CHAPTER 18 AMBER Nagising ako nang maramdaman kong parang may humahaplos sa ʼking mga hita. Nang imulat ko ang mga mataʼy nasilayan ko ang dalawa, tatlo, hindi apat na lalaking hindi ko kilala. Nakaramdam ako ng takot dahil kakaiba ang ngiti nila sa mga labi–na tila ba may masamang binabalak. Napaatras ako. "S-Sino kayo?" garagal ang boses kong tanong. Ang bilis ng t***k ng puso ko sa mga oras na ʼto. Inilibot ko ang paningin. Isa itong kuwarto na walang kahit anong gamit maliban sa kamang kaninaʼy kinahihigan ko. Hindi ko na napagtuunan pa iyon ng pansin nang sumagot ang isa sa kanila. "Hindi mo na dapat pang malaman, Miss. Dahil papatayin ka rin naman namin mamaya ʼpag tapos ka na naming tikman," anito. Dumoble ang takot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anoʼng gagawin ko. Bla

