon naman si Leigh sa akin at halatang nagulat pa.
"T-tita," utal na sabi nya at ngumit pa pero halatang naiilang
"Omy gosh! Leigh! Dalagang dalaga ka na!,"sigaw ko at lumapit sakaniya para yakapin
"Y-yes, Tita,"utal na sabi nya ulit at yumakap din sa akin.
Nabigla ata talaga siya sa akin.
"How are you?,"tanong ko sakaniya. "And are they your friends?,"tanong ko at tiningnan ang mga kasama niya na nasa likuran niya.
Pamilyar sa akin itong mga kaibigan niya.
"Yes tita, let me introduce them to you,"sagot naman niya.
Hinila niya yung kasama niyang babae palapit sa amin.
"This is Zoanne Valerie Anderson, she's my best friend,"pagpapakilala niya sa best friend niya
"Hello po,"ani nung babae, napakaganda nitong batang ito
"Hi! I'm Aria Mendez,"pagpapakilala ko at kinamayan siya. "Anderson? Are you the daughter of Zayne Anderson and Valeria Chen-Anderson?,"tanong ko
Pamilyar talaga siya e, at kamukha niya rin si Valeria na anak ng kaibigan ng daddy ko. Mas matanda kami ni Ivan sa mga magulang ng mga batang ito kaya naman ate at kuya ang tawag nila sa amin.
"Yes po,"sagot naman niya
Confirmed! Anak ka nga nila!
"Omy gosh! They're the Marquez's family friend,"ani ko
Nakita kong nagtatakang tumingin si Leigh dun sa dalawang lalaki, hindi niya siguro alam. Wala namang masabi si Ms. Anderson kaya naman nginitian niya na lang ako at nginitian ko rin siya.
Nakita ko rin si Leigh na ipapakilala na sakin ang isa pa niyang kaibigan. But the guy cleared his throat maybe he'll do that for Leigh.
"Gavin Kelle Ramos Corpuz po,"pagpapakilala niya at nakipagkamay sakin kaya naman nagulat ako habang nakikipagkamay din sakaniya.
Hindi ako nagulat dahil nakipag kamay siya sakin! Nagulat ako sa pangalan niya! Omy gosh! He's the son of Gia and Kyron, and Kyron is Leigh's uncle. At pinsan niya naman itong si Gavin.
Magkakilala na silang magpinsan.
"Your parents are Kyron Mikhail and Gia Felicity, right?,"tanong ko para naman hindi nila mapansing nagulat ako.
"Yes po,"nakangiting sagot niya
"They're your Prof. Marquez's friend,"ani ko at nakita kong nanlaki ang mga mata ni Leigh.
Malalaman mo rin ang totoo, Leigh.
"Sabi nga po nila mommy,"sabi niya naman at nakita ko ulit si Leigh na nagtataka.
Tumango na lang ako at tiningnan ang isa pa nilang kasama, familiar din siya sakin.
"How about the other guy?,"tanong ko at tumingin sakaniya. Tumabi naman siya sa pinsan ni Leigh.
"Rehan Lazarus Chen Adams," pagpapakilala niya
Shoot! Kaya pala familiar din siya! Siya siguro ang anak nila Lauriston at Rayleigh at magpinsan naman si Rehan at Zoanne.
Hindi iyon alam nitong dalawa dahil bata pa lang sila Rayleigh at Valeria naihiwalay na sila sa isa't-isa pero naaalala pa rin ni Valeria ang apelyido niya kaya iyon na lang ang ginamit niya kahit inampon siya ng pamilya Montecillo.
Nakita kong kumunot ang noo ni Zoanne, siguro ay nagtataka siya sa middle name ni Rehan. Malalaman niyo din ang totoo balang araw.
"Chen?,"tanong ni Zoanne habang nakakunot ang noo niya.
"Yes, I'm the son of Lauriston Snyder Adams and Rayleigh Chen-Adams,"sagot ni Rehan
Sabi ko na nga ba! Tama ako!
"The heir of Chen Corp. and Adams' 5 condominium?!,"tanong ko at tinakpan ang bibig ko
Duhz para naman halatang hindi ko talaga alam. Mahirap na baka mamaya ay sabihin nilang isa akong spy!
"Yes po, but I didn't take it,"magalang na sagot niya
Hmm bet ko itong batang 'to para sa pama- kay Leigh.
