CHAPTER 11

3015 Words
Chapter 11 Katatapos lang ng therapy session ko dito sa bahay nila Rehan. Nakakahiya nga dahil mommy nya pa ang sumundo sa akin sa bahay. "Next Sunday will be your next session, okay?,"biglang sabi ni Dra. Adams "O-okay po Doc,"sagot ko Natawa naman siya habang inaayos pa yung mga ginamit niya kaninang nag session kami. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko o baka may naalala lang siya. Andito pa rin kami hanggang ngayon sa clinic ni Dra. Adams. May sarili din kasing clinic si Dra. Adams at yung asawa niya. "If you want to go upstairs, you can go now,"saad niya kaya napatingin ako sakaniya. "Rehan is in the music room and he's with Gavin," "Sige po, Doc,"ani ko. "Thank you po and pupuntahan ko lang po sila," "Just call me Tita Thea,"aniya kaya naman napakunot ang noo ko. "Rayleigh Pasithea Chen-Adams is my full name," Napatango naman ako nang sabihin niya sa akin iyon. Ang unique din pala ng pangalan niya. "Hindi ko naman pwedeng sabihing tawagin mo akong "Tita Leigh" dahil magiging magkaparehas na tayo,"aniya at natawa ulit "Ah Doc- Tita, kilala niyo po ba ang mommy ko?,"tanong ko Hindi ko din alam kung bakit bigla kong tinanong yon, may kakaiba kasi akong nararamdaman sa mommy ni Rehan. Feeling ko kilala niya si mommy and may connection din siya sa totoong mommy ko. Umupo muna siya sa tabi ko at huminga ng malalim. "Your mom, Iraya?,"tanong niya at tumango naman ako. "Well, the truth is she was my batchmate and she's so attached to your dad, Ian,"dugtong niya pa at nakinig lang ako. "Her best friends are Elaine and Beatriz, malapit silang tatlo sa isa't-isa until one day your mom betrayed Elaine," Betrayed? Yun ba yung may ninakaw si mommy kay Dean? "But she has a reason why she do that and Elaine knows about it,"kwento niya. "Kaya in the end pinatawad pa rin ni Elaine ang mommy mo kahit hindi pa humihingi ng tawad ang mommy mo. I remember Elaine because of you," "Po?,"yun lang ang tanging lumabas na salita sa bibig ko "Andami nyong similarities e, pati kay Limuel meron din," "Sabi nga din po nila Zoanne,"sagot ko "I like you, siguro kaya ka nagustuhan ni Rehan dahil sa mabuti ang puso mo,"aniya at nginitian ako Ha? "P-pardon?," "Nothing hija, mag meryenda na lang tayo o gusto mong pumunta muna kina Rehan para tawagin na din sila?,"tanong niya habang nakangiti "Tatawagin ko na lang po muna sila,"sagot ko at ngumiti rin "Mauna na ako sainyo sa kusina, sumunod na lang kayo,"aniya ulit at lumabas na ng clinic Tumango na lang ako at sinundan na siya palabas ng clinic. Pumunta na ang mommy ni Rehan sa kusina habang ako ay papunta sa music room. Habang naglalakad ako papunta sa music room naririnig ko na agad yung drum at guitar. At yung naririnig kong prinapractice nila ay iyong kanta ni Nobita yung "Ikaw lang". Kakatok na sana ako sa pintuan dahil andito na rin naman ako sa tapat ng pintuan kaso nag uusap sila at baka maistorbo ko pa. Aalis na sana ako kaso bigla kong narinig yung pangalan ko kaya napatigil ako sa paglalakad paalis at bumalik sa tapat ng pinto. Hindi ko naman sinasadyang marinig yon. Oh naging chismosa na akis. "Lower your voice, Gavin,"suway ni Rehan "Bro, walang makakarinig sa atin dito dahil nasa baba pa lang naman ang mommy mo at si Leigh," "Kahit na baka may makarinig sayo," Wow! Straight tagalog! "Eto na nga e,"sabi naman ni Gavin. "Pero yan ba ang kakantahin mo para sa school fair natin?," "Yap, I'll sing this song and I dedicate it to Leigh," Shuta, sakin? "Yiii, ikaw naman kasi ayaw mo pa umamin! Malapit na tayong mag graduate baka maunahan ka pa ng iba," "Hindi ko minamadali, Gavin," "Sabi mo e, mag practice na lang tayo," Dun na natapos ang usapan nila. Teka nga, so kaya ganon ang mga reaction nila sa tuwing magkasama kami ni Rehan? Narinig ko na ang pag strum ng gitara pati ang pag tugtog ng drum. Kasabay non ay ang pagkanta ni Rehan. Oh, kay gandang pagmasdan Ang iyong mga mata Kumikinang-kinang 'Di ko maintindihan Ang iyong mga tingin Labis ang mga ningning Langit ay bumaba Bumababa pala ang tala Tumingin ka sa aking mga mata At hindi mo na kailangan pang Magtanong nang paulit-ulit Ikaw lang ang iniibig Habang nakikinig ako sa pagkanta niya naramdaman ko na lang bigla na parang may something sa tiyan ko, eto ata yung tinatawag nilang butterflies. "Why don't you open the door kahit konti lang," "Ay putangina!,"gulat na sabi ko Napatingin ako sa kung sino man ang nagsalita at nakita ko si Zo na nakangisi. "Pucha Zo! Ano ba yan? Bat ka ba nanggugulat?,"bulyaw ko sakaniya "Eh kasi naman bat ayaw mo pang buksan ng konti yang pinto oh,"turo niya sa pinto "Ayaw ko nga- Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko dahil binuksan niya na yon ng konti kaya kitang kita na namin yung dalawa. Nakalayo na pala si Rehan ng lines! Eto kasing si Zo nanggugulat. At sa paglisan nang araw, akala'y 'di ka mahal At ang nadarama'y hindi magtatagal Malay ko bang hindi magpapagal Iibigin kita kahit ga'no pa katagal Yang part na yan ang pinaka paborito ko! Tumingin ka sa aking mga mata At hindi mo na kailangan pang Magtanong nang paulit-ulit Ikaw lang ang iniibig At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka Hawakan ang puso't maniwala Na ikaw lang ang s'yang inibig Ikaw lang ang iibigin La-la-la-la-la-la, la-la-la La-la-la-la-la-la, la-la-la La-la-la-la (ah) La-la-la-la (ah) La-la-la-la-la-la, la-la-la Siya lang, la-la, la-la-la La-la-la-la (ah) La-la-la-la (ah) Sinta Nang matapos kumanta si Rehan at inayos na nila ang mga instruments kaya naman agad kaming nagtago ni Zo sa gilid ng pinto. "Naks naman Adams, dapat ganiyan din sa school fair ha? With feelings,"pang aasar ni Gavin "Shut up, ikaw anong kakantahin mo? Dedicated ba kay Zo?," "Hoy! Oo hehe,"sagot ni Gavin kaya napatingin ako kay Zo pero pinandilatan niya lang ako ng mata. "Siguro iyong "Dungaw by Adie"," Ay ang sweet naman ng Gavin na yan. "Yiii may gusto pala sayo si Gavin ha,"pang aasar ko kay Zo at sinundot pa ang tagiliran niya "Just forget it, Leigh," Nako kunwari ka pa! "Rehan?," "What?" "May pagkain ba kayo?," Tangina! Napalakas yung tawa ko, bwisit ka Gavin! Hayuf ka! "H-hoy! N-narinig mo ba yung tumawa?,"kinakabahang tanong ni Gavin "Of course, anong akala mo sakin? Hindi nakakarinig?," "Pucha Rehan, may multo ata dito sa mansion niyo!," "Stupid! Leigh is here, remember?," Pucha! Wala na buking na. "I think we need to go down now, Leigh,"bulong sakin ni Zo. "We're doomed," Paalis na sana kami kaso biglang may humawak sa kamay ko. Pucha! Bakit anlamig ng kamay nito? "Potangina ka!,"sigaw ko nang maramdaman ko yung kamay na malamig Humarap naman agad ako at nasampal ko kung sino man yung humawak sakin. "Ouch!," "Omyghad! Leigh!," "Tangina, Leigh! Gago bakit mo sinampal?," Yan ang mga narinig ko nang masampal ko kung sino man ang humawak sakin. Pagkabukas ko ng mata ko biglang bumungad sa harapan ko si Rehan na nakahawak sa pisngi niya. Shet! Omyghad! Hindi ko sinasadya yon! "What was that for?,"iritang tanong niya "E k-kasi n-naman bakit ka ba kasi nanghahawak ng kamay?," Utal na tanong ko. "At saka anlamig pa ng kamay mo!," "Kaya sinampal mo ako?,"tanong niya Pucha... "S-sorry! Hindi ko naman sinasadya!," "It's fine, let's go down. Kanina pa nagugutom si Gavin,"aya niya at nauna nang maglakad Shuta naman kasi! "Hoy! Anong ako? Aminin mo na rin nagutom ka dahil sa sampal ni- aray!," Hindi na naituloy ni Gavin yung sinasabi niya kasi siniko ko siya sa tagiliran. "Leigh naman, para saan yon? Ang sakit ha,"reklamo niya "You're so maingay kasi," Napatingin naman ako kay Zo dahil sa sinabi niya. Conyo ka ghorl? Nang makababa kami naabutan namin ang mommy ni Rehan na naghahanda ng meryenda namin sa dining area. Kinakabahan ako! Baka kasi galit pa yun sa akin, malay ko bang masasampal ko siya. Naunang naglakad si Zo kaya ang kasabay ko na maglakad ay si Gavin. "Psst" "Kinakabahan ka ano?,"tanong ni Gavin sakin "Sinong hindi? E baka galit pa iyon sa akin! Malay ko namang masasampal ko yon dahil sa gulat,"tanong ko "Alam mo Leigh, siguro galit lang siya kasi nabigla rin naman siya pero kakausapin ka din nun mamaya," "O-okay," "You look like related to each other," Nagulat ako sa biglang nagsalita. Mommy pala ni Rehan, hindi man lang sinabi nitong si Gavin na nakarating na rin kami sa dining area at naka upo na siya habang ako ay nakatayo pa lang pero hinila ako ni Zo kaya napa upo na rin ako. Ang sakit sa puwet ha. "Tita?," "The both of you, Gavin,"sagot ng mommy ni Rehan Huh? "Zoanne what can you say? They look related, right?,"tanong ng mommy ni Rehan kay Zo kaya naman tumingin siya samin ni Gavin "Omy ghad! Ngayon ko lang napansin, may features kayo na parehas,"ani Zo at napatakip pa sa bibig niya. "Omy ghad! Tita! Maybe they're really related to each other!,"dagdag niya pa Kung ano-anong napapansin ng mga tao! "Okay lang naman no, kung sakaling related kami ni Leigh,"singit ni Gavin. "Leigh! Baka ikaw iyong nawawala kong pinsan!," Anlayo non, juicecolored. "Kung ano-anong sinasabi mo,"sabi ko sakaniya "Oh siya, diyan muna kayo,"biglang sabi ng mommy ni Rehan at umalis na. "Psst Gavin!,"tawag ni Zo kay Gavin pero hindi siya pinapansin. "Gavin!," "O-oh?! Ano iyon?,"gulat na tanong ni Gavin "Samahan mo muna ako sa kitchen,"aniya "Ha? Bakit?,"naguguluhang tanong ni Gavin. "Ah okay!," Ay wow, walang pasabing pupunta na ng kitchen. "Psstt!," Ay ayaw akong linungin. Edi wao. "Psst Rehan!," Ayaw mo talaga akong pansinin ha. "Rehan!,"sigaw ko "W-what?!," "Kanina pa kita tinatawag hindi ko ako nililingon!," "Sorry, I didn't hear that," "Hindi daw, baka ayaw mo lang talaga akong kausapin," "Leigh, I'm not mad okay?," "Oh talaga?," "Hindi ng- "Hindi? Talaga ba? Pero hindi mo ako pinapansin," "Hindi nga, Leigh," "Hindi ko naman sinasadyang masampal ka, nagulat lang talaga ako," "It's fine, Leigh," "Galit ka na niyan?," "I'm not mad," "Eh bakit nga kasi hindi mo ako tinitingnan?! Kinakausap mo nga ako pero hindi mo ako tinitingnan," "Okay fine! Nagalit ako sayo kasi sinampal mo ako," "E bakit hindi mo sinasabi?," "Because I don't want you to feel guilty about it," "E di mas lalo akong magiguilty kasi hindi mo- "Leigh! It's fine okay?," "E bakit mo ako sinisigawan?!," "Hindi kita sinisigawan, ikaw nga 'tong sumisigaw," "Ah talaga? Baka ika- "Are you done fighting?," Napatigil ako sa pakikipag away kay Rehan nang biglang may magsalita. Dahan dahan akong tumingin sa nagmulan nung boses at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Dean! Tapos sila Gavin at Zo ay tumatawa lang sa gilid. "D-dean, ah ano po wala po iyon,"kinakabahang sabi ko Bwisit kasi 'tong si Rehan e. Ayaw pa kasi akong pansinin ayan tuloy. "Tita, away mag asawa po kasi yon,"rinig kong sabi ni Gavin kaya naman napalingon agad ako sakaniya at pinandilatan siya ng mata. Kung ano-anong sinasabi nitong lalaking 'to! "Sabi niyo e, Gavin muntik mo nang ibuking ang Tita mo kagabi," sabi naman ni Dean. "But we'll talk about that later. Rehan where's your mom?," "Oh she's right here- wait? Where's mom?,"naguguluhang tanong niya. Nilibot niya pa ang tingin ng mga mata niya sa buong dining area pero hindi niya makita mommy niya. "Uh Dean she went upstairs po,"singit ni Zo Huh? Hindi ko napansin iyon "Kanina pa umalis mommy mo, Rehan,"sabi ni Gavin Ay oo nga pala! "Okay, thanks Zoanne," Dean Buenaventura said. "Btw, you can call me Tita Elaine when we are outside the campus," Tinanguan naman namin siya at ganoon rin siya bago umakyat para hanapin si Tita Thea. Makaupo na nga! Kanina pa ako nagugutom. "Leigh," tawag sakin ni Zo "Oh?," "What flavor?," "Huh?," "Flavor ng ice cream," "Ow, ano cookies n' cream," Pagkasagot ko ay inabot niya naman agad iyon sakin kasama ang kutsara. Wow! Yayamanin talaga mga 'to. Noon kasi talagang one gallon lang ng ice cream pinagsasaluhan namin sa bahay pero dito naka solo cup kami. In fairness lasang cookies n' cream talaga hindi katulad ng ibang cn'c flavor yung cookies lang malalasahan mo hindi yung cream. "Dad," Huh? Teka- don't tell me daddy ni Rehan iyon? Napatingin naman agad ako sa direksiyon kung saan nakatingin yung dalawang lalaki at nakita ko naman ang daddy ni Rehan at may kasamang babae siguro mga ka age namin. "Rehannnn!,"sigaw nung babae "Riana,"tawag naman ni Rehan Nako! Eto yong pinsan niya. "Oh you have visitors?," "Uh yeah, let me introduce them," Tumayo si Zo kaya tumayo na lang din ako. "This is Zoanne and the other one is Leigh,"pagpapakilala niya samin sa pinsan niya. "And this is Riana my cousin," "Hi! Nice to meet you both! I already know Gavin kaya kayo lang ang hindi familiar masyado sa akin,"aniya at nakipagkamay sa amin pero iba yung ngiti niya sakin. "But Leigh is familiar to me because Rehan shows- "Dad, how's work?,"putol ni Rehan sa sinasabi ni Riana Epal din e. "It's fine, son,"sagot ng daddy niya at napatingin kay Zoanne. "Oh hi ladies and to you Gavin," "Hi tito!," "Good morning po,"bati namin ni Zo "You must be Valeria and Zayne's daughter,"tukoy niya kay Zoanne "Yes po,"nakangiting sambit ni Zo "You must be Elaine and Limuel's,"tukoy niya sa akin na ikinagulat ko Eto na naman napagkakamalan na naman akong anak ni Dean. "No po, I'm actually Ian and Iraya's daughter,"magalang na sagot ko Bakas naman ang gulat sa mukha ng daddy ni Rehan. "Oh I thought you're their daughter,"aniya "Diba! Sabi namin e,"singit ni Gavin "Btw, you can call me Tito Lauriston,"dagdag ng daddy ni Rehan. Ang bait din ng dad niya ha. "Rehan where's your mom?,"tanong ng daddy niya "She's upstairs and I think she's with Tita Elaine now," he answered Nakita kong tumango lang ang daddy niya at umakyat na rin. "Hi! You're Leigh, right?,"biglang sabi nung pinsan niya nang maka upo sa tabi ko Nagulat pa ako buti na lang di ako sumigaw o ano. "Y-yes, I'm Leigh,"nahihiyang sabi ko "I'm Riana Adams, Rehan's cousin sa father side,"pagpapakilala niya "Riana, its obvious that you're my cousin from my father's side,"singit nitong si Rehan "Ang kj mo,"iritang sabi ni Riana at inirapan ang pinsan Nakakatawa 'tong dalawang mag pinsan na 'to. "Yahaira