CHAPTER 28 THIRD-PERSONʼS POV Ilang minuto pa ang lumipas. Everyone was busy enjoying the night. Ngunit nahinto lang iyon ng muling umakyat ang host sa stage, bitbit ang kakaibang ngiti sa labi nito. “Hindi na natin dapat patagalin 'to. I would like to call the attention of the founders, Mr. McGarvey Taylor and Brooklyn Taylor." Agad namang nagpalakpakan ang mga bisita nang magkasunod na umakyat ang mag-asawa sa stage. A couple seconds of silence before McGarvey broke the ice as he started speaking. "I just wanted to thank everyone first for joining us tonight. I know, I know... Lahat tayo magkakalaban sa industriyang ito ngunit pinaunlakan niyo pa rin ang kasiyahang ito. And tonight–" Tumigil siya at tumingin sa mga bisita. Lahat ng mga ito'y nakatingin sa kaniya. Naghihintay sa sus