"Oh okay,"sabi ko at lumapit kay Leigh. "Nakakaloka itong mga kaibigan mo, ang yayaman juice ko,"bulong ko kay Leigh kaya natawa siya
Mayaman ka din, Leigh. Malalaman mo rin sa tamang panahon kung sino ang totoong magulang mo. Mag intay ka lang pama- Leigh, malalaman mo rin.
May sasabihin pa sana ako kaso biglang sumingit iyong ex ko.
"Tama na yan, halina kayo at kakain na,"
Ang killjoy mo pare grabe!
Umirap na lang ako, nakita ko pang tumawa sila Ate Emy at Ate Marie! Nakita siguro nila ako juice ko.
Aayain ko na sana si Leigh kaso biglang nagsalita yung nanay niya.
"Leigh, can we talk?,"
Napatingin pa sa amin si Leigh siguro ay kinakabahan siya na baka kung ano na namang masabi ng mommy niya sakaniya. Pero pumayag din naman siya dahil sumenyas ang tito niya na kausapin na ang mommy niya.
Nako Ivan, kapag may nangyari jan malilintikan ka talaga sakin!
Ayaw ko pa sanang pumunta sa dining area kaso etong ex ko tinawag ako.
"Aria, let's go,"aniya. "Huwag ka nang mangealam sakanila,"
Wow! Ako mangengealam? Aba dapat lang dahil may karapatan din ako.
"Eto na nga diba? Susunod na nga oh,"sagot ko at inirapan siya
"You still haven’t changed, you're still the same Aria Mendez that I met years ago,"aniya ulit
Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko iyon. I can't believe that he said that!
Natauhan na lang ako nang biglang may umubo sa tabi ko. Kaya napatingin ako sa gilid ko.
"Come on, Ate Aria,"aya sakin ni Ian. "Kuya Ivan is waiting for you now,"pang aasar niya pa
"Ian Valdez, umayos ayos ka,"banta ko sakaniya at tinawanan lang ako.
Pagkadating namin duon sa dining area nakita ko na agad ang mga bata na nakaupo na. Magkatabi si Gavin at Zoanne sa isang side at nag aasaran pa habang si Rehan ay walang katabi. Eto namang si Ian umupo kung saan may bakante pa.
Uupo na sana ako sa tabi ni Rehan para sana may katabi siya kaso pinigilan ako ni Gavin.
"Tita, huwag ka jan sa tabi ni Rehan,"sabi niya kaya nagulat ako. Pati ang mga kasama namin ay nagulat.
Nako po! Gavin hindi mo pwedeng ibuking na magkakilala na tayo. Hindi pa ito ang tamang panahon.
"Tita? Why are you that close?,"tanong ni Zoanne habang nakakunot ang noo
"Ah ano Zoanne, okay lang naman na Tita ang itawag niyo sakin,"sagot ko at pinandilatan ng mata si Gavin
Nag peace sign naman siya kaya tumango na lang ako.
"Oh sige, saan ako uupo?,"tanong ko habang nakataas ang isang kilay
"Duon po sa tabi ni Tito Ivan,"sagot ni Zoanne
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at nasamid pa si Ivan sa sarili niyang laway. Juice ko pong mga batang 'to.
"Si Leigh po kasi dapat jan sa tabi ni Rehan,"dugtong ni Zoanne sa sinabi niya kanina
"Alangan namang dito ka tumabi sa tabi ko, Ate Aria,"singit ni Ian. "Si Iraya ang uupo dito sa tabi ko kaya wala kang choice-
Kumaripas ako ng takbo at umupo na lang sa tabi ni Ivan para wala na silang masabi pero inilayo ko nang kaunti ang upuan ko sa upuan ni Ivan. Nakita ko pang sumilay ang mapang asar na ngiti ng mga kasama namin.
Kumpleto naman na ang nakahain dito sa lamesa pero hindi pa rin kami kumakain.
"Oo nga pala, Rehan may gusto ka ba kay Leigh?,"basag ko sa katahimikan
Napa ubo naman agad iyong dalawa at nasamid naman si Rehan. Bakit? Ano bang masama sa tinanong ko?
Oemji! So totoo nga? Shoot! May gusto nga si Rehan sa pama- kay Leigh!
"Halata naman, amin amin din Rehan baka maunahan ka," ani ko
Ngumiti lang si Rehan sa akin. Shuta pasensya na madaldal lang
"How about you, Gavin?,"singit ni Ivan kaya napatingin ako sakaniya
"Po?,"wala sa sariling tanong ni Gavin kaya natawa ako
"Do you like someone?,"tanong nitong katabi ko
Nakita ko namang tumawa si Rehan, aba gantihan yarn? Si Ian naman ay nakikitawa na lang din.
"Tawa ka ng tawa jan, wala ka man lang naging reaksiyon nung nalaman mong may nagkakagusto sa anak mo,"suway ko sakaniya kaya natahimik siya.
"Ate, it's obvious since 1st year college,"depensa niya sa sarili niya
1st year college?! So noon pa lang may gusto na si Rehan kay Leigh? Oemji!
"1st year college?!,"gulat na tanong ko
"Hinaan mo yang boses mo,"suway sa akin ng katabi ko pero hindi ko siya pinansin
"Uh, kind of,"naiilang na sagot ni Rehan at napakamot sa batok.
"Asus, aminin mo na Mr. President,"pang aasar ni Gavin sakaniya. "Halatang halata ka naman na, buti nga at naging close na kayo,"
"Why don't you just shut your mouth? Or you want me to tell them about the girl you-
"Eto na nga tatahimik na oh,"putol ni Gavin sa sinasabi ni Rehan at zinipper pa ang bibig
"Tama na yan, kumain na tayo,"suway ni Ivan
Hay! Sa wakas at kakain na rin!
Nagkaniya-kaniyang kuha kami ng pagkain. Nagulat na lang ako nang ipinaglagay ako ni Ivan ng Menudo sa plato ko. Napanganga pa ako dahil duon pero hindi ko na lang pinansin.
Nakita ko pang ngumiti itong mga kasama namin. Mga malisyoso!
Habang kumakain kami ay napansin kong tinitingnan ni Gavin si Zoanne. Ikaw Gavin ha, si Zoanne pala ang gusto mo. Halata ka rin e.
"How lovely to see my two queens"
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa narinig ko kaya tumingin din ako kung saan sila tumitingin.
Ay wow! Nakipagbati ka na niyan Iraya? Tologo bo? Plastic mo sa part na yan ha.
"Leigh, halika na,"aya ko kay Leigh kaya natauhan siya. Kaso ang creepy ng ngiti niya ha, para siyang may binabalak. Balak pumatay ng tao ganon! "Leigh nakakatakot yang ngiti mo,"ani ko
"I'm sorry tita, may nakita lang akong maganda,"sabi niya naman
Well, maganda/gwapo naman kaming lahat dito Leigh. Chos! Ang hangin Aria ha.
"Umupo ka na, Leigh,"singit ni Ivan. Kahit kailan talaga. "Dun ka na lang umupo sa tabi ni Rehan,"dagdag pa ni Ivan.
Narinig ko na lang na umubo tong iba naming kasama at kumunot naman ang noo ni Leigh. Kung alam mo lang Leigh.
Habang kumakain ako nakita ko namang inabot ni Rehan yung kanin at ulam kay Leigh kaya 'tong ibang kasama namin umubo ubo na naman. Nako! Pag iyan nabuking nang wala sa oras sinasabi ko.
Sinasabi kong magandang pangyayari iyon! Chos!
Ang ganda ganda na ng usapan ng mga kasama ko tapos biglang nagtanong 'tong kapatid ng katabi ko.
"Rehan, do you like my daughter?,"tanong ni Iraya kaya naman nasamid iyong dalawang bata
Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.
"Iraya,"suway sakaniya ng asawa at inabutan ng tubig si Leigh habang si Gavin naman ay nagpipigil muna ng tawa bago inabutan ng tubig si Rehan.
Ayan tayo e, tatawanan muna bago tulungan.
"Kung ano-ano yang tinatanong mo sa bata,"saad ni Ian
"Nagtatanong lang naman ako, huwag mo na sagutin yung tanong ko Rehan dahil alam ko naman na ang sagot,"nakangiting sabi ni Iraya
Ah talaga ba? Kung sakanila ay normal na ngiti niya yon, para sa akin ngiti niya yon na may binabalak na masama.
"Malapit na pa lang mag 12, baka hinahanap na kayo sainyo," singit nitong katabi ko
Buti naman at sumingit ka sa gantong sitwasyon. Napatingin naman ako sa cellphone ko at nakitang malapit na ngang mag 12. Baka nagising si Ivy at hinahanap ako.
Nagpaalam na si Rehan sa amin at pumunta na sa living room dahil sinamahan sila ni Leigh at Ivan. Habang ako ay nagpahuli na dahil tutulong muna ako kina Ate Marie at Ate Emy na ilagay ang pinagkainan namin sa lababo.
"Nako Aria, kami na dito ni Emy,"biglang sabi ni Ate Marie
"Okay lang-
"Hayaan mo na kami dito, Aria,"singit ni Ate Emy. "Baka hinahanap ka na ng anak mo,"
Oo nga pala! Si Ivy, baka hinahanap niya na ako lalo na nagigising pa naman iyon nang ganitong oras.
"Oh sige po, mauuna na ako basta huwag niyong kalimutang pumunta sa birthday niya,"paalala ko
Ngumiti lang sila sakin. Nagpaalam na ako sakanila at hinalikan ang mga pisngi nila bago dumiretso sa living room.
Pagkarating ko ng living room ay naalala ko ang invitation cards kaya naman naglabas na ako.
"Uuna na rin ako pero may ibibigay lang ako sainyo,"sabi ko. "Pati sainyo teenagers,"
Napatigil iyong tatlo sa paglalakad at humarap sakin kaya binigay ko na ang invitations.
Inabot ko na rin kay Ivan at Leigh iyong invitation card. Nakakunot ang noo ni Ivan habang tinitingnan yung card.
"Who's Ivy Rielle?,"tanong niya
Kung pwede ko lang sabihin ngayon, Ivan. Pero hindi ko pa sasabihin sayo ngayon, huwag mo lang kalimutang pumunta sa birthday ni Ivy para malaman mo kung sino siya.
"You'll know if you'll come,"sagot ko. "Any attire will do but you need to wear formal attire, Ivan,"
"Me?,"tanong niya at tinuro ang sarili
Malamang, sino pa ba ang Ivan ang pangalan dito sa bahay na 'to? Ikaw lang naman.
"Ay hindi tito, ako,"sagot ni Leigh kaya natawa ako
"Leigh!,"suway ni Ivan kay Leigh kaya naman nag peace sign lang si Leigh. It's so obvious na ikaw yon Ivan. "Okay then, I'll go there,"
Pupunta rin naman pala, gusto mo pang pilosopohin ng pamangkin mo.
"Thank you!,"ani ko. "I'll go ahead now, bye Leigh"ani ko at hinalikan sa pisngi si Leigh
"Babye tita!,"aniya at nginitian ko na lang siya
Nagpaalam pa sila Iraya kay Leigh. Ang plastic mo talaga Iraya.
Pagkalabas naming lahat ng gate ay nagsi paalam na rin sila sa akin.
"Tita-
"It's fine, Gavin,"putol ko sasasabihin ni Gavin. "As long as hindi muna nila malalaman ngayon,"
"Okay po, we'll go ahead then," aniya. "Bye tita,"paalam niya at humalik sa pisngi ko.
Kinawayan ko na lang sila at ngumiti rin. Pinaalahanan ko rin si Gavin na magmaneho ng maayos.
"So, I'm not the only one that have a secret-
"At least ako iyon lang, e ikaw? Ang dami,"putol ko sa sinasabi ni Iraya
"Iraya, that's enough,"suway ni Ian sakaniya. "Let's go, bye Ate,"paalam ni Ian sakin at tinanguan ko na lang siya.
Wala namang nagawa ang asawa niya kaya sumakay na lang sa sasakyan nila. Nakakairita talaga! Sumakay na rin ako sa sasakyan ko pero nang kapain ko ang bulsa ko wala duon ang cellphone ko! Tiningnan ko na rin ang sling bag ko pero wala din duon.
Baka naiwan ko sa bahay ni Ivan. Bumaba na ako ng sasakyan para icheck kung andon ba.
Nag door bell ako at binuksan naman agad yon ni Ate Emy.
"Naiwan ko ata cellphone ko, Ate,"sabi ko
"Ah sige, tingnan mo na lang dito sa loob may ginagawa pa kasi ako,"aniya
Tumango na lang ako at sumunod sakaniya sa loob ng bahay.
"Pucha asan ba kasi yung cellphone ko?,"bulong ko sa sarili ko
Kanina ko pa hinahaluglog tong sofa pero wala naman dito. Tinanong ko na rin si Ate Marie kung nakita niya ba yung cellphone ko kasi baka naiwan ko sa kusina o kaya sa dining area pero hindi niya raw nakita.
Kung saan saan na ako napapadpad kakahanap ng cellphone ko.
"Hinahanap mo ba cellphone mo?,"
"Pukingina ka!,"sigaw ko at napahawak pa sa dibdib ko
"Sorry, I didn't mean to startle you,"
Napalingon naman ako sa likuran ko at biglang bumungad ang may-ari ng bahay.
"Punyeta ka! Pwede namang umapak ng malakas diba? Hindi yung antahi-tahimik,"bulyaw ko sakaniya
Natawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Happy ka niyan? Huwag ko kayang ipakilala sayo anak mo.
"Happy ka na niyan?,"sarkastikong tanong ko
Napatahimik naman siya sa sinabi ko pero halatang nagpipigil ng tawa.
"Here's your phone,"nilabas nya sa bulsa nya yung cellphone ko at inabot sakin.
Kinuha ko naman agad yon at tiningnan kung may text ba si mommy. Wala naman pero tangina ala una na ng umaga?! Grabe naghanap lang ako ng cellphone tapos ala una na? Shuta.
"Don't worry, I didn't open it,"aniya. Ngayon ko lang napansin na nakapam bahay na siya. Naka sweat short lang siya tapos t-shirt. "What should I give to her?,"
"H-ha?,"
"Anong magandang regalo para kay Ivy?,"tanong niya at natatawa pa
Ano nga ba? Hindi ko naman pinalaking materyalistik ang anak ko. Pero siguro kwintas na lang para naman lagi niyang isusuot yon.
"Samahan na lang kitang bumili bukas,"suhestiyon ko
Hoy! Kayo ha, baka iniisip niyo na gusto kong makasama 'to. Pero parang ganon na nga hehe.
"Okay, sure,"aniya. "Wala naman akong pupuntahan bukas,"
"May therapy session si Leigh bukas diba?,"tanong ko
"Hmm, but Dra. Adams will pick her up,"sagot niya
Naks naman, susunduin pa si Leigh ng mommy ni Rehan.
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Maka uwi na nga lang.
"Una na ako-
"Who's Ivy?,"tanong niya
Punyeta excited ka? Malalaman mo sa mismong birthday niya.
"B-basta,"utal na sagot ko. "Una na ako-
"Hindi kita papauwiin hangga't di mo sinasabi sakin kung sino siya,"pigil niya sakin at hinawakan pa ang palapulsuhan ko
Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. Eto na siguro ang tamang oras para sabihin ko ang totoo, siguro dapat hindi ko na antaying sumapit ang birthday ni Ivy.
"Anak ko siya,"matapang na sagot ko
Nakita ko pang nanlaki ang mga mata niya dahil sa naging sagot ko.
"So, you're already-
"I'm not married,"putol ko sa tatanungin niya. "She's your daughter,"
"My what?,"gulat na tanong niya. "Daughter?,"
"Ay hindi, son mo siya hindi daughter,"pilosopong sagot ko
"Aria, I'm being serious here,"suway niya sakin
Obvious naman diba? Kakasabi ko lang.
"Why did you kept it from me?,"mahinahong tanong niya
Teka nga, bakit hindi 'to galit? Punyeta! Sinabi na siguro ng kapatid niya.
"I had no choice, Ivan,"sagot ko. "I was in London that time, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo,"
"Huwag kang mag-alala, kilala ka niya,"dagdag ko pa.
"T-thank you for letting her know that I'm her father,"aniya
"She has the right to know that you're his daddy,"ani ko. "Paano mo nalaman na anak mo siya?,"
"Iraya told me,"sagot niya
Sabi ko na nga ba, chismosa rin e. Pinangunahan ba naman ako.
"I'm not mad, Aria,"mahinahong sabi niya kaya napatingin ako sakaniya. " Alam kong sasabihin mo rin sa akin at alam kong may dahilan ka kung bakit hindi mo nasabi agad sa akin,"
Nginitian ko na lang siya.
"You must go now, it's almost 1:30am baka hinahanap ka na niya,"aniya. "8 o'clock tomorrow,"
"Okay then, I'll go ahead,"ani ko. "8 o'clock it is, bye,"
Hinatid niya na ako palabas ng gate at kinawayan ako nang makalabas ako. Ngumiti na lang ako at pumunta na sa sasakyan ko.
*End of Aria's POV*