Kabanata 1

1132 Words
RETURN OF THE UNWANTED KABANATA 1 AMBER          Paggising ko pa lang tuwing umaga ay abala na ako sa mga gawaing bahay. Mula sa paghahanda ng agahan nina Paolo at ang anak namin hanggang sa sila’y makaalis papuntang trabaho at eskwela. Halos araw-araw ay ganiyan ang aking ginagawa at masaya ako na pagsilbihan silang dalawa. Dahil alam ko namang iyon na lang ang maitutulong ko dahil sa kakulangan ko sa edukasyon. Nakapagtapos naman ako ng high school ngunit nang tumuntong ako sa kolehiyo, roon nangyari ang lahat. Maaga akong nabuntis. Mas tama sigurong sabihin na aksidente akong nabuntis ni Paolo nang may mangyari sa amin noong acquaintance party. Hindi ko naman alam na hindi siya gumamit nang proteksiyon noon at isa pa’y lasing kaming dalawa nang may mangyari sa amin. Wala akong matatakbuhan noon dahil isa nga akong ulila at ang bahay ampunan na pinanggalingan ko lang ang siyang tumutulong sa pag-aaral ko. Dahil na rin sa kahihiyan, na mga madre pa man din ang siyang nag-aalaga sa akin, sinabi ko ay Paolo ang totoo. Ang sakit nga na malamang galing pa mismo sa kaniyang bibig na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko ngunit hindi ako pumayag. Alam kong nagmukha akong desperada ngunit ginawa ko ang lahat para lang panagutan niya kami ng anak. Hindi naman namin mahal pareho ang isa’t isa ngunit ewan ko ba’t nang magsama kami sa iisang bubong, natutunan ko siyang mahalin. Inaamin ko, masyadong malambot ang aking puso. Kaya siguro kami tumagal nang limang taong kasal sa papel ay dahil umaasa ako na balang araw, mamahalin din niya ako pabalik. Isa pang dahilan kung bakit hindi pa rin ako umaalis ay dahil na rin sa anak namin. Masyado pa siyang bata para maranasan ang naranasan ko. Ayokong magkaroon siya nang buhay na hindi kompleto ang mga magulang. Kaya habang kaya ko pang magtiis, magtitiis ako hanggang sa dumating iyong araw na kami naman ng anak niya ang piliin niya. Napabalik ako sa reyalidad nang makarinig ako nang malakas na pagkabasag ng isang bagay. Kaagad akong lumabas ng kusina kung saan abala naman ako sa paghahanda ng aming hapunan. Tinungo ko ang sala at doon nakita si Paolo na may hawak na bote ng alak sa isang kamay. Hinanap ko ang nabasag at nakita ang nagkalat na bote sa sahig. Hindi na ako nagdalawang isip pa’t mabilis na lumapit sa kaniya. Tutulungan ko sana siyang makatayo nang subukan nitong tumayo ngunit mabilis niya akong naitulak. “Don’t you ever touch or near me!” singhal nito at masamang nakatingin sa akin. “Nakakadiri ka! Bayaran! You ruined my life!” Aminin ko. Kahit hindi totoo ang mga sinabi nito’y nasaktan ako. Alam kong hindi ako bayaran at kahit kailan ay hindi ko magagawang magbayad para lang magkaroon ng laman ang aking tiyan. Pero hindi ko iyon pinahalata ay sinubukan ko pa ring tulungan siya ngunit sa pagkakataong ito’y mas lumakas ang pagtulak nito sa akin dahilan nang pagkabagsak sa sahig. Naramdaman ko agad ang sakit nang tumama ang likod ng aking ulo sa mesang na sa aking likuran. Ang sakit. Ngunit kung ikukumpara ito sa kirot na nasa aking puso’y mas mananaig ang emosiyonal na sakit. “I told you not to touch me! Napakatanga mo. Simpleng bagay, hindi mo maintindihan!” Nakatayo na siya’t mabilis akong iniwan. Sa muli, bumuhos na naman ang aking mga luha. Ngunit kaagad ko naman iyong pinunasan gamit ang likod ng aking kaliwang palad. Kahit nanghihina dahil sa lakas nang pagkakatama ng aking ulo sa gilid ng mesa. Pinilit ko ang sariling tumayo at saka umalis doon upang kunin ang mga panlinis. --          Kakatapos ko lang na pakainin at paliguan si Queeny, ang nag-iisa naming anak na babae. Apat na taong gulang na siya at sa murang edad ay naiintindihan na niya ang mga bagay-bagay sa mundo. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang sitwasyon namin ng kaniyang ama ngunit dahil bata pa siya’t paglalaro lang ang iniintindi. “Mom, you don’t have to stay with me po when I’m sleeping. Hindi po ako tako sa mumu,” aniya at humigikgik. Nakahiga na siya sa kaniyang malambot na kama. “I know po that you’re tired, because you’re the best. That’s why, you have to rest din po.” Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya. Hinaplos ko ang kaniyang malambot na buhok at saka lumapit dito upang dampihan siya ng halik sa ulo. “Hayaan muna ako, ‘nak. Masaya ako sa ginagawa ko kaya huwag mo akong intindihin. Kantahan na lang kita para mabilis kang makatulog.” Natuwa siya sa narinig at mabilis na umayo nang pagkakahiga. Mabilis lang naman siyang nakatulog. Kaya kaagad kong inayos ang kaniyang kumot at bago ako umalis ay hinalikan kong muli ang kaniyang noo. Bahagya siyang nakatagilid kaya kitang-kita ko mismo ang tangos ng kaniyang ilong na pareho nitong namana sa amin ni Paolo. Mahahaba rin ang kaniyang mga pilik mata at bahagya ring nakanguso ang kaniyang labi. Humugot ako nang malalim na hininga. Paglabas ko’y nagulat ako nang nasa labas ng pinto si Paolo. Pinasadahan ko siya ng tingin. Mukhang nahimasmasan na dahil sa kalasingan kanina at ngayo’y maayos na ang kaniyang suot na tila ba may lakad siyang pupuntahan. “S-Saan ka pupunta? Hindi ka ba maghahapunan muna?” tanong ko, kinakabahan dahil baka mamaya’y saktan niya ako. “Nagluto ako ng paborito mo,” dagdag ko pa. Ngunit imbes na sagutin niya ako’y mabilis ako nitong hinawi dahilan para mabigyan ko siya ng daan papasok sa loob ng kuwarto ni Queeny. Bumuntonghininga ako. Sumunod ako rito’t naabutan ko siyang pinagmamasdan ang anak. May kakaiba. Bigla akong nakaramdam ng tuwa dahil ngayon ko lang siya nakitang pagmasdan ito. Hindi rin naman iyon nagtagal at lumabas ito ng kuwarto na wala man lang sinasabi. Sumunod naman ako’t hanggan sa makalabas kami ng bahay kung saan may kotse roong naghihintay. Nakatayo sa gilid ng kotse ang isang magandang babae, maganda ang suot, at halos lahat ng sa kaniya’y maganda. “Hi, Babe!” anito at nang makalapit si Paolo ay kaagad na ipinulupot ang mga braso sa leeg nito. Bahagya itong tumingin sa dereksiyon at ngumiti. “Let’s go?” Harap-harapan. Para akong isang hangin, nararamdaman nila ngunit hindi nila nakikita. O sadyang nagbubulag-bulagan lang sila. Bakit pa ba ako sumunod dito? “M-Mag-iingat kayo,” sabi ko’t hindi na hinintay pang makaalis sila’t kaagad na akong pumasok ng bahay. Pagkasara ko ng pinto ay napasandig ako rito’t humagulgol. Ang sakit. Ang sakit na makita iyong taong mahal mo na sumama sa iba at hindi mo maiwasang isipin kung ano’ng gagawin nila habang magkasama. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa mapagod ako. Wala akong magawa. Kahit pa yata lumuhod ako sa harap nito’y magmakaawa, hindi ako nito kakaawaan. At kahit kailan, hindi ako nito pipiliin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD