bc

Return of the Unwanted

book_age18+
2.9K
FOLLOW
22.2K
READ
revenge
possessive
drama
tragedy
twisted
mxb
heavy
lighthearted
serious
stubborn
like
intro-logo
Blurb

RETURN OF THE UNWANTED

by IthinkJaimenlove

#xxxx

[STORY DESCRIPTION]

“I'm only returning the favor, My Dear. You once betrayed me, now taste the life you once gave me.”

°°°°°

She loves him with all her heart, but she got hatred and betrayal. Kaya nang mapagtanto niya ang lahat, umalis siya sa puder nito't nagpakalayo-layo. Ipinangako na balang araw, babalik siya at ipapatikim dito ang pait nang sinapit niya.

Ngunit papaano kung sa pagbalik niya'y nagbago ang lahat? Na ang dating ayaw sa kaniya, ngayon ay nais siyang manatili dahil mahal din siya nito.

Muli kaya niyang palalambutin ang tumigas na puso dahil sa nakaraan o hahayaan niya itong magdusa pang habang buhay?

chap-preview
Free preview
SIMULA
RETURN OF THE UNWANTED SIMULA AMBER "NAPAKATANGA MO! HINDI MO BA NAKIKITANG NAGTATRABAHO AKO'T NAKAKAISTORBO KA? NOW LOOKED AT WHAT YOU'VE DONE! YOU RUINED MY PAPERS!" Napatalon ako sa gulat nang sumigaw ito. Tumingin ako sa nagkalat na mga papel sa sahig at saka sa mga mata niyang nanlilisik. Pero hindi ko magawang tagalan ang pagkakatitig sa kaniyang madilim na mga mata. Kaya mabilis akong yumuko. "P-Patawad. H-Hindi ko sinasadyang mabuhusan ng juice ang mga papeles mo," sagot ko. Nabuhusan ko ng juice ang mga papel na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. Nakita ko siya kanina nang bahagyang makabukas ang kaniyang pinto, abala sa trabaho at tutok na tutok ito. Kaya naisip kong dalhan siya nang maiinom upang sa ganoon ay hindi niya maramdaman ang pagod. Ngunit hindi sumagi sa isip ko na aksidenteng madudulas ako nang maapakan ko ang isa sa mga nagkalat na papel sa sahig. Kaya tumilapon ang laman ng basong dala-dala ko sa ibabaw ng mesa, kung saan naroroon ang mga papel na may mahahalagang dokumento. "Do you think your sorry could fix everything?!" Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Tila ba, hindi lang itong nagawa ko ang tinutukoy niya't may iba pa siyang pinupunto. Ngunit nanatili akong tahimik. "You've made my life a messed! Sa tingin mo ba, maibabalik mo pa iyong dati kong buhay na sinira mo? Hindi! Now, get out of my office bago pa kita masaktan!" Ramdam ko ang pagpipigil sa boses nito at nagpapasalamat ako roon, dahil sa pagkakataong ito'y hindi niya ako masasaktan. Na hindi dadapo ang palad nito sa aking pisngi. Kaya mabilis kong pinulot ang mga basong nahulog, na mabuti na lang ay hindi nabasag dahil sa mga papel na nagkalat sa sahig, at saka nagmadaling nagmartsa papalabas ng kaniyang opisina rito sa aming bahay. Saktong paglabas at pagsara ko sa pinto nito'y bumagsak din ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mahina ako. Sa mga masasakit na salita lang na ibinabato nito sa akin, agad-agad nang bumabagsak ang mga luha ko. Gusto kong pigilan, gusto kong magtapang-tapangan, at gusto kong ipakita sa kaniya na kaya ko pa, kahit ano'ng sabihin niya'y mananatili ako sa tabi niya. Pero mahina ako. "Mommy, why are you crying po?" Tumayo ako nang matuwid at saka ibinaling ang tingin sa kaliwa ko, kung saan nakatayo ang apat na taong gulang kong anak. Nagtataka ang mukha nitong nakatingin sa akin at makikita rin sa kaniyang mga mata ang awa. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko't ngumiti. Ngiti na walang katotohanan at puro pagkukunwari lang. Ibinaba ko na muna sa isang tabi ang mga hawak ko't saka ito pinantayan. Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Humawak sa kaniyang malambot at maitim na maitim na buhok. "Masaya lang ako, 'nak. H-Huwag mo akong iintindihin, okay?" sabi ko sa kaniya ngunit imbes na sagutin niya ako'y mabilis ako nitong niyakap nang mahigpit. Nagulat ako sa kaniyang ginawa, kaya mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa awa para sa kaniya. Hindi dapat ito ang buhay na nararanasan niya. Hindi dapat ito ang buhay na ibinibigay ko sa kaniya. Hindi dapat ito ang buhay na kinalalakihan niya. "I'm also happy that you're my Mom po. I'm lucky to have you," bulong nito. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. Yakap na tila ba ito na ang huling yakap na mararamdaman ko siya sa bisig ko. Kung sana, maaari kong patigilin ang oras ay matagal ko na iyong ginawa dahil nais kong manatili kami sa ganitong puwesto. -- Sa araw-araw yatang ginawa ng Diyos, araw-araw din akong nagtitiis. Nagtitiis na makita siya sa piling ng iba, masaya at nakangiti, na hindi nito ginagawa sa tuwing kaharap niya ako. Puro masasamang titig at malalamig na titig ang siya niyang ipinapakita, kabaliktaran nang nakikita ko ngayon habang kasama niya ang babae niya. At hindi ito lingid sa kaalaman ko. Matagal ko nang alam na pinagtataksilan niya ako ngunit heto ako, nagpapakatanga. Nananatili dahil sa dahilan ko; ayaw kong bigyan ang anak ko ng isang hindi buong pamilya. Titiisin ko, makita ko lang ang anak kong masaya. Kahit ano pa'ng sabihin niyang masasakit na salita at minsan, pisikal na pananakit na, mananatili pa rin ako. Tanga na kung tawagin ng iba ngunit heto lang ang tanging alam kong paraan. Kung mayroon man, ang manatili pa rin kasama siya ang pipiliin ko. Bumuntonghininga ako. Tumalikod na ako sa kanilang dereksiyon at naglakad papalayo. Heto na naman ako, umiiyak. Walang bago. Patulot pa ring nasasaktan at nagpapakatanga. "Hey, Amber." Tumigil ako sa paglalakad. Bago ako humarap dito, pinunasan ko na muna ang mga luhang muli na namang bumagsak. "What are you doing here?" tanong nito at kitang-kita ko kung paano niya ako pasadahan ng tingin, tingin na may halong tuwa. "B-Bala ko sanang ibigay itong lunch kay Paolo," sagot ko at saka tumingin sa dereksiyon kanina ni Paolo at nang babaeng kasama nito. "P-Pero mukhang tapos na siyang kumain," dagdag ko pa. Ngumiti ito at alam kong peke rin ang ngiti nito. "Oh yeah. Nagkayayaan kasi ang barkadang kumain, e. I'm so sorry. Don’t worry, I'll tell him that you are here." Nagulat ako kaya mabilis ko siyang pinigilan. "Naku. Huwag na, baka nakakaabala lang ako, e. Sige, aalis na ako." "Are you sure?" Tumango lang ako bilang sagot. "Okay. I have to go na kasi baka hinahanap na nila ako." Hindi na ako nito hinintay pang makasagot at mabilis nang umalis at bumalik sa kanilang barkada, sa barkadang walang ibang ginawa kundi ang pagdiskitahan ako't saktan. Sa barkadang naging dahilan nang lahat kung bakit ngayon magulo ang mundo ko. Iyong barkadang pinagkakaisahan lang ako. Bumuntonghininga ako at saka tumalikod na rin upang makaalis na sana roon ngunit muli akong nakarinig nang tumawag sa pangalan ko. “What do you thing you're doing here? Can't you see what you're wearing? Para kang basahan sa ayos mo tapos pumunta-punta ka pa rito?! Umalis ka na at itapon mo na lang iyang niluto mo. I don't need it.” Akala ko'y hindi na ako nito makikita pa ngunit nagkamali ako. Kahit hindi ko siya lingunin, sa masasakit na salita pa lang na ibinato nito sa akin ay kilala ko na ang kaniyang boses. Wala akong nagawa kundi ang umalis doon, sa kompanya kung saan siya nagtatrabaho. Sana pala'y hindi na lang ako pumunta roon kung ito lang naman pala ang aabutin ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook