CHAPTER 43 AMBER PAGGISING ko kinabukasan ay nagulat ako nang may mga maletang nakaimpake sa loob ng kuwarto ni Paolo. Mayroon ding mga katulong ding dahan-dahan sa paglalagay ng mga gamit namin. Ano'ng ginagawa nila? Inilibot ko ang paningin para hanapin si Paolo ngunit wala ito rito. Umalis ako ng kama. Napansin ako ng mga katulong kaya agad naman nila akong binati. "Ano'ng ginagawa ninyo sa mga gamit ko?" I asked, looking at them one by one. Tatlo silang naririto na dahan-dahang tinutupi ang mga damit ko. "Ah ma'am, napag-utusan lang po kami ni Sir Paolo," one of them answered. "Bakit daw?" "Hindi rin po namin alam, pasensiya na po," she said. I nodded as an answer and went out of the room immediately. Bumaba ako patungong kusina ngunit wala akong nakitang tao roon. Paglabas ko