Leigh Valdez, you can call me Leigh,"pagpapakilala ko naman "So Leigh, do you like my cousin?,"tanong niya kaya naman nasamid ako What the? Ang daming pwedeng itanong. "Riana," Rehan called her "What? Oh sorry I didn't mean," "O-okay lang,"sagot ko at uminom ng tubig na inabot ni Zo "That's fine for Leigh, siguro nabigla lang siya sa tanong mo,"singit ni Zo "Okay. Uh can I borrow Leigh and Zoanne?,"tanong ni Riana "Sure, go upstairs if you want or you can go in the living room,"sagot ni Rehan Agad-agad naman akong hinila ni Riana papuntang living room habang si Zoanne ay nagpaiwan muna dahil kukuha lang daw ng snacks. *Ivan's POV* Today is the day! We're going to buy some gifts for Ivy. I just wore a polo shirt and pants then I also wore my white shoes. Nothing more then my wallet will be inside my pants pocket. Ngayon din pala ang therapy session ni Leigh. Buti na lang nag prisinta si Dra. Adams na siya ang susundo kay Leigh, ayaw ko sana pero wala na akong magawa kaya pumayag na lang din ako. "Oh Ivan aalis ka?,"tanong ni Ate Marie nang makapasok ako sa dining area. "Opo Ate,"sagot ko. "Pupunta lang ako ng mall dahil bibili ako ng regalo para kay Ivy," "Kasama mo si Aria ano?,"mapang asar na tanong ni Ate Emy Hays etong dalawa talaga. "Ate Emy magpapasama lang ako para naman alam ko kung anong regalo ang gusto ng anak ko,"eksplanasyon ko Pero bakit ganon reaksiyon nila? Gulat na gulat. "Ano ulit sinabi mo? Anak? Alam mo?,"sunod sunod na tanong ni Ate Marie habang nanlalaki pa ang mga mata Alam ang ano? Na anak ko si Ivy Rielle? "Alam mong anak mo?,"gulat na tanong din ni Ate Emy "Oo mga ate, alam ko dahil nadulas si Aria nung isang gabi kaya nasabi niya at sinabi rin ni Iraya sakin,"sagot ko Tumango na lang sila at inaya akong kumain. Nag sabay sabay na rin kaming kumain at saktong kakababa pa lang ni Leigh. "Good morning Tito, good morning mga ate,"masayang bati niya "Good morning Leigh, halika na at kumain dahil susunduin ka ni Dra. Adams,"ani ko at nakita kong nanlaki ang mga mata niya "Po?," "Susunduin ka ng future mommy mo- I mean ng mommy ni Rehan," "Akala ko po ay ihahatid mo ako," "Sorry Leigh may pupuntahan kasi ako," "Saan po tito? Bibili ka po ba ng regalo para kay Ivy? Pwedeng ikaw na lang din po ang pumili at bumili ng ireregalo ko sakaniya?," Wow! Ang daming tanong a, dinaig pa ang attorney. "Sige ako na lang ang pipili at bibili basta kumpletuhin mo ang therapy sessions mo," "Yes! Thank you tito!," Tinanguan ko na lang siya at kumain na din baka biglang dumating si Aria. Ang sabi pa naman niya ay magpapahatid lang daw siya sa driver nila dito. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay biglang may nag door bell kaya naman nagmadali ako papunta sa kwarto at nag toothbrush. Anong oras na ba? Bakit parang ang aga naman ata niya? 8 o'clock na?! Kumaripas ako ng takbo at nang makababa ako nadatnan ko sila Leigh at Aria kasama si Dra. Adams sa living room. "Good morning, Doc,"singit ko sa usapan nila "Oh good morning, Ivan,"bati ni Dra. Adams. "I'm here to pick up Leigh," "Oh yes Doc, may pupuntahan din po kasi ako pasensya na po kung kayo pa ang sumundo sakaniya," "It's okay, Ivan. We'll go ahead para maagang matapos ang therapy session niya," "Okay Doc. Leigh be good there," "Yes tito, bye,"pagpapaalam ni Leigh at hinalikan ako sa pisngi ganoon din kay Aria Nakalabas na rin sila Leigh ng bahay. "Let's go?,"tanong ni Aria "Yeah, let's go," *End of Ivan's POV*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD